ghost 70:
napabuntong hininga ako ng pang anim na beses. Naglelecture ang prof namin pero wala akong maintindihan kahit isa. lumilipad parin ang utak ko sa ibang lugar.
hays.. naalala ko na naman ang huling pag uusap namin ni Mr. Agilar. dalawang araw na ang lumipas at dalawang araw na rin akong hindi pinapansin ni Ela. pagkatapos kasi nung pangyayari ay iyak sya ng iyak. hindi talaga sya makapaniwala sa inamin ko. miski nung inihatid ko sya sa bahay nila hindi na nya ako iniimik. hindi nya na rin ako kinausap. ni goodbye wala akong narinig sa kanya. hindi nya na ako pinansin.
ang huling sinabi nya sakin ay bigyan ko muna daw sya ng space para makapag-isip ng mabuti. hays, naiintindihan ko naman si Ela kung galit sya sa akin. syempre, naglihim ako sa kanya eh. at hindi rin madali sa kanya na tanggapin na ang kinikilalang tita nya pala ang tunay naming Ina. kaya titiisin ko muna kung ayaw nya akong kausapin.
alam ko namang magiging maayos rin ang lahat. ang kailangan ko lang gawin ngayon ay mag-isip kung paano ko makakausap ng maayos si Mr. Cantilian ng hindi nauutal or kinakabahan ng sobra.
hays. nakakaloka naman kasi! bakit sa dinami-rami ng mga lalaki sa mundo, bakit sya pa ang naging Ama namin?! jusko naman! kakayanin ko kayang mabuhay sa harapan nya? hindi naman sa ayaw ko sya maging Ama pero kasi nakakatakot talaga sya jusko!
kaya pala pamilyar ang mga mata ni Mr. Cantilian sakin kasi magkaparehas kami! jusko! ngayon ko lang napansin! hays. What am I gonna do now?
nakakabaliw na tooo!
"HOY ALLESHA MARIE!"- Halos mapaigtad ako sa gulat dahil sa sigaw ni Jimnet. jusmiyo! muntik na akong atakihin sa puso dahil sa lakas ng boses nya! naalala kong nasa cafeteria na pala kami para sa lunch. lutang ba ako habang naglalakad papunta dito?wala akong maalala kung paano nakarating dito eh.
"B-bakit ka ba nakasigaw?!" iritadong sambit ko pa.
pinamaywengan nya naman ako sabay angat ng pinagmamalaki nyang kilay. "Aba-aba hoy! kanina pa kaya kita kinakausap tapos wala ka man lang response! alam mo bang para akong tanga dito na nakikipag-usap sa hangin!?"
napanguso nalang ako sa sudden outburst nya. kawawa naman pala sya. walang nakikinig sa mga kwento nya. "sorry na. Inaantok talaga ako eh." palusot ko pa. baka sakaling tumalab.
napasinghal naman sya.
"Hah! inaantok? nagpapatawa ka ba Allesha Marie? kelan ka pa naging antukin aber?""uh, ngayon lang?"- patanong na sagot ko sabay ngiwi.
napaangat naman ang gilid ng labi nya sabay titig sakin na para bang sinasabing 'really? is that you? nakadrugs ka ba?' look.
napabuntong hininga ako. Hays, sabi ko nga hindi effective ang palusot ko. "Jimnet, Kasi ganito yan. Umm, paano ko ba sasabihin to. Ahh, naalala mo-------"
"Hi guys!" naputol agad ang dapat sanay sasabihin ko nung biglang dumating si Kel kasama ang kaibigan nyang si Joe. ang lapad pa ng mga ngiti nila sa amin na para bang nanalo sa lotto.
"Oh! Hello! upo kayo!"- magiliw na sambit pa ni Jimnet sa kanila lalong lalo na kay Kel. ang lapad rin ng ngiti nya at kumikinang pa ang mga mata habang nakatingin sa manliligaw. hays, sila na may lovelife.
agad namang umupo sa tabi nya si Kel samantalang nasa tabi ko naman si Joe. may mga dala na rin silang pagkain.
"Kumusta ang Klase?"- tanong pa ni Jimnet kay Kel.
BINABASA MO ANG
Love Ghost in Mysterious Ways ✔️ (UNDER MAJOR EDITING)
RomanceMeet Allesha Marie Delasen, ang funny, cute, makwela at masayahing multo na walang ibang ginawa kundi ang tumulong sa mga tao at guluhin ang tahimik na buhay ni Emman loyd Fuerva na sya namang sobrang patay na patay sa First love nitong si Almira. ...