Chapter Nineteen

421 33 0
                                    

I smiled when I felt his arms hugging me from behind, he kissed the top of my head. I'm currently watching the sky, na unti unti nang dumidilim. It's almost time, konting oras nalang ay full moon na. Ang mga lycan ay naghahanda dito sa palasyo, sila lang rin ang makakakain non dahil hindi naman kami kumakain. 

I watched them being busy for the preparation. Ang iba ay hinahanda ang lugar na pag gaganapan ng seremonya mamaya, halos lahat ng mga lycan ay andito ngayon, tumutulong sa paghahanda.

"Are you ready?" He asked, whispering on the top of my head. Sobrang tangkad niya kasi.

"I guess?" I answered.

"Hmm? The princess of Montavilla, scared? Bago ata 'yon?" He joked, pabiro ko namang kinurot ang braso niya na nakapulupot sa'kin ngayon.

"Hanggang ngayon wala pa rin nakikita si Stephen tungkol sa mangyayari," I stated bago ko inangat ang tingin sa kanya.

Maraming possible problems ang kahaharapin namin mamaya, we're not sure if it is safe for the both of us. Wala kaming magagawa dahil iyon ang oras na sinabi ng propesiya. Nakahanda rin naman si Marcus kung sakali mang may masamang mangyari. Kailangan naming mapagtagumpayan ito, dahil kung hindi ay hindi rin namin mapipigilan ang mga tiwalag na bampira at mga lycan para guluhin ang bayan namin.

"We just need to trust the prophecy," he said before he made me turn around, pinaharap niya ako sa kanya. He held my face before he caressed it using his thumb. He looked intently in my eye, I can see his golden yellow eyes again. Gustong gusto ko talaga ang mga mata niya.

"No matter what will happen, ano man ang maging resulta.. always remember that I love you, Isabela. And I will do anything just to protect you," he kissed my forehead after he said that.

I immediately hugged him so tight. To be honest, I'm really afraid, afraid to know that something not good might happen later. Natatakot ako para sa kanya, para sa amin, at para sa mga nasasakupan namin. We need to overcome this, hindi namin pwedeng iwan o pabayaan ang mga tauhan namin.

"I love you too, Kaiden. I really do," I responded. He held my chin before he gave me a soft kiss on my lips.




"Dumating na ang oras ng pagmamarka. Lahat tayo'y magbunyi para sa pag iisa ng ating mga pinuno. Hindi man tayo magkakalahi, ngunit iisa lang ang ating layunin, ang magkaroon ng kapayapaan. Alam nating lahat na marami sa ating mga kalahi ang tumitiwalag, sapagkat hindi sa kanila sapat ang dugo ng hayop, ang gusto nila ay pumatay ng tao para sa dugo nito, na siyang mahigpit na pinagbabawal ng lahi natin. Gaya ng sabi ng propesiya, mag iisa ang pinuno ng mga bampira at pinuno ng mga lycan, na kung saan sa ganitong paraan ay maaaring mapatigil natin ang mga pilit na gumugulo sa ating bayan."

Auntie Amanda started to announce. May hawak siyang kopita habang siya'y lumalakad lakad sa aming harapan. We were all holding a glass wine, may laman ito na dugo ng hayop na ginawan nila ng seremonya kanina. Lahat ay andito, pati na ang mga pinuno ng iba't ibang bayan ng Montavilla. Andito sila Carson, katabi niya si Cassidy at auntie Emilia. Dahil madilim ay kitang kita ko ang kulay ng mga mata nila, ang iba'y kulay ginto, at ang iba ay pula.

Nagsimula na lumiwanag ang buwan. Napaangat ang tingin ko sa taas, it's time. Kaiden tightened his grip on my hand, tumingin ako doon bago tumingin sa kanya. In his eyes, he's saying that everything will be okay. I hope, love, I hope.

"It's time, Kaiden and Isabela," auntie Amanda said, she lift her hand like she's reaching us.

Lumapit kami ni Kaiden doon. Nilihis niya ang buhok na sumasagabal sa aking leeg, he stared at my neck, looking at the place where he'll make a mark. Lahat ng aming nasasakupan ay sa'min lang nakatingin. I can see auntie Amanda, kita ko ang pag aala sa kanyang mga mata before I switched my gaze on Kaiden.

The Dawn of Isabela (Montavilla Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon