ghost 71:
Dahil sa sobrang excited ay maaga akong nagising. Ako na rin ang nagluto ng kakainin ko at Nagmadaling magbihis.
alas-10 umaga ang usapan naming dalawa pero 9am palang bihis na bihis na ako. maganda narin to para atleast hindi ako late.
napagkasunduan namin ni Ela na magkita sa isang park na pinasyalan namin dati. Umupo ako sa isang bench at ilang minutong naghintay sa kanya. Hindi naman ako nabigo dahil dumating sya sa saktong oras.
"Ela!" agad ko syang tinakbo ng yakap nung maglakad sya sa direksyon ko.
nagulat naman sya sa ginawa ko at muntik pang ma-out of balance.
"Oh easy lang Ysha! ako lang to."napahagikhik ako. "sorry, namiss lang talaga kita kaya ganun."
natawa naman sya sa sinabi ko. "adik"
sabay na kaming umupo sa isang bench at pansin ko agad ang hawak nyang brown envelop.
"Anyway, kumusta ka na? ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ko pa.
baka kasi nagtatampo parin sya sa akin dahil sa nangyari.tumitig naman sya sa akin at ngumiti. "ayos lang ako Ysha, salamat. sorry rin dahil Hindi kita kinausap ng ilang araw."
"ano ka ba okay lang yun!" oo tama! okay na okay lang yun dahil hindi naman ako nag-alala, sobrang nag-alala lang ako. hays.
napatango naman sya saka tinignan ang hawak bago muling bumaling sa akin. "Ysha, may ibibigay ako sayo."
Inabot nya sakin ang brown envelop at agad kong tinanggap yun saka tinitigan. "whats with this?" I ask curiously.
"nahanap ko yan dun sa lumang mga gamit ni Nanay na hindi ko pa tinatapon. dahil kasi sa nalaman ko mula sayo ay naging desperado akong malaman ang totoo kaya naman hinalukay ko ang mga gamit ni Nanay. at yan nga yun, may nalaman ako dahil dyan sa hawak mo ngayon."
napakunot ang noo ko sa sinabi nya saka tinitigang maigi ang hawak ko. Hindi ko alam pero nagsimula akong kabahan na para bang may something dito kahit meron naman talaga.
binuksan ko ang envelop at tumambad na nga sa akin ang isang piraso ng papel na sobrang luma na.
at tumambad na nga sa akin ang isang liham..
nagtatakang nilingon ko si Ela dahil dun. She just gave me a reassuring smile kaya naman muli kong tinignan ang sulat at binasa ito.
' Eriela May,
Anak, kung nababasa mo man ito siguro patay na ako. mahal na mahal kita Ela. pero may kailangan kang malaman tungkol sa tunay mong pagkatao. patawarin mo sana ako dahil marami akong nilihim sayo. Patawad dahil ipinagkait ko sayo ang isang katotohanan. pero malaki ka na at panahon na rin na malaman mo ang totoo.
Ela, Hindi ako ang tunay mong Ina. Nagsinungaling ako sayo Anak. Ang tita Lizana mo ang iyong tunay na Ina at dahil hindi ko kayang sabihin sayo ang totoo ng harapan ay napagpasyahan ko nalang na isulat ito para hindi ko makita ang galit sa mukha mo. sana maintindihan mo kung bakit hindi ko sinabi sayo Agad.
sanggol ka palang nung mamatay ang Ina mo at nawawala naman ang iyong kakambal. oo Ela, may isa ka pang kapatid. Ang pangalan nya ay Allesha Marie Spinton. Hanapin mo sya Ela at sabay nyong harapin ang inyong Ama na si Marvel Cantilian. Patawad anak kung hindi ko sinabi sayo ang totoo, gusto lamang kitang kitang protektahan laban sa mga taong kaaway ng inyong Ama.
BINABASA MO ANG
Love Ghost in Mysterious Ways ✔️ (UNDER MAJOR EDITING)
RomanceMeet Allesha Marie Delasen, ang funny, cute, makwela at masayahing multo na walang ibang ginawa kundi ang tumulong sa mga tao at guluhin ang tahimik na buhay ni Emman loyd Fuerva na sya namang sobrang patay na patay sa First love nitong si Almira. ...