Ghost 64

54 5 0
                                    

ghost 64:







  'ALLESHA MARIE DELASEN POV:

"Lola, maraming salamat po talaga sa pagmamahal na ipinakita mo sakin. Hindi ko po iyon makakalimutan."-nakangiting sabi ko kay Lola Erlita matapos ang mahaba-habang kwentohan namin. ngayon nalang kasi ako dumalaw at alam ko namimiss nya na rin ako gaya ng pagkamiss ko sa kanya. At kaya ko rin sya dinalaw ngayon dahil may kutob ako na ito na ang huling dalaw ko sa kanya. At isa pa para ihabilin sa kanya ang mga nais kong sabihin para kay Emman sa oras na mawala na ako.

"maraming salamat rin sayo apo.  tandaan mo, hinding-hindi kita malilimutan. at pangako, iingatan ko ang apo ko para sayo."- maluha-luhang sambit pa ni Lola. napangiti ako ng mapait.  "pero, hindi ka pa naman aalis diba? hindi mo naman kami iiwan diba? hindi mo naman iiwan si Emman diba?"-

napayuko ako dahil dun. iniisip ko palang na iwan si Emman ay sumasakit na ang puso ko.  "H-hindi po.."-

"mangako ka Apo."-

shems! Ang bigat sa pakiramdam pag nagsinungaling!  "P-pangako po."-

tila nakahinga ng maluwag si Lola sa sinabi ko.  mas lalo lang akong nasaktan dahil sa sinabi ko.  pangako po Lola, na kahit iwan ko kayo ay hinding-hindi ko kayo malilimutan.

kahit anong mangyari Kayo parin ang lola ko.

****




matamlay na Pumunta ako sa kwarto ni Emman. anong oras palang kaya naman hindi pa sya umuuwi. pumunta ako sa veranda ng kwarto nya.  ilang oras akong nanatili dito para hintayin sya.

I sighed. Hindi ko alam pero ang bigat ng pakiramdam ko. nararamdaman ko rin ang konting kirot na nararamdaman ko sa kaliwang dibdib ko. ewan ko ba, pakiramdam ko may masamang mangyayari ngayong araw at nababahala ako sa di malamang dahilan. nakakapraning!

Masyado na ba akong stress at kung ano-ano nalang ang naiisip at nararamdaman ko?

Hays..

nasa malalim akong pag-iisip nung marinig ko ang pagpihit ng pinto. kaya naman dali-dali akong pumasok sa kwarto at sinalubong si Emman ng isang ngiti.

"Emman!"- excited na tawag ko sa kanya.

natigil naman sya sa paghuhubad ng sapatos at nakangiting lumingon sakin.

"Allesha! You're here!"- namamanghang sambit nya. ngumiti ako sobrang lapad dahil dun.

"Why? miss me already? mm?? prinsipe dodong?"- sabay kindat ko pa.

ngumisi naman sya at saka tumayo at nilapitan ako.

"sobra."-  napabungisngis ako dahil dun. "you know, I'm so happy today dahil bukod sa nakita na kita ay naipasa ko ang thesis paper namin."-

nanlaki ang mga mata ko sa tuwa. "t-talaga?!"- tumango lang sya. Ilang gabi nya kasing pinagpupuyatan yung thesis na yun na sobrang hirap. buti nalang talaga at tinulungan ko sya. "Congratulations Emman! I'm so proud of you! hehe!"-

"oh well, Pero hindi pa dun magtatapos ang kalbaryo ko dahil kailangan ko pang i-defense yun."-

"okay lang yun! alam ko namang maipapasa mo rin yun eh! may tiwala ako sayo hehe!"-

napangiti naman sya ng sobrang lapad.  "thank you. You are my inspiration of everything that I do."-

shems! inspiration daw oh! kinilig naman ako bigla sa sinabi nya kaya naman sa sobrang tuwa ay niyakap ko sya pero napahinto ako nung bigla ko na namang naramdaman ang pagkirot ng dibdib ko. napahawak ako dito. Shems! wag naman sana ngayon!

Love Ghost in Mysterious Ways ✔️ (UNDER MAJOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon