Chapter Twelve

442 48 7
                                    

"Isabela,"

 Shock was written on her face when she saw me walking towards them. Kita ko rin ang pagyuko ni Marcus bilang pag galang sa presensya ko, pagkatapos non ay nagsalita siya upang kamustahin ang pakiramdam ko ngunit hindi ko na siya pinatapos pa.

"Ayos na ba ang iyong pakiramdam, mahal na pinsesa? Dapat a--"

"Ano ang dapat ko malaman, auntie Amanda?" I repeated.

Hindi makaimik si auntie na tila ba pinag iisipan pa kung paano niya sisimulan sagutin ang tanong ko. She sighed before she looked at me, I saw her worried face.

"Let's go to my office," Aniya at nauna na maglakad sa akin, yumuko lang ulit si Marcus, mukhang hindi siya sasama sa amin kaya sumunod na rin ako kay auntie.




"What is that, auntie? May tinatago ka na rin sa akin?" I asked out of curiosity.

Hindi siya sumagot, sa halip ay naglakad siya palapit sa table niya at may kinuha sa drawer non, lumapit siya sa akin using her vampire speed. Inabot niya sa akin ang isang litrato na mukhang matagal ng nasa kanya dahil medyo may kalumaan na ito.

"Me and ina?" I asked as I look into auntie Amanda. I gave her a confused look.

"Hindi pa ako handa sabihin sayo 'to, and I know you're not ready too. Pero kailangan mo na 'to malaman, Isabela.."

"What is it?"

I can feel the eagerness inside me, I gritted my teeth. Kita ko sa mga mata ni auntie Amanda na nahihirapan siya kung paano niya sasabihin sa akin.

"You know about the mortality potion, right?" She asked.

Napaisip ako dito. It is a potion na nakakapag tanggal ng immortality ng isang katulad namin, once na ininom mo 'yon ay magsisimula ka na sa proseso para maging ganap na mortal nalang. Para 'to sa mga gusto na tumiwalag sa lahi namin pero ito ang pinaka legal na proseso, ang pagkakaalam ko ay sila Marcus at ang tatlong magkakapatid lang ang may alam gawin 'to, which is sila ina, si auntie Amanda, at auntie Emilia.

"What's about the mortality potion?"

She stared at me once again bago siya umiwas ng tingin, kaya mas lalo akong hindi nakapaghintay na sabihin niya sa akin ang tinatago nila.

"Auntie Amanda, please.. tell me, naguguluhan na rin ako. Pati sa nararamdaman ko kay Kaiden. Yes, we're mates, pero normal ba na maramdaman ko rin ang nararamdaman ng mga mortal kapag nasasaktan sila?"

"No," Napatingin ako nang sumagot siya.

She sighed, lumapit siya sa akin. Gaya ng ginagawa niya noon ay hinawakan niya ulit ang mga kamay ko, kita ko ang pagpigil niya sa luha niya.

"What do you mean?"

"Hindi normal ang nararamdaman mo, Isabela. Dahil tama ang iyong nasa isip, bilang isang bampira hindi normal ang makaramdam ng ganyang sakit. Nasasaktan tayo pero hindi kumikirot ang ating puso dahil sa mga mortal lang nangyayari iyon,"

Naguguluhan akong tumingin sa kanya, ano ang ibig niyang sabihin? Halos wala na akong maintindihan dahil gulong gulo na ako. Ayaw pa diretsuhin ni auntie Amanda sa'kin dahil mukhang tinatantya niya pa ang mararamdaman ko.

"What? I'm a mortal now?"

"Hija, no."

"Then what is it auntie? Kanina pa ako gulong gulo dito!"  I exclaimed.

The Dawn of Isabela (Montavilla Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon