ghost 69:
Wala sa sariling pumasok ako sa School kahit lutang ang isip ko. Nagdidisscuss ang professor namin pero heto ako lumilipad ang isip.
simula kagabi, ganito na ako. matamlay, at nalulungkot ako.
hanggang lunch time. lutang parin ang isip ko. ni hindi na nga ako makasabay sa usapan ng mga kasama ko eh.
tinanong pa nga ako ni Jimnet kung may problema ba ako. Sabi ko nalang masama lang ang pakiramdam ko. buti naman kinagat nya ang palusot ko at hindi nagtanong pa. grabe, ang hirap pa naman magsinungaling.lumipas ang isang linggo at ganun parin ang nangyayari. Patuloy parin akong binabagabag ng naging usapan namin Mr. Agilar.
ang dami kong tanong na gustong masagot. Unang-una na dyan ay kung bakit namatay ang Nanay ko? sino ang may gawa sa kanya nun? at sino ang ama ko? bakit tinago ni Tita Jenefer ang totoo kay Ela? bakit ganun?
napabuntong hininga ako. nakakabaliw na to!
"Ysha! hoy!"- nabalik lang ako sa ulirat nung tawagin ni Jimnet ang pangalan ko.
"b-bakit?"- tanong ko pa.
"Ayos ka lang ba talaga? napapansin kong lagi ka nang tahimik this past few days, ano bang nangyayari sayo?"- She has this worried look on her face.
napaiwas ako ng tingin kaso saktong dumapo naman ito kay Ela. lintik! nakalimutan kong magkasama pala kaming tatlo ngayon at nagpapalamig dito sa Ice cream parlor. She also has this worried look on her face same as Jimnet.
"Allesha? may problema ba?"- napatitig ako sa kanya dahil dun. The way na magtanong sya sa akin, napakamalumanay ng boses pero nandun ang pag-aalala sa tono. Bakit ang bait ni Ela?
pero dahil ayokong malaman nila ang nasa isip ko ay agad akong umiling sabay ngiti ng napakamatamis.
"Haha wala naman bakit?"-nagkatinginan sila ni Jim. "Sigurado ka?"
I nodded. "Oo naman!"
"Ysha, kung ano man yang iniisip mo please lang ah sabihin mo naman samin. maiintindihan ka namin lalo na si Ela. magkapatid kayo. You should share your problems to her."- sambit naman ni Jimnet.
tumango nalang ulit ako saka ngumiti. "oo naman! Don't worry, inaantok lang ako kaya ganun Hehe."- sabay kindat sa kanila dahilan para irapan ako ni Jim at inismaran. Adik talaga.
nagpatuloy sila sa kwentohan at ako naman ay nagpatuloy sa paglamon ng Ice cream.
"So as I was saying, binibigyan ako ng Flowers ni Kel everyday. hehe"
"Omg! talaga? tapos? tapos?"- halatang kinikilig si Ela sa kwento ni Jimnet. napatitig ako sa kanya.
"So ayun nga, hinahatid sundo nya ako tapos sabay kaming kumakain ng lunch "-
"Ayiee.. kelan mo sya sasagutin?"-
"sa tamang panahon.."
"Alam mo sagutin mo na kaya sya. Dun din naman ang patutunguhan ng relasyon nyo. bakit pinapatagal mo pa?"
Pinagmasdan ko ang bawat reaction ni Ela. yung ngiti nya napakatotoo. ang bait nya rin at para syang anghel. hindi ko inaakalang magtatagpo ang mga landas namin at malalaman kong kapatid ko sya. Hindi ko mapigilang hindi makonsensya. ang bigat sa pakiramdam kapag may dinadala kang problema.
BINABASA MO ANG
Love Ghost in Mysterious Ways ✔️ (UNDER MAJOR EDITING)
RomanceMeet Allesha Marie Delasen, ang funny, cute, makwela at masayahing multo na walang ibang ginawa kundi ang tumulong sa mga tao at guluhin ang tahimik na buhay ni Emman loyd Fuerva na sya namang sobrang patay na patay sa First love nitong si Almira. ...