Chapter Nine

541 71 17
                                    

Inis akong umakyat sa aking silid at hindi nalang pinansin ang pang aasar nilang dalawa doon. I don't know if he really don't know na pangalan ko rin yung 'Alexis' o nang iinis lang talaga siya. Okay, fine, from now on hindi ko na itatanggi na naiinis ako sa Alexa na 'yon pero hinding hindi ko aaminin kay Kaiden. He will be so boastful na naman, isipin pa niyang ang possessive ko pagdating sa kanya.

"Nakita ko kung pa'no ka mainis 'pag binabanggit ni Kaiden si Alexa, nagseselos ka ba hija?" Napalingon ako sa pintuan ng aking silid nang makita si Auntie Amanda doon, nakasuot siya ng itim na bestida, suot niya rin ang necklace na magkakaparehas sila nila ina at Auntie Emilia.

"No way, Auntie. Why would I? Kailan pa ako nagselos sa ibang babae?" I can't hide different expressions from my face kaya narinig ko ang tawa ni Auntie Amanda.

"Very defensive, Isabela. Ganyan rin ako noong umiibig ako sa ama ni Dallas, I can't bear to see him with another girls," Aniya kaya napaiwas ako ng tingin.

Umiibig?

"Hindi po ako umiibig,"

Ngumiti lang siya sa akin at umupo sa kama ko, sa tabi ko. Inipit niya sa likod ng aking tenga ang mga takas na buhok sa aking mukha.

"Bakit naman? Napaka ganda mong bata, Alexis. Pinaghalong mukha ng iyong ama't ina ang iyong mukha, mas kamukha mo nga lang talaga si Alexander," She chuckled.

"Natatakot ka bang umibig dahil sa propesiya?" Diretso niyang tanong, habang nakatingin sa aking mga mata kaya napaiwas ako.

Auntie Amanda knows me too well, tignan niya lang ako sa mata ay alam na niya ang nararamdaman ko.

"Alam kong nasa panganib ang mga buhay niyo dahil sa propesiya na ito, pero hija, hindi mo alam ang kayang magawa ng pag ibig," She said while brushing my hair, sumandal ako sa kanya. She really is my mother, by heart.

"Hindi man natin alam ang pwedeng kahantungan ng propesiyang ito, gusto ko lang sabihin sayo na ipagpatuloy mo kung ano ang makakapagpasaya sayo,"

Hinarap niya ako sa kanya, she held my face, caressing it with her thumb.

"Kasi 'yon ang matagal ko ng pinapangarap makita, Alexis, ang sumaya ka."

I smiled. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko kapag pati siya ay nawala sa akin, she's very important to me, sila ni Dallas.

"'wag mo pipigilan ang nararamdaman mo kay Kaiden, you cannot hide what is real,"

Cringe, this is my first time na magkaganto dahil sa lalaki. Auntie Amanda knows that I'm tough when it comes to men, kahit kailan ay hindi ako namroblema ng ganito.

Kay Kaiden lang..

"I don't know if he feel the same way, " I said

"He's your mate, of course he feel the same way." Paninigurado ni auntie Amanda.

Naalala ko ang nalaman ko tungkol kay auntie Emilia, magtatanong na sana ako pero naunahan na niya ako magsalita.

"I heard from Stephen that you already know about your auntie Emilia and Hayme,"

Lahat talaga ay kailangan i-report ni Stephen dito sa palasyo para mapanatili pa rin ang konseksyon dito at sa labas, hindi naman na ako nagulat nalaman niya agad.

"Bakit iyon ginawa ni ina?" Tanong ko agad dahil 'yon ang gusto ko malaman mula ng marinig ko ang kwentong iyon kay Stephen.

"Your mom hide the prophecy dahil noon ay matitigas ang mga lycan, kahit na nasa propesiya na iyon ay maaari pa rin nilang ipapatay ang iyong tiya,"

The Dawn of Isabela (Montavilla Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon