ghost 77

41 3 0
                                    

ghost 77:

"Ysha. Ysha! gising!"- 

napamulat ako nung may maramdaman akong yumuyugyog ng balikat ko.

pagtingin ko, Si Ela pala. nag-aalala ang mga mata nya habang nakatingin sakin. napakunot ang noo ko at tinulungan nya naman akong umupo. napahawak pa ako sa ulo sa ulo dahil sumasakit ito.

nilibot ko ang paningin sa paligid.  Medyo madilim dahil isang ilaw lang ang nakabukas. May mga kahoy na nakatambak sa isang gilid, At puro alikabok ang buong paligid. may dalawang lalaki rin sa di kalayuan ang nakaupo at sobrang himbing ng pagkakatulog. sa gitna ay may isang Maliit na mesa kung saan punong-puno ng mga bote ng alak. may mga hawak rin silang mga armas. muli kong nilibot ang paningin sa paligid. hindi ko alam kung anong lugar to pero nasisiguro kong nasa isang warehouse kami!

kinabahan ako bigla.

"Ysha, Okay ka lang ba? may masakit ba sayo?"- muli akong napalingon sa katabi ko. Nag-aalala ang mga mata nya, at halos bumulong nalang sya para walang makarinig samin.

"Okay lang ako-----"- natigilan ako nung mapansin ko ang isang kadenang nakatali sa kaliwang paa ko. napatingin din ako sa paa ni Ela.

Ang dumi-dumi na rin ng mga damit namin pati ang aming mukha.

"Ysha, Look. we have to get out of here as soon as possible. do you understand?"- kahit pawisan at takot ay nagawa paring mag-isip ng matino ni Ela. napatango ako

"Anong gagawin natin?"-

"kailangan nating makahanap ng tiyempo para makatakas. "- Nilibot nya ang paningin sa paligid na animong may hinahanap.

"Ano bang kailangan nila sa'tin? ba't nila tayo Kinidnap?"- kinakabahang tanong ko pa.

"I don't know."- Sinubukan nyang hilain ang kadenang Nakatali sa paa nya pero bigo sya.

kaya naman sinubukan ko rin ang sakin, hoping na matanggal na ang mabibigat na kadena pero lumikha lang iyon ng ingay dahilan para gumalaw ang mga tauhang nagbabantay samin. pigil ang hininga naming dalawa ni Ela dahil dun.

buti nalang ay di ito Nagising. nakahinga kami ng maluwag dun at muling hinila ang kadena sa paa namin.

"Wag nyo nang ipilit. Masasayang lang ang oras nyo."- napatigil kaming dalawa ni Ela dahil dun.

nagkatinginan pa kaming dalawa na nanlalaki pareho ang mga mata at sabay na nilingon ang taong nagsalita sa harapan namin.

matangkad sya kaya naman kailangan pa naming tumingala para makita sya. 

Nakasuot ito ng suit and tie. nasa mid 30's narin ata sya, may hitsura pero ang awra nya ay sumisigaw ng Awtoridad. Nakakatakot rin ang hitsura nya. napakaseryoso nito at misteryoso. wala karing mababakas na kahit anumang emosyon sa mukha nya. Sa madaling salita, Mukha syang demonyo!

may mga ilang tauhan rin syang kasama at katulad nya, nakakatakot rin ang hitsura nila.

lumapit ito samin at tumayo naman ako para harapin sya. Kahit nanginginig ang mga tuhod ko ay pinilit kong magmukhang matapang. tinitigan nya ako sa Mata pagkatapos ay ngumisi.

"Allesha Marie Delasen. Ang nag-iisang tagapagmana ng Magaling at matalinong Si Alturo Delasen. Nice meeting you dear."-

nanlaki ang mata ko. pa'no nya nalaman ang pangalan ko?

nilingon nya naman si Ela.  saka nginisihan bago muling ibaling ang atensyon sakin. sinamaan ko sya ng tingin.

Love Ghost in Mysterious Ways ✔️ (UNDER MAJOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon