Chapter Six

612 93 16
                                    

“Tulala ka ata diyan?”

Napakurap ako ng dalawang beses nang magsalita si Dallas, kanina pa pala kasi ako nakatulala at tahimik habang nag da-drive.

“Naisip ko lang ang Montavilla,” I lied.

Napapaisip lang ako sa sinabi ni Kaiden, hindi kaya siya yung tinutukoy sa propesiya? Impossible, a vampire and a lycan? Hindi naman lahat ng propesiya nagkakatotoo, pero ang iba ay oo. Mamamatay kami parehas kung lycan ang mate ko, pa’no kami magsasama? Ang pagsasama namin ang ikakamatay namin.

“Really? Dapat sinama natin si Gaius dito sa sasakyan e,”

Napairap nalang ako, kaya ayaw ko masyadong kasama si Gaius e. Not because I don’t like him, it’s just that, nababasa niya nasa utak ko kaya hindi ko kayang magsinungaling sa kanila ‘pag may tinatago ako.

“Kamusta naman yung pinopormahan ni Carson kanina?” I asked, maski alam ko na pangalan nung babae.

“Her name is Rouge, maganda pero medyo masungit at saka may anak na e.” He answered. So tama nga ang sinabi ni Kaiden kanina.

“I know,”

“E bakit ka pa nagtanong? Minsan talaga pahirap ka pa Isabela e,” He sarcastically said, napatawa nalang ako.

“Kanino mo nalaman?” Dagdag niyang tanong.

“Kaiden,”

Napasipol siya at nang aasar na tumingin sa akin.

“Close na kayo?” He chuckled.

Napairap nalang ako at mas binilisan ang pagpapatakbo ko dahil nauuna na pala ang sasakyan ni Kaiden sa akin. Sinabi ko naman na kaya na namin mag drive ng kami lang pabalik sa Montavilla, but he insisted, baka daw kasi may biglang sumulpot na tiwalag na mga lycan dito lalo na’t boundary namin ay ang kanilang hunting area.

Pagkarating sa Dallum ay agad akong bumaba sa sasakyan at mabilis na pumasok sa palasyo using my vampire speed, kita ko pa ang pag iling ni Kaiden, inunahan ko kasi siya maglakad. Sorry dude, I’m a vampire. Mabilis rin naman sila, pero ‘di sila madalas ganito sa amin.

“Kamusta ang pagdalaw sa Creighton, Isabela?” Tanong agad ni Auntie Amanda, humalik muna ako sa pisngi niya bago sumagot.

“The lycans are very welcoming, Auntie. I’ll talk to the officers, para naman kapag kailangan rin nila ng tulong ay makatulong agad tayo,” I said.

“That sounds good, hija. We’ll arrange a meeting for that,”

Napabaling ang tingin niya kila Kaiden na ngayon ay kapapasok lang dito sa bulwagan ng palasyo kaya napatingin rin ako doon. Si Kahil at Dallas nalang ang kasama niya, siguro ay dumiretso na ng uwi sila Gaius at Carson.

“Oh, Kaiden, andito ka rin pala. Wala ka bang pinagkakaabalahan sa Creighton ngayon?” Nakangiting tanong ni Auntie.

“Meron po, Lady Amanda. Hinatid ko lang po ang inyong mahal na prinsesa,”

Dahil do’n ay napatingin ako sa kanya, bakas na bakas kasi sa pananalita niya na nang aasar siya. What the fuck? Wala naman akong sinabi na ihatid niya kami, kaya ko na sarili ko. Para na naman siyang aso na ngingisi ngisi doon.

Umirap nalang ako at dumiretso na sa taas para magbasa ng mga libro, parang biglang mas gusto ko nalang mag aral kaysa makipag asaran sa Kaiden na ‘yon.

“Sorry hindi na ako kumatok, dito daw ba makikita yung libro tungkol sa mga bampira at lycan noon?” Agad akong napatingin sa may pintuan nang magsalita si Kahil.

The Dawn of Isabela (Montavilla Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon