Chapter Thirty

557 19 0
                                    

Wala nang mas sasakit pa, when you see the person you love changed. Ibang iba na siya, at parang hindi na niya ako kilala. Kung mamamatay man ako ngayon, tatanggapin ko kung mula sa kanyang mga kamay. At least ay kahit sa huling minuto ng buhay ko, nakita ko siya, nakita ko siyang buhay.

I looked intently in his eyes when I felt something wrong. It’s in the eyes, always the eyes. Lumipat ang aking mata sa kanyang leeg nang may makita akong marka doon, sinubukan ko hawakan. I grunted nang higpitan niya pa ang pagkakasakal sa akin. Nanunubig ang mga mata kong sinubukan hawakan ang kanyang mukha. Ang kanyang mukha na lagi kong hahanap-hanapin.

“I love you...” I whispered under my breath as my tears fell down to my cheeks. His eyebrows furrowed, lumipat ang kanyang tingin sa kanyang kamay na napatakan ng aking luha.

Napaubo ako nang bitawan niya ako, halos mapaupo ako sa sahig dahil ramdam na ramdam ko ang aking panghihina. Hinahabol ko ang aking hininga habang nakahawak sa aking leeg. I saw auntie Emilia stood up, kitang kita ko sa kanya ang pagkagulat dahil sa pagbitaw sa’kin ni Kaiden.

His face softens, hindi ko na makita ang madilim na aura sa kanya ngayon. I covered my ears when he started to groan in pain, halos mapaluhod siya habang hawak hawak ang kanyang ulo. Para akong sinasaksak sa bawat daing niya. Tiyak na maski sinong makarinig ay mababasag ang puso dahil sa pagdaing ng pinuno ng Creighton.

“The potion’s no longer working,” I heard Cassidy whispered.

I giritted my teeth. They did this to him, para hindi siya makaalala, para hindi niya ako makilala. That’s why there’s something wrong in his eyes, at ang marka sa kanyang leeg. Auntie Emilia knows how to brew potions, silang tatlo nila mommy, and I’m fucking sure that she did this.

“You’re beyond evil,” I hissed. She just laughed.

“I’m glad you know, my niece.” The side of her lips curved while looking at me before she turned her gaze to her pets.

“Cage him, ‘wag na ‘wag niyo silang pagsasamahin.”

“No!”

Agad akong napatayo ngunit meron rin agad pumigil sa akin. Walang kwenta ang pagpupumiglas ko dahil sa lakas nila na wala ako ngayon. They are vampires, and others are lycans, anong laban ko ngayong normal na tao nalang ako?

Hanggang ngayon ay rinig na rinig ko pa rin ang mga daing ni Kaiden. Maybe he’s fighting with the potion in his system, sinusubukan niya itong labanan. Hindi ko siya kayang tignan habang ginagapos siya dahil sobrang dinudurog ang puso ko.

“Isabela!” He shouted in a gravelly voice. With my tears are still flowing, I managed to look at him. I felt my chest tightened when I saw his eyes, he’s back.

My baby’s back. Sunod sunod na tumulo ang luha ko.

“What a lovely couple, bid a goo—shit!”

She wasn’t able to finish her sentence when someone shot her from the back. My lips parted when I saw the guards of Montavilla going down from the stairs, ang iba ay nakikipaglaban na sa taas. I covered my mouth while I’m still crying when I saw Gaius and Carson, sila ang nagsisilbing tiga utos sa mga guards ng iba’t ibang bayan. I saw how they command, nagtuturo sila ng iba’t ibang direksyon. Gaius’ wearing a black leather jacket and a pants, while Carson’s wearing a black cape.

“Kill them all!” Cassidy commanded with her gritted teeth while checking the condition of auntie Emilia, na ngayon ay walang malay.

I immediately ran to Kaiden when one of my guards killed the vampires who’s holding me.

The Dawn of Isabela (Montavilla Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon