Chapter Eleven

466 52 6
                                    

The last time I felt this kind of pain is when my parents died, pero pakiramdam ko talaga iba 'to e. No one can ever make me feel this way, parang may masikip sa dibdib ko, at bilang isang bampira hindi 'to normal. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isipan ko ang nakita ko kagabi, it's like a picture that will never go out of my mind, I still remember every detail.

"Hindi ka papasok?" I looked at Dallas, he's behind me.

Nakasuot na siya ng uniform niya samantalang ako ay hindi pa nakakagayak. I feel so lazy today, this isn't normal anymore. Parang gusto ko mag tanong kay Marcus pero ayaw ko maki singit sa pagpapaayos niya sa kalagayan ni auntie Emilia.

"I'm not in the mood,"  I whispered.

Binuklat ko nalang ang librong kanina ko pa binabasa. But honestly, I can't understand what I'm reading, lumilipad sa iba ang utak ko. I can't even focus, paano ako papasok? Wala lang rin kwenta.

"Masasabihan ka na naman ni ina niyan, Isabela," He said, he shooked his head.

"Ako na bahala mag explain,"

I looked at his face, apparently knowing something was bothering me. Napaiwas nalang ako ng tingin, he knows me since we were a kid, hindi ako makakapagtago ng sikretro sa kanya.

"I'm okay, Dallas, just go to school. Anong oras na," Iwas ko, ni hindi ako makatingin sa mga mata niya.

"Fine," Sabi niya na para bang wala ng nagawa at lumabas nalang..

I sighed. I'm just lowkey enjoying the view outside when the rain suddenly poured, mukhang dinadamayan ako ng panahon. Nanatili lang akong nakatulala sa labas, kita kong patuloy pa rin nag e-ensayo ang mga guards doon. Napahawak na naman ako sa aking dibdib, there's really a strange feeling na nararamdaman ko, parang may mali.

"Bakit hindi ka pumasok, Alexis?" I'm holding my chest when auntie Amanda suddenly came in to my room, agad ko binaba ang kamay ko.

"Bibisita nalang po ako sa Zaporia, auntie,"

"Bukas pa iyon, 'diba? Ipagpabukas mo nalang at pumasok ka," She said.

I closed my eyes, paano ko ba sasabihin sa kanya? Anong palusot ang sasabihin ko? I would say that there's this strange feeling on my chest? Mag aalala lang siya, marami pa siyang inaasikaso dito sa palasyo at ayaw kong dumagdag pa sa iisipin niya.

"I'm really not in the mood, auntie. I'm sorry, wala lang rin ako maiintindihan doon," I said, I heard her sighed.

"Just tell me 'pag nakarating ka na ng Zaporia, tatawagan ko ang ilang tauhan doon," Aniya, I smiled.

Tumayo na ako at kinuha ang coat ko pati susi ng kotse ko, lumapit ako sa kanya at humalik sa pisngi.

"Thank you auntie, babalik agad ako pagkatapos," Paalam ko.

Pagkalabas ko ay napatingin agad ako sa pwesto nila Kaiden at Alexa kagabi, pagkalabas kasi ng palasyo ay daan na papunta sa garden ang gilid non. I was surprised when I didn't saw the broken pot there, sinong naglinis non? Nang makita ko ang isa sa trabahador ng palasyo ay agad ko tinawag iyon.

"Wala ba kayong nakitang basag na paso dito?" I asked him.

"Maaga po kami naglinis, mahal na prinsesa, pero wala naman po kaming nakitang kahit na anong kalat dito." Aniya kaya napatango nalang ako. 

Possible kaya na nakita nila ako kagabi kaya nalinis agad nila yung nabasag ko? Kung ganon dapat hindi kami magkita ni Kaiden ngayong araw, I can't bear to see him, maaalala at maaalala ko lang ang nakita ko kagabi.



The Dawn of Isabela (Montavilla Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon