ghost 86:
"OH my gosh Ysha! confirmed!" bulalas ni Jimnet sa kabilang linya.
napatigil naman ako sa pagtatype sa laptop at inayos ang pagkakahawak sa phone sa tenga.then I smiled.
"talaga?""yes! I am pregnant!"
"wow! congrats! nagpacheck up ka na ba?"
"heto papunta na kami doon ni Andrey! alam mo bang nagtatatalon at nagsisisigaw sya nung malaman na buntis ako? Haha!"
"I'm just happy!" I heard Andrey's voice in other line.
"Well, goodluck sa inyo." sabi ko pa at natawa. "sabi ko na buntis ka eh. magiging tita na rin ako sa wakas! haha"
"well...excited na ako! hehe."
"oh sige balitaan mo nalang ako after check ups okay?"
"okay! bye "
I hanged up the call.
napangiti nalang ako at tinignan ang oras. saktong 5pm na pala kaya naman ay inayos ko na ang mga gamit at umalis ng building.
plano kong magkaroon ng quality time para sa sarili ko. wala lang, gusto ko lang ng peace of mind.
at dahil plano kong kumain mag-isa sa isang fine-dine restaurant ay dumiretso ako doon. umorder rin ako ng mga pagkain. I silently eat habang nag-iisip ng magandang gawin sa buhay ko.
iniisip ko kasi kung anong mangyayari sa akin in the future? magkakaroon kaya ako ng masayang pamilya? o baka isa na namang matinding pagsubok ang kailangan ko harapin at may isa na naman sa mga mahal ko sa buhay ang mawawala?
naalala ko bigla si Emman. ilang linggo na syang nanliligaw sa akin pero I'm still doubting myself for him. hindi naman sa ayaw ko sa kanya pero sabi nya kasi ay may nakaraan nga kami na hindi ko maalala. malakas ang pakiramdam ko na nagsasabi sya ng totoo kaya naman gusto kong maalala ang lahat ng iyon. gusto kong maalala ang lahat ng nangyari sa amin. mga alaalang nabura. pakiramdam ko hindi pa rin ako buo hanggat hindi ko pa naaalala ang mga kinuwento nya.
I sighed. inilibot ko ang aking paningin sa buong lugar at kaunti lang ang mga tao ngayon. may mga couple ang nagdedate, mag-asawa, at friends ang kumakain. may iba rin na katulad kong walang ibang kasama. I wonder, ano kayang iniisip nila ngayon? o kung may problema rin ba silang kinahaharap?
"Ysha?!" nagulat nalang ako nung makita si Mizhie na nakatayo sa harapan ko. mag-isa lang sya at di nya kasama ang kanyang asawa. napakurap nalang ako at napalunok.
"Mizhie.."
"omg! Ikaw nga! bakit mag-isa ka lang dito?" umupo naman sya sa harapan ko at tinignan ang pagkaing inorder ko. "wala ka bang kasama?"
I shook my head. "wala eh."
"weh? seryoso?"
"yeah. ikaw? anong ginagawa mo dito? di mo kasama ang asawa mo?" tanong ko pa.
napangiti naman sya sabay iling.
"may kinausap lang kasi akong kaibigan. Ikaw? bakit di mo ata kasama si loverboy?" she gave me a teasing smile.natawa nalang din ako. ewan ko ba, ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya although mukha syang maingay na babae. kaya komportable agad akong kasama sya ngayon.
"Mm, gusto ko lang kasi ng quality time para sa sarili ko."mas lalo lang syang napangisi at tinaasan ako ng kilay.
"sure ka? oh sige. anyway, tungkol nga pala dun sa inamin ni Emman, is it really true? na ikaw ang puno't dulo ng lahat?"
BINABASA MO ANG
Love Ghost in Mysterious Ways ✔️ (UNDER MAJOR EDITING)
RomanceMeet Allesha Marie Delasen, ang funny, cute, makwela at masayahing multo na walang ibang ginawa kundi ang tumulong sa mga tao at guluhin ang tahimik na buhay ni Emman loyd Fuerva na sya namang sobrang patay na patay sa First love nitong si Almira. ...