Chapter Sixteen

466 38 0
                                    

"It’s almost time,” auntie Amanda said while looking at the window.

Next week ay full moon na, makakakuha kami ng kakaibang lakas mula dito. Gusto na rin nila mangyari ang pag marka sa akin ni Kaiden. Mas maganda daw kasi na sa full moon mangyari iyon. Kusang nag ta-transform ang mga lycan, I already saw him on his lycan form. At kahit kailan ay hindi ako natakot.

“Pupunta daw ba ang mga lycan dito bukas, auntie?” I asked while drinking my animal blood, holding the glass wine.

“Of course, hija,”

“Sus, hindi lang kayo nagkita ni Kaiden ngayong araw e. Miss mo na agad?” Dallas teased kaya napairap ako.

Yes, I missed him. Hindi kami nagkita buong araw dahil nag hunt sila. Sinamahan niya ang mga mas batang lycan para turuan. He called naman kanina kaso siyempre ay saglit lamang. I was busy with Anie, tinuruan ko naman siya gumamit ng pana.

“I’m happy that you and Kaiden  are already okay to each other,” auntie Amanda smiled after she said that.

Hindi rin naman mahirap makasundo si Kaiden even though he’s annoying and makulit minsan. He’s an alpha for Pete’s sake, pero ang kulit niya sa akin.

It’s already midnight when I realized that I forgot my earphones on the couch kaya bumaba ako sa aking kwarto para kunin iyon. Lagi lang naka bukas ang ilaw dito sa palasyo dahil wala namang natutulog sa amin, kadalasan ay gabi rin sila lumalabas. I’m watching a movie sa kwarto ko.

Pagkakuha ko ay agad kong napansin na may nakatayo sa may pintuan. Kung normal na tao lang siguro ako ay baka napatalon na ako sa gulat. He’s leaning against the door while his arms are crossed over his chest.

“You’re here,” bumaling ako sa kanya.

“I’m here,” he chuckled. Napairap nalang ako at tumawa.

“Kadarating mo lang?” I asked.

He didn’t answer. Tinitigan niya lang ako at umayos lang siya ng tayo saka lumapit sa akin. He gave me a hug, it’s like he’s saying that he had a rough day. I hugged him back, caressing his back.

“What happened?” I asked.

“Just some rough encounters,” he answered before he kissed my neck, I shivered.

Dahan dahan siyang humiwalay sa akin. My forehead creased nang mapansin na may konting galos pala siya sa kanyang mukha. I held his face, hindi siya gumalaw. Nanatili lang siyang nakatingin sa akin.

“You encountered some rebels?” I asked. Kahit na andito na siya ngayon malapit sa akin ay nakaramdam pa rin ako ng kaba. Hindi biro ang makipaglaban sa mga tiwalag na lycan, masyadong malaki ang galit nila.

He just smiled at me before he held my hand na nasa mukha niya.

“Isabela,” he kissed my hand. “I will do anything to make you safe. I will not hesitate to proclaim a war if anyone steal you from me,” he said.

Gusto ko sana magtaka dahil sa tanong niya, tila may gumugulo sa isipan niya at hindi ko yon mabasa. I’m not a human na ganon kadaling mapatay, but I feel so happy dahil sa pag aalala niya. Ngumiti nalang ako.

“I miss you,” I said.

His face softened before he hugged me again. He kissed the side of my head, caressing my hair.

“Damn. I miss you too,” he whispered, humigpit ang pagkakayakap niya sa akin.

After he kissed my forehead, he kissed my neck. Pakiramdam ko ay may nararamdaman akong kakaiba sa katawan ko. His warmth filled my cold skin. I closed my eyes at napahawak nalang sa damit niya.

The Dawn of Isabela (Montavilla Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon