Chapter Twenty Two

395 27 0
                                    

"It's afternoon that day, we were on our way home, dito sa Dallum. When a group of lycans blocked our way, pinatay nila lahat ng guards na kasama namin. Inuna nilang kunin ang iyong ama palabas ng sasakyan. He's strong, we know that, pero masyado silang marami at hindi niya nakayanan, he fights with all his strength," she looked in my eye, kita ang takot na nararamdaman niya hanggang ngayon. "Pero pinatay siya sa harapan namin ng iyong ina, Alexis,"

I held my chest as it started to tightened. No, I need to control my emotions. I need to remember what auntie Amanda always says, you have to train your mind to be stronger than your emotions, or else.. you will lose yourself.

"Your mother, she tried to save me, kaya siya ang namatay. I should have died, not her. Bago 'yon, she mentioned me to take care of you, to mold you as the next leader of the whole Montavilla because your parents believes in you, lalo na ang iyong ama. And I'm sorry, my niece, I'm sorry for not being there to guide you. But I know that you're good now, and you're better," she held my face, ngumiti siya. I remember my mom, I miss her so much and I can feel the heaviness in my chest again.

"Do you remember their faces?" I asked in a hoarse voice, trying to prevent my tears from falling. Hoping that she will answer 'yes'.

"I can't recall their faces, Isabela. I'm sorry.. all I know is they are lycans." She answered.

Napasapo ako sa aking noo. There's a part of me that does not want to believe that, pero imposibleng magkamali si auntie Emilia. Magkaibang magkaiba ang mga lycan sa mga bampira, ang tattoo palang nila ay sagisag na na isa silang lycan.

Hindi ko rin alam kung mga tiwalag ba iyon. Pero hindi impossible, nagkalat na ang mga tiwalag na bampira at lycan nung mga panahong iyon.

"Do you think we can trust lycans?" She asked that made me feel so confuse.

Si Kaiden ang namumuno ng Creighton ngayon, napaka imposibleng mag traydor sila. In fact, they're helping us. And he's my mate, that's too impossible. Sigurado akong mga tiwalag na lycan iyon, and they want to betray Creighton kaya sila gumagawa ng masama.

It's about my parents, matagal ko na gusto malaman kung sino ang pumatay sa kanila. Matagal ng may galit sa puso ko at matagal ko na rin gusto mahanap kung sino ang dapat paglabasan ko nito. Pero bakit ngayong nalaman ko na kung sino, hindi ako makapaniwala? Dahil ba kay Kaiden?

"Wala ka na bang ibang naaalala, auntie?" I asked her again. 

She shooked her head. Si Stephen nalang ang huli kong pag asa.




"Come on, babe. Focus," he said nang matamaan niya na naman ako sa braso.

We're currently having a training. I can't focus because of those lycans, damn it. Ang daming bumabagabag sa utak ko. Agad lumipat ulit ang tingin ko kay auntie Emilia na ngayo'y kasalukuyang nakikipag usap kay auntie Amanda na tuwang tuwa, sapagkat nakapabalik na sa dati ang kanyang kapatid. Hindi niya pa naaalala ang lahat, I should give her time hangga't hindi pa rin nagigising si Stephen.

"Something's bothering you," he stated before he walks closer to me.

"I'm sorry," I apologized in a  gruff voice.

"Do you want to take a break?" He asked, raising his eyebrow. Nasa balikat na rin niya ang tuwalya niya. I smiled. Ang hot talaga, shirtless pa.

Umiling ako. I need to train, marami akong responsibilidad at hindi ako papayag maging mahina. A great leader can make her team stronger, habang sila rin ang nagiging lakas ko. My influence can affect them.

The Dawn of Isabela (Montavilla Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon