ghost 63

73 4 0
                                    

ghost 63:

  'ALLESHA MARIE DELASEN POV:

Dalawang araw ang lumipas matapos ang Valentines day at masasabi kong Naging smooth naman ang relasyon namin ni Emman, Although wala naman kaming level pero still alam namim sa isa't isa na mahal namin ang isa't isa.

lagi rin akong nakatambay sa hospital kapag Classes Hours nila Emman.

pero ngayong araw.... Bumalik na naman ang isang bagay na nagpakumplikado ng sitwasyon ko. And my Mind and soul is Aching because of it.

Sa loob ng Hospital Room, Kompleto kaming lahat. Nandito ang mga taong naging bahagi ng nakaraan ko, lalong-lalo na yung isang matandang lalaki na sa alaala ko lang nakita ay biglang nagpakita sa harapan ko. Kausap nya ang mga parents ko and they both serious.

nagtaka tuloy ako, anong nangyayari? bakit parang ang bigat ng atmosphere?

napatingin ako kay Maria na tahimik lang nakikinig sa isang tabi. Si Andrey naman ay katabi nito na tahimik rin. nasa kabilang gilid naman si Kel at kasama nito si Kesha na maluha-luha.  ang mga magulang ko naman ay magkatabi at kaharap nila yung lalaking matanda habang ito naman ay seryoso at may mga kasama pang Dalawang tauhan sa Gilid ng pintuan.

"You know, I love my daughter so much. she's our precious angel"- saad pa ni Mommy habang mahigpit ang hawak sa kamay ni Daddy.

The old Man sighed.  "I understand your love for her. Thats why I wanted to thank you all for taking care of her and I'm also sorry for what happened. its all my fault."-

"Dad, don't say that. It's not your fault okay?"- singit naman ni Maria.

nanlaki ang mga mata ko. Dad?! Dad as in Daddy?! Daddy nya ang lalaking ito?! omg!

"unti-unting gumaganda ang progress nya pero minsan inaatake parin sya. Thats why we need to Move her on state para mas mapabilis ang progress sa katawan nya."-  Sambit naman ni Daddy na talaga namang ipinagtaka ko.

Ano?! sinong dadalhin sa ibang bansa?!

"don't worry, tutulong ako. Ako na ang bahala sa mga needs nya sa ibang bansa.,"- Old Man said.

ngumiti si Daddy.  "thank you Mr.Cantilian."-

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Daddy. Say what?! Cantilian?! Thats the exact name I remember nung..... nung.... makidnap Kami?!

yun 'yong nasa alaala ko eh. and now, kaharap ko na mismo yung Lalaki.
Tinitigan ko yung lalaki, Unang tingin palang dito mai-intimidate ka na agad dahil sa napakamisteryosong hitsura nito.

"I'm Glad na nakakulong narin sa wakas ang Buenavera na yun! sa totoo lang, kulang na kulang pa ang pagkulong sa kanya dahil sa mga ginawa nya sa Anak natin. He deserves punishment! I wish na mamatay na sya! Para makabawi naman sa lahat ng kasalanang ginawa nya sa Anak ko!"- nanggagalaiting sambit ni Mommy, bagay na sobrang ipinagtataka ko.

"Don't worry, we made sure na hindi na sya makakatakas ng kulongan. Habang buhay na syang mabubulok doon."- kalmadong sambit naman ni Mr. Cantilian.

"Buenavera is such a Pain in the ass."-  singit naman ni Andrey. mas lalong kumunot ang noo ko.

who the heck is Buenavera?!







****  

  'EMMAN LOYD FUERVA POV:

Its lunch time. at gaya ng nakagawian ay magkasama kami ng dalawa kong kaibigang mga ugok na kumakain. Pero iba ngayon, At nakakapanibago tong sitwasyon ngayon. bakit? Dahil si Allen, wala sa mood. nasa cellphone ang Mukha at halatang badtrip na badtrip, that was very unusual to see him like that, palagi kasi syang nakangisi or nang-aasar. Si Leo naman, Mukhang tanga na pangiti-ngiti habang nakatutok rin sa Cellphone at mukhang walang balak ka galawin ang pagkain. Kulang nalang talaga yung cellphone na ang kainin nya dahil sa kakatutok dito.

Love Ghost in Mysterious Ways ✔️ (UNDER MAJOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon