Chapter 3:
Hindi ako nakatulog nang maayos kaya naman ay antok na antok akong pumasok sa klase. Mabuti na lang at sa second subject ko pa kaklase sina Allen at Leo kaya walang peste sa paligid.
Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang mga nangyari kagabi. Unang beses kong maka-experience ng ganoon in my 21 years of existence.
Mabuti na lang at walang lecture ngayon kaya nagkaroon ako ng isang oras para makatulog. Nagising na lang ako nang makarinig ng ingay sa paligid. Agad kong binato ng notebook si Leo dahil ang lakas ng boses niya. Halatang nag-aasaran sila ni Allen sa harapan ko.
"Lumabas kayo, puwede ba?" iritableng sambit ko sa dalawa na nginisihan lang ako.
"Bakit? Nabitin ka ba sa pagdi-daydream mo?" pang-iinis sa akin ni Leo.
"Wow! Ano 'to? Love letter?" Napalingon ako kay Allen na umupo sa tabi ko at kinuha ang isang nakatuping papel sa desk ko. May ibang regalo ang nakalagay rito pati na sa katabing upuan ko. May iba pang bulaklak na alam kong para sa akin. Hindi na ako nagulat sa nakita. Madalas naman akong nakakatanggap ng mga ganito.
"Hi, Emman! I baked cupcakes for you! I hope you like it!" basa ni Allen sa nakasulat saka tatawa-tawang kinuha ang isang kahon na may mga lamang cupcakes. "Nice! Saktong-sakto nagugutom ako! Akin na ito, ah?"
Hindi na niya ako hinintay magsalita pa dahil nilantakan na niya ang cupcake. Ang takaw talaga ng gago.
"Ang dami mo talagang manliligaw, dude. Idol na talaga kita." Tinapik ako ni Leo sa balikat saka excited na binuksan ang ibang mga regalo para sa akin. Akala mo naman para sa kanila ang regalo kung umakto. Kilig na kilig pa ang mga gago. Bading talaga amp!
Napasinghal na lang ako saka hinayaan sila. Wala naman kasi akong pakialam kung ubusin nila ang mga natatanggap ko. Hindi ko naman kailangan ng regalo. Isa pa, I'm soon to be a chef kaya marunong ako magluto para sa sarili ko at may pera ako!
Nagpatuloy sa asaran ang dalawa tungkol sa nangyari kagabi. Mabuti na lang at hindi ako dinamay dahil baka ipasuka ko sa kanila ang mga kinain nila.
Nang matapos ang klase ay sabay-sabay kaming pumunta sa canteen. Nag-agawan pa ang dalawang siraulo sa mga regalo kaya napailing na lang ako. Parang mga bata amp!
"Sa tingin ko hindi na mahihirapan si Emman sa pagkakaroon ng girlfriend. Siya mismo ang nilalapitan, e," naiiling na wika ni Allen habang naglalakad kami sa hallway.
May mga bumabati sa aking mga babae na kapag tinatanguan o nginingitian ko kahit matipid ay namumula na ang buong mukha. Hindi naman ako snobber lalo na kung maganda naman ang babae at pasok sa taste ko.
"Tanga! Alam mo namang allergic 'yan sa serious relationship!" sagot ni Leo.
"Malay mo lang naman, 'di ba? Baka magbago ang ihip ng hangin!"
"Pustahan na lang kaya tayo? Itataya ko ang kotse ko, G?"
"E, kung pag-untugin ko kaya kayong dalawa?" baling ko sa kanila at tinaasan ng kilay. "Harap-harapan niyo pang pinagti-tsismisan ang buhay ko. Wala ba kayong magawa sa buhay ninyo, ha?!" iritadong sambit ko saka muling nagpatuloy sa paglalakad.
"Gago, nagalit!" bulong ni Allen kay Leo saka humagalpak ng tawa.
"Kasalanan mo, ulol!"
Napabuntong-hininga na lang ako sa dalawa.
"H-Hi!" Napahinto ako sa paglalakad nang may biglang humarang na babae sa akin. Agad ko siyang pinasadahan ng tingin saka dissapointed na napailing. Nakasuot siya ng university shirt at maong pants. Nakalugay lang din ang buhok niya. She looks normal and innocent. Not really my type. Hindi siya pumasok sa standard ko.
BINABASA MO ANG
Love Ghost in Mysterious Ways ✔️ (UNDER MAJOR EDITING)
RomanceMeet Allesha Marie Delasen, ang funny, cute, makwela at masayahing multo na walang ibang ginawa kundi ang tumulong sa mga tao at guluhin ang tahimik na buhay ni Emman loyd Fuerva na sya namang sobrang patay na patay sa First love nitong si Almira. ...