Chapter Three

839 123 72
                                    

"Magandang hapon, mahal na prinsesa. Tama nga si Amanda, kamukhang kamukha mo ang iyong ama." Bati ng isang matandang lalaki, bahagya pa itong yumuko at ngumiti sa akin.

Sa tingin ko ay isa iyon sa mga elder nila. Tumingin ako kay Auntie Amanda, humihingi ng sagot kung ano ang ibig sabihin ng mga ito ngunit nanatili akong kalmado upang hindi nila malaman na nag aalala ako. Si Dallas ay tahimik lang na nakatayo sa tabi ko ngunit alam kong nagtataka rin sa mga nangyayari. I can see lot of golden eyes here, damn it.

"Are they here for a truce?" Rinig kong bulong ni Dallas.

Kailan pa binalak na makipag truce sa kanila? Mula noon ay kaaway na namin ang mga lycan, lycans killed my grandfather! Shit, now I'm confused. Gusto ko magtanong, pero once na ginawa ko 'yon ay  mas lalo silang magkakaroon ng dahilan para pilitin akong mamuno na dito sa Montavilla. 

"Unang una, gusto kong batiin ang ating mga bisita, sa pamumuno ng kanilang alpha. Maligayang pagdating sa aming bayan." Ngumiti si Auntie Amanda pagkatapos sabihin 'yon.

What the hell is going on?

"The elders, officers, and I decided to have a truce with the lycans. We badly need them as they need us too. Hindi lingid sa kaalaman ninyo na may mga bampira na tumataliwas sa ating batas, hindi marunong sumunod  at gumagawa ng sarili nilang mundo. Ganon rin ang mga lycans, dumadami na ang mga namamatay na bampira at lycans pati na rin ang mga hybrids. Hindi maaayos at hindi magkakaroon ng katahimikan kung pati tayo ay magiging magkaaway sa sitwasyong ito." Dagdag ni Auntie Amanda.

Ibig sabihin ay andito ang lahat ng officers at elders namin at ng mga lycans. Marami na rin kasi ang mga nagrerebeldeng bampira, hindi nila ma-control ang pagkauhaw nila sa dugo, nagagawa na nilang pumatay ng mga tao pati ng mga lycan na dapat ay hindi.

Noong panahon ng mga ninuno ko ay nagkaroon ng kasunduan ang mga bampira at mga lycan na gumawa sila ng boundary upang walang makapasok na bampira o lycan sa kanya kanyang teritoryo. Nasa batas rin namin na bawal pumatay ng mga tao kaya ang lugar ng Montavilla ay purong mga bampira lamang, ang nakakaalis lang ng uhaw namin ay dugo ng hayop. Your thirst can stop, but still, you'll not be satisfied.  Ang ilan sa amin ay nakakalabas ng bayan, yun ang mga bampirang sanay na makaamoy ng dugo ng tao at kayang mag control ng sarili. Kasama na kami diyan nila Dallas at Carson. Bata palang ay sinanay na kami ng mga magulang namin, dahil bilang mga susunod na mamumuno, dapat ay samin magsimula ang pagkokontrol ng sarili.

"Kaya Isabela and Dallas, you're both right. They're here for a truce. Kailangan nating maghanda sapagkat marami ng mga tiwalag na bampira at mga lycan ang nasa paligid lang, hindi tayo sigurado sa kaligtasan ng ating mga tauhan, ganon din ang aa kanila. Kailangan na nating magtulungan upang mawakasan na ito. Ito rin naman ang sinasabi sa propesiya."

Ito ang kinakaharap na problema ng Montavilla ngayon, hindi ko pa man tinatanggap ang pamumuno ay alam ko naman at ramdam ko ang nangyayari sa paligid ko. Marami na ang mga namamatay na bampira, kaya siguro ay napagkasunduan nila na makipag truce sa mga lycan. Pero paano nila nagawang makipagkasundo agad? Maraming taon na ang lumipas, at maraming taon na rin naming kaaway ang mga lycan na ito. 

Why should I care tho, wala ako sa mga pag uusap nila.

"Ngayong araw ay magaganap ang pagkakasundo ng mga bampira at mga lycan. Ngunit.."

Tumingin sa'kin si Auntie Amanda, my forehead creased.

"Ang huling desisyon ay nasa iyo pa rin, Isabela."

What? Why me? I didn't even know na may ganto ngayon. Yes, kasalanan ko rin naman na wala akong alam dahil hindi ako nakikisama, pero sila na nag usap usap diba? Why the hell I'm the one who will decide for this shit? Kung ganto ang gusto nila, then so be it. Wala akong alam sa pamumuno sa bayang ito.

The Dawn of Isabela (Montavilla Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon