ghost 87

67 5 0
                                    

ghost 87:



"hello Kesha?"

"Ysha! free ka ba sa friday?"

"umm, di ko sure eh. bakit?"

"sama ka sa amin! pupunta kami sa Zambales."

"Zambales?" napakunot ang noo ko.
"ano namang gagawin dun?"

"eh kasi nagyayang magbeach itong si Miz. sabi nya imbitahan daw kita para sure na sumama si Loyd."

"eh bakit? di ba sya makakapunta?" tanong ko pa.

"di daw sya sure eh. pero alam ko namang sasama yun kapag nalaman nyang kasama ka. ano game ka ba?"

natahimik at napaisip naman ako. mmm, gusto ko rin naman sumama. pagkakataon ko na rin yun para makapagpahinga mula sa work. isa pa ay matagal na rin akong hindi nakakapunta sa beach at gusto ko ulit magbilad sa dagat.

nakaramdam naman ako bigla ng excitement.

"mmm, sige. sasama ako."

"Sure yan ah? wala nang bawian!"

I laughed.
"oo nga. basta text mo nalang ako."

"sige sige. kita kits nalang! bye!"

she hung up the call.

napangiti naman ako sa sobrang excitement. maisip ko palang na maliligo ako sa dagat ay natutuwa na ako! saka isa pa, makakasama ko na naman at makakabonding ang mga kaibigan ni Emman! ang saya pa naman nila kasama haha.

and speaking of which, natatawa parin ako hanggang ngayon kapag naaalala ko ang mga reaction nya doon sa mansyon. pagkatapos kasi ng diskusyon ay doon lang nakahinga ng maluwag si Emman. sabi pa nya sa akin, parang nakikita daw nya kay Papa si Satanas. nakakatakot daw talaga. abnormal na si Emman. well, I can't blame him. miski ako natakot sa reaction ni Papa eh.

pero nagtataka ako kung bakit parang ayaw nya kay Emman para sa akin? kilala ko si Papa, kapag alam nyang hindi naman mapanganib yung tao ay hinahayaan nya lang ako. at hindi naman mapanganib si Emman kaya bakit ganun nalang ang pakikitungo nya dito? hmm.. hindi kaya ay pinagtitripan lang ni Papa si Emman? langya, ngayon ko lang naisip to ah. kakaiba talaga si Papa kapag nasa mood. halos malagutan kami ng hininga sa kaba! jusmiyo marimar!

"Anak, kamusta naman kayo ni Emman loyd?" tanong pa ni Mommy habang kumakain. kompleto kaming kumakain ngayong gabi.

kumuha naman ako ng tubig at ininom ito bago sumagot.
"we're fine, Mom."

"no improvement?" si daddy naman ang nagtanong.

"what do you mean dad?"

"you still have no feelings for him?"

medyo nabilaukan ako dahil sa sinabi Daddy. Shemas! ibang klase rin tong magtanong si daddy, hindi man lang ako pinaghanda.  "D-dad! anong klaseng tanong yan?"

natawa naman sya samantalang nanuknuksong ngiti naman ang ibinigay sa akin ni Mommy.

"Why? what's wrong with my question?"

napanguso ako.
"alam nyo naman pong hindi ako sanay sa mga ganyang tanong. napipressure ako."

"what?! haha ano namang nakakapressure sa tanong, Ysha?" natatawang tanong ni Mommy at pinanliitan ako ng mata.  "don't tell me nagkakaroon ka na nga nang feelings para sa kanya?"

pakiramdam ko nangamatis ang buong mukha ko sa sinabi nya kaya naman ay napaiwas ako ng tingin pero hindi parin nakatakas sa kanilang paningin ang reaction ko.

Love Ghost in Mysterious Ways ✔️ (UNDER MAJOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon