ghost 84

67 5 0
                                    

ghost 84:










It's been 3 days mula nung halikan ako ni Emman sa harapan ng simbahan. romantic na sana kaso nakakahiya dahil ang dami palang nakatingin sa amin. agaw atensyon tuloy kami. anyway, tapos naman na yun.

at heto ako, busy na naman sa office. gumagawa na rin ako ng plano para sa pagpapatayo ng Charity. syempre kailangan pang mag-isip ng Mission and Vission.  buti nalang at tinutulungan na ako ni Papa at Daddy.  marami na silang nacontact na maaaring makatulong sa binabalak ko.

biglang tumunog ang phone ko at bumungad naman ang pangalan ni Emman sa screen. I sighed.

yeah, I save his phone number. hindi nya kasi ako tinigilan hangga't hindi ko nasisave ang number nya. ang kulit eh. at araw-araw na rin syang nagpapadala ng mga bulaklak sa bahay. konti nalang mapupuno na talaga ng bulaklak ang bahay namin. tapos heto namang Mommy ko kilig na kilig kesa sa akin. buti nalang din at hindi pa kami nagkikita ulit after nung nangyari sa Baguio. busy rin kasi sya katulad ko kaya naman sa text at calls lang kami nagkakausap.
pero ewan ko ba, namimiss ko na ang presensya nya. yung yakap, holding hands, at k-kiss. syempre namimiss ko yun. at parang gusto ko syang nakikita araw-araw. shemasss!!! naloloka na ako sa sarili ko!

this is not meeee!!

muli akong napalingon sa phone kung saan tumatawag parin sya. I cleared my throat then answered the call.

"H-hello?"

"Allesha." my heart automatically beating faster upon hearing his voice calling my name.

I bite my lips to prevent any stupid sentences. nagpanggap rin akong bored na bored.
"Why?" aba syempre hindi nya pwedeng malaman na naiexcite ako.

"are you free tomorrow?"

napakunot ang noo ko.
"bakit?"

"I am inviting you for my mother's birthday celebration."

kumabog ng malakas ang aking puso.
"b-bakit?"

"damn, Allesha. anong meron sa bakit at yan nalang lagi ang sinasabi mo?" natatawang saad pa nya.

napakagat labi naman ako para pigilan ang pagtawa. oo nga? puro bakit nalang pala lumalabas sa bibig ko?

"anyway, pupunta ka ba? I am expecting you to come." muling tanong pa nya.

napaisip naman ako sabay ngisi kahit di nya nakikita.
"mm, paano kung ayaw ko? may magagawa ka?"

then I heard him laughed.
"Of course. hindi ako papayag na hindi ka makakapunta bukas."

naningkit ang aking mga mata.
"sige nga? aabangan ko yang gagawin mo."

"damn. hindi ka talaga papayag hangga't di kita napipilit no?" he laughed.

napakagat labi naman ako. .
"Well, thats me. oh sya, marami pa akong gagawin. storbo ka eh working hours ko pa ngayon, bye!"

then I hang up the call.

mm,  ano kayang gagawin nya? naiexcite akong malaman.  hehe.

pero kahit wala naman syang gawin ay sasama parin ako. alam ko naman kasing bago nya ako yayain ay nagpaalam na yun kay Daddy kaya naman may karapatan na syang pilitin ako. oh diba? kakampi nya mga magulang ko. kahit nga ata mga kaibigan ko kapag nakilala sya ay kakampihan rin sya. sa madaling salita, wala akong kakampi laban sa kanya. hays poor me.

kinagabihan, dumiretso muna ako sa isang bakeshop. eh sabi ni Emman birthday daw ng Mama nya bukas eh nakakahiya naman kung wala akong dalang regalo. oh diba, ang bait ko talaga hehe. 

Love Ghost in Mysterious Ways ✔️ (UNDER MAJOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon