Chapter Four

778 116 60
                                    

Inis akong umupo sa front seat ng kotse ko at tinignan siya ng masama, hindi nakatakas sa paningin ko ang nakakaloko niyang ngiti.

"You know what? I hate you," I said before I rolled my eyes.

"Hate me more, you'll love me soon," He chuckled. Mas lalong nag init ang ulo ko do'n kaya lumingon nalang ako sa bintana para makita ang labas, it's such a waste of time to argue with him.

Nang makatapak kami sa lugar ng Persimon ay nilibot ko ang paningin ko, Persimon and Dallum are the cities here in Montavilla. While Balhamas and Zaporia are more like a province. Malalaki ang mga gusali dito sa Persimon, ngunit meron pa ring mga makalumang structures dahil matagal na rin naman itong Montavilla. Habang tumatagal ay na-re-renovate nalang ang mga ito. 

"Grabe talaga, kung sino pa nag aya siya pa la—"

Napatigil sa pagdadaldal si Carson nang makita niya si Kaiden sa likuran ko, his mouth formed an "O" nang makita niya kaming magkasama. Nakita ko rin si Gaius na nakasandal lang sa hood ng kotse niya at nakatingin lang sa'min, mukha namang hindi na siya nagulat na may lycan dito. Alam kong naririnig niya rin kami maski medyo malayo siya sa'min.

"So andito na pala talaga ang mga lycan?" Carson asked.

"Obviously," I said, sarcastically.

Ngumiti lang naman si Carson at nag angat ng kamay kay Kaiden, I just crossed my arms. Sasama sama pa kasi dito, maka inis.

"Hi man, I'm Carson." Pagpapakilala niya.

Tinignan lang 'yon ni Kaiden, napaka suplado naman pala. I coughed, trying not to laugh because Carson got ignored. Binawi niya ang kamay niya saka siya napakamot sa batok, nang makita niya akong nagpipigil ng tawa ay agad niya akong siniko at bumulong.

"Akala ko ba bati na ang mga lycan at bampira?"

"You're right, moron. Suplado lang talaga 'yan, hayaan mo na, baka may dalaw."

"Oh? Edi may katapat ka na? At saka anong may dalaw? 'di ba sa mga babaeng mortal lang 'yon? Pa'no siya—"

"Are you really nuts, Carson? Gosh, I'm just kidding."

Napasapo ako sa noo ko. He's really gonna be a leader in Balhamas with a brain like that?

Napatingin naman ako kay Kaiden, his forehead creased. Siguro ay kanina niya pa kami pinapanood magbulungan ni Carson. Tumikhim ako bago magsalita.

"Uhm, Carson—this is Kaiden, the alpha of Creighton. Kaiden, this is Carson and the man over there is Gaius. He's the son of the leader in this city, Persimon."  Pagpapakilala ko sa kanila, tumango lang si Kaiden.

Sumama lang ba siya dito para magsungit?

"Let's start, I'm bored. Sino ba makakalaban ko today? Ikaw, Carson? Be ready, ass—"

"Can I be your first opponent?" I suddenly looked at Kaiden when he said that.

I laughed sarcastically. Kahit sino ay walang nangahas na maging kalaban ko pagdating sa racing, maliban kila Carson na matagal ko naman na talagang nakakalaban 'pag wala kaming ibang magawa.

"Seryoso ka, bro?" Tanong pa ni Carson, nakita ko namang lumapit na si Gaius.

"Can you make it more faster? Naghihinatay mga manonood," Sabi ni Gaius pagkalapit niya.

I smirked. "Are you sure?" Baling ko kay Kaiden.

"Why? Scared of me?"

"You wish, asshole." Irap ko, maski sino ay wala pang nakakatalo sa'kin. At hindi siya ang unang makakatalo sa'kin, no way.

The Dawn of Isabela (Montavilla Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon