ghost 75

34 4 0
                                    

ghost 75:







Dalawang linggo.

dalawang linggo na ang lumipas at sa loob ng dalawang linggo na yun ay wala akong ibang ginawa kundi ang samahan si Kel kahit saan at damayan sya at tulungan sa pagmomove on. mas naging closed tuloy kami. parang sya ang pumalit kay Jimnet bilang bestfriend ko. Paano, yung tunay kong bestfriend dalawang linggo ring hindi nagpakita sakin. never na nga syang pumasok at nagpakita sa skwelahan eh. hindi ko rin sya makontak. gustong gusto ko syang makausap kaso pati sa bahay nila, bahay ng Lola nya wala sya. at walang nakakaalam kung saan sya nagtatago sa nakalipas na araw.

tapos heto kami ngayon... magugulat nalang ako bigla isang araw magpapakita sya sa akin at Sasabihing SA IBANG BANSA NA SYA MAG-AARAL?! SERYOSO BA TO?!

"Wag ka ngang magbiro ng ganyan sakin Jim! Sapakin kita dyan eh." sambit ko pa.

sinamaan nya naman ako ng tingin saka huminga ng malalim.
"Mukha ba akong nagbibiro sa hitsura kong ito, Ysha?"

napatitig ako sa walang emosyong mukha nya. pero kahit wala syang emosyon, ay kitang-kita ko naman sa mga mata nya ang sakit at kalungkutan.  I sighed.  "Jimnet naman... wala namang ganyanan. Ano iiwan mo nalang ako dito? paano na ako? sino na ang makakasama ko sa School? paano na si Ela? si Kel? paano na relasyon nyo? ano, ganun-ganun nalang? hindi mo na ipaglalaban ang relasyon nyo? baka may paraan pa naman para magkaayos kayo. wag naman ganito. wag ka namang padalos-dalos ng desisyon. uy."

napakagat naman sya ng labi sabay iwas ng tingin para pigilan ang namumuong luha sa mata.
"I'm sorry Ysha. pero kailangan kong gawin to. It's for the best."

"Anong its for the best ka dyan! manahimik ka nga!"

nilingon nya ako at bahagyang kumunot ang noo.  "I want to move on Ysha. at hindi ko magagawa yun hanggat nandito ako sa pilipinas."

napanguso ako sa inis at panghihinayang.  "bakit kasi di nyo nalang ayusin ang relasyon nyo ni Kel! mahal nyo naman ang isa't isa diba?"

umiling sya ng umiling sa sinabi ko habang pinupunasan ang mga luhang nagsimulang tumulo sa mata nya. jusko, ang lalim ng eyebags ni Jimnet. para syang adik na di natutulog ng ilang linggo. ang bangag nya tignan.

"Ysha.. hindi ganun kadali yang sinasabi mo. Oo, mahal namin ang isa't isa. pero kasi kami yung klase na couple na masyado ng toxic at kailangan na itong putulin para di na magkasakitan pa."

"Ano ba kasing dahilan ng break up nyo ni Kel?"

umiwas sya ng tingin. "I can't tell you right now. sorry."

lumaylay ang balikat ko.  "Hayss ano ba yan! alam mo parehas kayo ni Kel eh. ayaw nyong sabihin sakin ang dahilan ng break up nyo! puro kayo 'not meant to be--not meant to be'! nakakaloka kayo, alam mo ba yun?! ako ang naiistress sa inyong dalawa eh!"

"Ysha, mas mabuti na yung wala kang alam sa nangyari sa amin ni Kel. ayokong pati ikaw madamay sa break up namin."

"anong ayaw madamay?! damay na ako simula't sapol kaya sabihin mo na Jimnet! please?"

tinitigan nya ako sa mata.  "I'm sorry Ysha." at tumulo na naman ang mga luha sa mata nya.

nainis tuloy ako. pati ako nasasaktan sa mga nangyayari eh.

"ba't ka ba nagsosorry sakin ha? wala ka namang kasalanan sakin kaya tumigil ka nga!"

nagulat nalang ako nung bigla syang humikbi ng iyak. "K-kasi, dahil sa nangyayari sa'min ni Kel. pati ikaw nadadamay. kaya sorry."

Love Ghost in Mysterious Ways ✔️ (UNDER MAJOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon