Chapter Ten

512 57 7
                                    

Nagmamadali akong lumabas ng classroom nang maalala kong may pagpupulong pala sa palasyo pagkatapos ng klase ko. Pagkalabas ko ng building natigilan ako nang makita ko siya sa tapat ng main office, kausap niya ang isang guard ng Montavilla. Kita ko ang pagtingin sa kanya ng mga babaeng estudyante na tila kinikilig, napairap ako. Ano namang ginagawa niya dito?

Nang makita ako ng mga babaeng kilig na kilig sa kanya ay agad silang napatigil at yumuko, saka sila naghilaan paalis. These girls, sa palagay ko ang iba sa kanila ay mas bata pa sa akin. Sabagay, kung tutuusin ay mas matanda rin si Kaiden sa'kin, he's hundred and plus.

Naglakad ako palapit kung nasaan siya, bago pa man ako makalapit ay lumingon na siya sa akin at tumigil sa pakikipag usap sa guard. Kaiden smiled.

"Hey,"

Lumapit siya sa akin kaya maging ang mga estudyante ay napatingin sa amin, tumikhim nalang ako. Avoiding to feel awkward.

"You're too slow, I'm waiting for you, kanina pa. Akala ko ba alas singko ang tapos ng klase mo?" He said, I raised my eyebrow that's why his forehead creased. Pero kitang kita ko pa rin ang tuwa sa mga mata niya.

"Bakit kasi hinintay mo pa ako? Hindi ko naman alam, bakit ba?" I asked out of confusion.

"Sinusundo kita," Aniya, nakita ko na naman ang pagsilay ng ngiti sa labi niya. I could feel my cheeks heated up, what the hell?

Kinuha niya lang ang bag ko saka niya sinukbit sa balikat niya, natawa nalang ako. Para naman kasing mabigat para sa'min iyon, maski pa lagyan iyon ng maraming bato. Malaki na ang backpack ko pero nagmukha pa ring bag ng pre-school dahil sa laki ng katawan niya kumpara sa akin.

"Let's go." He said before he held my hands, hinila niya iyon.

My jaw dropped. His hand is so warm, it filled up my cold hand as a vampire. Ang isang paghakbang niya ay parang dalawa na na ata sa akin, he's so tall.

"Ba't kasi hindi ka nagsasabi?" I bit my lower lip to hide my shyness. Damn it, Isabela, what's going on?

"I'll inform you next time," He winked. 

He doesn't have my number, don't tell me alam na rin niya? Paano?

"Dallas gave your number to me,"

Okay? Binenta na ako ng sarili kong pinsan. I didn't know na close na rin pala sila ni Dallas. Ginalaw ko ang kamay kong hawak hawak niya kaya napatingin siya sa akin.

"Why?"

"Pasmado kamay ko," Palusot ko, he chuckled.

"A vampire? Pasmado? I doubt that," He smirked, inirapan ko nalang siya at wala ng nagawa sa kamay kong hawak niya pa rin hanggang ngayon.

Sabay kaming naglakad papunta sa sasakyan niya, sakto rin dahil nakisakay lang ako kay Dallas kanina kaya hindi ko dala ang sarili kong sasakyan. He didn't let go of my hand, he didn't even recognize all the eyes staring at us.

Sa daming mata ng mga estudyante na nakatingin sa amin, isang kakaibang tingin ang naramdaman kong bumalot sa akin. Mabilis kong nilibot ang tingin ko, natigilan ako sa paglalakad kaya napatigil rin si Kaiden.

"What's wrong?" He asked, kitang kita sa mata niya ang pagtataka.

"Nothing," Umiling nalang ako.

I tried to smile para hindi na siya magtanong pa pero hindi ko pa rin maiwasan ang pag tingin ko sa paligid habang pinagbubuksan niya ako ng pinto ng kotse niya. If Kaiden or the people around me didn't felt it or recognized it, siguro ay wala lang 'yon. Pero hindi ang hirap pa rin magpakasigurado.

The Dawn of Isabela (Montavilla Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon