Chapter Seventeen

429 33 0
                                    

"Sava--What the fuck, Isabela?" Shock was written on his face when he saw me checking the human that he brought here.

"Yes. What the fuck, Dallas?" I mocked him.

My forehead creased. Napasapo ako sa noo ko, he has no idea what trouble this will cause. Paano kapag nalaman ng mga elders at officers 'to pati na ng iba pang mga bampira? The other vampires have no control when they smell blood. Mabilis lang silang makaamoy kapag may taong naka puslit dito. At isa pa, mapapagalitan siya ni auntie 'pag nalaman niya 'to. The elders too, siya ang susunod na mamumuno dito sa Zaporia tapos ganto agad ipapakita niya sa kanila? Sinusuway niya na agad ang batas dito sa Montavilla?

"What do you think you're doing, Dallas?" I asked him before I switched my gaze into the girl na dinala niya dito, agad itong umayos ng upo at yumuko.

He sighed bago niya nilapag sa lamesa ang dala niyang mukhang kakabili lang sa mall. Human things, I guess. I raised my eyebrow. Talagang nag effort pa siya para dito, papalayasin ko lang rin naman.

"Let's talk outside," he said before he walks away. I rolled my eyes before I followed him.

Naabutan ko siyang nagsasalin ng animal blood sa wine glass niya. Binalik niya iyon sa ref bago lumingon sa akin, inalok niya pa ako but I shooked my head. Tumalim lang ang tingin ko sa kanya. He shrugged before he drank on his glass wine na lalong kinainis ko dahil mukhang wala lang sa kanya ang nangyayari ngayon. Unbothered, Dallas. What the fuck?

"Ano 'yon? A human? Here? Are you out of your mind?" I fumed.

"Let me explain first, okay?" He chuckled. Mas lalong nag init ang ulo.

"This isn't a joke, Dallas. Umayos ka kung ayaw mong ako mismo ang kakaladkad sa babaeng 'yon palabas ng Montavilla at wala akong pake kung makita siya ng ibang bampira dito," Sabi ko habang marahas na tinuro ang kwarto niya.

Tumikhim siya bago tumango, sign that he surrendered.

"Remember the girl that I told you before?" He asked.

"Your crush?" I asked, my forehead creased. "Don't tell me its you--"

"No, she's her friend," putol niya sa akin.

I arched my eyebrow. Kaya ba niya tinutulungan? At isa pa, why she's here? She's not even immortal, mortal lang siya pero paano siya nakapasok sa portal?

"She also don't know kung paano siya nakapasok dito. She just said that she drove her father's car and followed the map there," he explained.

Agad ako napaisip doon. Mapa? Papunta dito sa Montavilla? Sinong mortal ang nakagawa ng mapa papunta dito? Who's her father? Ang daming bumabagabag sa isipan ko tungkol sa babaeng ito. Ang dami kong gustong itanong kay Dallas pero mukhang wala pa rin siyang alam. Pero mas pinoproblema ko ang pamamalagi niya dito, she can't stay here. Delikado para sa kanya, at mas lalong delikado para sa amin.

"Pauwiin mo na siya, Dallas," I demanded.

"She can't," he responded. Napaawang ang bibig ko.

"At bakit? She doesn't belong here. Paano 'pag nalaman 'to nila auntie, ha? Ng mga elders?" Sunod sunod kong tanong. Napamasahe ako sa sentido ko. 

"Come on, Isabela. 'wag muna, she can't go home," he's trying to argue with me now. Tinaasan ko lang siya ng kilay.

"What? Tama bang naririnig ko galing sayo 'yan? Naririnig mo ba ang sarili mo? Where's your principles, Dallas? Alam mo ba pwedeng mangyari dito sa Zaporia kapag nalaman nila 'to h--" he cut me off.

The Dawn of Isabela (Montavilla Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon