ghost 65:
"Oh, anong nangyari sa mukha mo? nakipagsuntukan ka ba?"- pambungad na tanong samin ni tito Andrue pagkauwi namin sa bahay nila.
"tsk hindi ako nakipagsuntukan."- iritadong sagot pa ng katabi ko saka lumingon sakin. umiwas naman ako ng tingin at nagkukunyaring inosente. Bahala syang magpaliwanag dyan. haha.
"eh bakit ka may pasa sa mukha? akala ko ba pinasyal mo si Ysha? don't tell me sinama mo sya sa kagaguhan mo!?"- iritadong singhal pa ni tito.
"what?! heck no! I'm not that bad person Dad."-
kinagat ko naman ang labi ko.pinipigilan ko lang ang tawa ko dahil baka masira ang heavy atmosphere sa dalawang mag-ama. amused na amused ako habang pinagmamasdan ang iritadong mukha ni Andrey. Mukhang kakarmahin sya ngayon. dapat lang! Ang saya lang. haha.
"eh bakit nga may pasa ka?!"- lumingon si Tito sakin at apologetic na ngumiti. "Hija, sabihin mo ang totoo. wag kang matakot umamin sakin, ako bahala sa Anak ko. nakipagsuntukan ba to? ano, sinama ka nya sa gulo? sabihin mo at tuturuan ko ng leksyon to."-
at dahil di ko na kayang magpigil ay humagalpak na ako ng tawa na talaga namang ikinagulat nilang dalawa. napaupo pa ako sa sahig at pinaghahampas ang tiles dito. halos gumulong na nga ako kakatawa at konti nalang maubusan na ako ng hininga. putek, ang epic talaga ng nangyayari! Haha! si Andrey hindi na maipinta ang mukha.
"A-anong nangyayari sa kanya? may nakakatawa ba sa sinabi ko?"- naguguluhang tanong pa ni tito sa anak nya na ngayon ay sobrang sama na ng tingin sakin. mas lalo lang akong tumawa.
"Tsk, nababaliw na yang pamangkin mo Dad. wag mo nalang pansinin yan. may nakain ata yang abnormal na yan."- iritadong sagot ni Andrey. tumigil naman ako sa pagtawa at tumayo. inayos ko rin ang sarili ko at apologetic na ngumiti kay Tito kahit pa natatawa parin ako.
Napakunot naman ang noo ni Tito.
"Ayos ka lang ba hija? ba't ka tumatawa?"-"Ah hehe wala naman po. may naalala lang po kasi ako kaninang bagay na sobrang nakakatawa kaya ayun."- sabay lingon ko kay Andrey at ngumisi ng nakakaloko dito.
pinandilatan nya naman ako ng mata na para bang pinagbabantaan. mas lalo lang akong napangisi.
"nakakatawang bagay?"- nagtatakang tanong ni Tito sabay lingon kay Andrey.
"Ah, tito Mauna na po ako sa kwarto. magbibihis lang po ako."- sabi ko sabay lingon kay Andrey na agad akong pinaningkitan ng mata. gusto kong matawa sa hitsura nya, para syang natatae na ewan. haha!
gusto nyang magsalita sakin pero di nya magawa dahil nga nakatingin sa kanya ang Ama. kaya naman kinindatan ko sya ng nakakaloko sabay Alis. pero hindi pa ako tuluyang nakakalayo ay huminto agad ako at muling binalingan ang mag-Ama.
"Ah! tito, yung about sa tanong nyo po kanina. Ako po ang dahilan kaya nagkaroon ng pasa sa pisngi si Andrey."- nagulat at napasinghap si Tito dahil sa sinabi ko. Mas lalo akong ngumisi ng makitang namutla si Andrey. nagkunyari akong nanghihinayang. may pa-buntong hininga pa akong nalalaman. "you know? nainis po kasi ako kanina sa kanya kasi po may niloko at pinaasa syang babae sa Mall. itinanggi nya pa sa lahat na may relasyon sila. hindi lang yun, pinahiya nya pa ito sa harap ng maraming tao. syempre nasaktan yung babae at naiintindihan ko rin po yun kasi babae rin po ako. kaya naman sa inis ko ay Sinuntok ko sa mukha si Andrey ng dalawang beses. gusto ko po kasing matauhan sya sa kasalanang ginawa nya. hindi po makatarungan yun diba po tito? yun lang po. sige Una na'ko."-
BINABASA MO ANG
Love Ghost in Mysterious Ways ✔️ (UNDER MAJOR EDITING)
RomanceMeet Allesha Marie Delasen, ang funny, cute, makwela at masayahing multo na walang ibang ginawa kundi ang tumulong sa mga tao at guluhin ang tahimik na buhay ni Emman loyd Fuerva na sya namang sobrang patay na patay sa First love nitong si Almira. ...