ghost 66:
Alas 7 ng gabi. at heto parin ako sa aking kwarto, nagkukulong. hanggang ngayon ang bigat parin ng pakiramdam ko. hindi ko alam ang mararamdaman ko. I'm still shocked sa mga nalaman ko.
Buong akala ko, Isa akong Tunay na Delasen. pinagmamalaki ko pa sa mga tao ang Apilyedo ko. pero ngayon, nalaman ko na ang totoo na hindi naman pala ako tunay na anak. parang ang sakit lang. Ang hirap tanggapin na hindi ako nanggaling sa sinapupunan ni Mommy.
I sighed. after nilang umamin kanina ay agad akong tumakbo dito sa kwarto at maghapon na nagkukulong. Maraming beses narin ako kinatok ng mga magulang ko pero tinataboy ko sila. hindi naman sa galit ako sa kanila or what, pero kailangan ko lang muna makapag-isip ngayon. Oo inaamin ko. nalulungkot at nagtatampo ako sa kanila dahil tinago nila sakin ang buong pagkatao ko pero mahal ko sila at hindi ako magagalit sa kanila. Nagpapasalamat pa nga ako dahil sila ang mga magulang ko.
nagtatampo lang talaga ako. sino ba namang hindi magtatampo kung ganun diba? ang sakit kaya. ang sakit malaman na hindi ka tunay na Anak.
tinitigan ko ang sarili sa salamin. Medyo nawawala na ang pamamaga sa mata ko. Kanina pa kasi ako iyak ng iyak at mukhang naubusan na ako ng luha kakaiyak kaya naman okay na ako ngayon. pati luha ko sumuko sakin, saklap ah!
nakarinig ulit ako ng katok sa pinto. Actually, halos Oras-oras na sila kumakatok sakin pero di ko parin sila pinagbubuksan.
kaya naman tumayo na ako. Panahon na para malaman ang totoo. at kahit masakit sa parte ko, ay tatanggapin ko ng buong-buo ang sasabihin nila. hays, truth hurts nga naman. Dinaig ko pa ang broken hearted nito ah?
Binuksan ko ang pinto at bumungad lang naman sakin ang Umiiyak na si Mommy. nakaramdam tuloy ako ng guilt dahil sa ginawa ko. I'm sure na nasasaktan si Mommy.
"A-Anak! Allesha dear I'm sorry! I'm sorry anak! please anak patawarin mo kami ni Daddy!"- at agad nya akong niyakap ng mahigpit. napapaiyak na naman ako sa sinabi nya kaya naman napatingala ako sa kisame para pigilan ang luha at saka sya niyakap pabalik.
"M-mom.."-
"Dear. kahit anong mangyari, mahal na mahal ka namin na parang isang tunay na Anak. Ay hindi, Anak ka na namin kahit pa hindi ka sakin nagmula. Tandaan mo yan ah? I love so you much."-
Naiiyak na tumango nalang ako. Hays buhay, ang drama mo!
"S-Sorry rin po kung bigla nalang akong tumakbo kanina. Patawad po."- My cupped my face and smiled at me.
"Anak. hindi mo kailangan magsorry okay? naiintindihan ka namin ng Daddy mo."-
tumango nalang ako saka ngumiti. kahit pa hindi sila ang tunay na magulang ko ay mahal na mahal ko parin sila like a true parents.
but... speaking of parents..
napalingon ako kay Mommy. "M-Mom.. p-pwede ko po bang malaman ang tungkol sa biological parents ko?"-
tila nagulat sya sa sinabi ko. hindi nya ata inaasahang itatanong ko yun. "Anak..."-
I sighed. "Okay lang din naman po kung-----"-
"Halika dito dear. may sasabihin ako sayo."- at wala na akong magawa nung bigla akong hilain ni Mommy paupo sa kama ko.
magkaharap kami ngayon. tinignan ko sya. hinawakan nya naman ang Kamay ko saka bumuntong hininga.
BINABASA MO ANG
Love Ghost in Mysterious Ways ✔️ (UNDER MAJOR EDITING)
Storie d'amoreMeet Allesha Marie Delasen, ang funny, cute, makwela at masayahing multo na walang ibang ginawa kundi ang tumulong sa mga tao at guluhin ang tahimik na buhay ni Emman loyd Fuerva na sya namang sobrang patay na patay sa First love nitong si Almira. ...