Chapter Seven

559 89 25
                                    

Pagkatapak ko sa bayan ng Creighton ay mukhang tahimik naman ang paligid at hindi naman nagkakagulo ang mga lycan, mukha ngang hindi nila pinapaalam ang nangyayari. I’ve got a message from Kahil, nagwawala daw si Kaiden at sinabi niyang walang nakakaalam nito kundi siya at ang mga katulong nila sa mansyon ng mga Monreu.

Napailing nalang ako at dali daling pumasok sa loob ng mansyon nila, may mga nakasalubong pa ako sa labas na bumati sa’kin pero tanging pag ngiti lang ang nagawa ko.

Bakit ganito ang epekto niya sa akin?

Pagka-receive ko palang ng text ni Kahil ay agad na akong nakaramdam ng kaba. I used to hate him, pero isang text lang na hindi siya okay ay agad akong napapunta dito.

“He’s losing control again,” Rinig kong sabi ni Kahil sa isa sa mga katulong nila.

Nasa labas lang sila ng kwarto ni Kaiden. Rinig dito sa hallway ang malinaw na ingay sa kwarto niya, halos dumagundong iyon dahil sa impact ng mga gamit na akala mo ay hinahagis. I can hear he’s screaming na para bang nasasaktan siya. Damn it. Bakit ganito kalakas epekto mo sa’kin? There’s this disturbing feeling over my body that made my hands tremble.

“Isabela,” Tawag sa’kin ni Kahil nang mapansin niya na nakatayo lang ako dito sa kabilang dulo ng hallway.

“What happened?” I asked, immediately.

Alam kong hindi dapat ako nakikialam. Pero bakit ako pa ang tinawagan ni Kahil na pumunta dito? Ni hindi ko alam kung paano ko siya mapapakalma.

“He’s always like this, simula nung araw na nag truce ang mga bampira at mga lycan. He’s losing control, hindi namin pinapaalam sa mga elders kasi baka mas lalong magkagulo lalo na ‘pag malaman rin ng mga lycan na nakatira dito,”

That’s why he’s not visiting Montavilla since last week?

“Napapadalas na siyang ganyan kaya naisip ko na tawagan ka na. I think you can help him,”

“How? Ni hindi ko alam kung paano.”

Mas lalo akong naguluhan nang ngumiti siya sa'kin.

“You can, Isabela. Maski sino hindi siya kayang pakalmahin, maski ako o ang kapatid niya..”

Magsasalita pa sana ako para tanungin kung nasaan na ang kapatid niya ngunit isang malakas na ingay na naman ang narinig namin na siyang nagpatigil sa amin. Tila ba may sumusuntok sa pader, halos mapadaing rin ako tuwing naririnig ko ang mga sigaw niya na parang nasasaktan.

“He locked his door dahil ayaw niyang pati kami ay masaktan niya, kulang nalang ay igapos niya ang sarili niya sa loob,”

There’s something inside me na nakaramdam ng sakit matapos ko marinig kay Kahil iyon.

What the hell is this? Bakit ako nasasaktan kapag nasasaktan rin siya? Bakit nararamdaman kong nahihirapan rin ako tuwing nahihirapan siya?

Parang may nagtulak sa’kin na lumapit sa pinto ng kwarto niya at hawakan ang doorknob non, I used my pyrha to open the door because it is locked. Tinunaw ko ang doorknob na iyon saka tinanggal ang pagkaka-lock, hindi gawa sa silver metal iyon kaya ayos lang. Nang hindi na iyon naka lock ay unti unti kong binuksan ang pinto ng kwarto niya at dahan dahan rin pumasok sa loob.

“Just be careful, Isabela, hindi niya mapapatawad ang sarili niya kapag nasaktan ka niya.” Kahil said that made me confused. Damn it, ano ba nangyayari sa akin?

The Dawn of Isabela (Montavilla Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon