ghost 4: The Help

175 14 0
                                    

Chapter 4:




Buong oras akong wala sa sarili. Gulat na gulat pa rin ako sa mga nangyari at nasa proseso pa ang utak ko para tanggapin ang nakita. Nagtaka na nga sina Allen at Leo sa kinikilos ko pero hindi ko sinabi ang dahilan.

Hanggang sa pag-uwi ay walang ibang laman ang utak kundi ko ang babae kanina. Pagod na pagod akong humiga sa kama. Nagpahinga muna ako saglit bago pumasok sa CR at magbihis. Saktong pagkalabas ko ay may kumatok. Nandito raw ang mga magulang ko at pinapatawag na ako para kumain.

Wala akong nagawa kundi ang dumiretso sa dining area. Saktong kumakain na sila nang madatnan ko. Lumapit ako kay Mama para halikan siya sa pisngi bago magmano kay Papa.

"How's your day, anak?" mahinahong tanong ni Mama sa akin pagkaupo ko.

"I'm fine," sagot ko saka nilagyan ng mga ulam at kanin ang plato.

"That's good to know."

Tahimik lang kaming kumakain. Nararamdaman ko na naman ang bigat ng hangin sa paligid kaya naman ay binilisan ko ang pagkain para makaalis na. Pero mukhang hindi talaga matatapos ang gabing ito na hindi magsasalita si Papa.

"Emman." Nag-angat ako ng tingin sa ama ko, nagtatanong. Uminom naman siya ng wine bago muling nagsalita. "About the marriage, don't ever forget that."

Padabog kong inilapag ang kutsara at tinidor sa placemat. Nawalan na agad ako ng gana pagkarinig pa lang ng salitang marriage.

"You'll be marrying Mr. Erveso's daughter whether you like it or not," seryosong sambit niya sa mga mata ko. "But you still have a choice. You can choose whoever you want to marry but she must came from a wealthy family."

"I don't want to be married, Papa," mariing wika ko. "I want to be single for the rest of my life. I don't want a serious relationship."

"Emman! Don't say that!" saway ni Mama.

"Why? Is it because of what happened before?" Tinaasan lang ako ng kilay ni Papa. "C'mon, Emman loyd. This marriage is very important to our family. You cannot just decline it just because you don't want to! You know it's our family tradition! Besides, pinayagan kitang kumuha ng Culinary kahit hindi iyon ang gusto ko para sa iyo! Oras na para ako naman ang sundin mo!"

"Kahit na! Hindi naman natin kailangan sundin ang mga nakagawian ng mga ninuno natin dahil lang sa tradisyon na ito ng pamilya! We are now living in the 20th century! Nagbago na ang panahon, Papa. Kaya sana magbago na rin kayo!"

"Emman!" saway ni Mama.

"Nawalan na 'ko ng gana." Tumayo na ako at agad na umalis ng lugar. Narinig ko pang tinatawag ako ng mga magulang ko pero hindi ko na sila pinansin.

Dumiretso ako sa kuwarto at agad na sinalampak ang sarili sa kama. Napatitig ako sa kisame at napahilot ng sintido. Na-i-stress ako lagi kapag kausap si Papa. Lagi na lang kaming nauuwi sa pagtatalo dahil sa pansariling kagustuhan niya.

Pati nga ang pagpili ng gusto kong kurso ay sapilitan pa. Kung hindi lang naikasal si Ate kay Kyle ay Business Ad sana ang kurso ko ngayon.

Napabuntong-hininga na lang ako. Why am I in this toxic family?

"Whenever I see boys and girls walang label pero sweet... I remember the time, no'ng ika'y pinakilig..."

Kumunot ang noo ko nang may marinig na kumanta mula sa kung saan. Agad akong tumayo mula sa pagkakahiga at hinanap ang pinanggalingan ng boses.

Gano'n na lamang ang gulat ko nang makita ang isang babaeng nakaputi na nakatayo sa may sliding door. Napakalawak ng ngiti niya habang nakatingin sa akin at saka kumaway.

Love Ghost in Mysterious Ways ✔️ (UNDER MAJOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon