ghost 83:
halos mabingi ako sa ingay dito sa loob ng Bar. langya, bakit ba ako pumayag na pumunta dito? Heto namang katabi ko ay busy sa kakachismis ng kung ano-ano at wala naman akong maintindihan kahit isa. samantalang yung pinsan ko naman ay kausap ang isang kaibigan na lasing na lasing na ngayon. well, binibigyan lang naman nila ito ng advices dahil nga broken hearted. sad.
si Maria naman ay nakikipag-usap sa isang lalaking di ko kilala pero kaibigan rin ni Andrey. nagulat pa nga ako dahil nandito rin sya, yun pala ay inimbitahan rin sya ng walang hiya kong kaibigan. dahilan nya? baka daw di talaga ako makakapunta ngayon kaya tinawagan nya ang kapatid ko para may back up sya. aba matalino talaga tong si Jimnet. sya ang isang babae na di dapat tularan. I sighed.
may mga hawak silang Whiskey samantalang orange juice lang sa akin. ayokong uminom ng alak eh, masakit sa lalamunan at ulo.
"So, anong nangyari sayo at pumayag kang sumama dito?" tanong pa ni Jimnet sa akin. nakangisi na ito ngayon sa akin. napanguso nalang ako at sumandal sa upuan.
"I just want to unwind."
"so you think that this place will help you to unwind?" ngisi pa nya.
napairap ako.
"denifinitely not."
napahalakhak naman sya ng tawa. mukhang may tama na ata tong kaibigan ko ah.
"sabi na eh. so kwento na. dali!"napakunot ang noo ko.
"at ano namang ikukwento ko?""kung anong dapat mong ikwento."
kumuha sya ng panibagong whiskey at nilagok ito. "ano bang nangyari sa blind date mo?"dahil sa sinabi nya ay muling sumagi sa isipan ko si Emman. hays, sya nga ang dahilan kung bakit ako pumunta dito eh. napakagat labi nalang ako.
maybe, kapag sinabi ko kay Jimnet ang iniisip ko ay matutulungan nya ako."Sa party."
napaayos naman sya ng upo at naging attentive.
"anong Party?""iyon ang unang araw na nagkakilala kami. His name is Emman loyd Fuerva. hindi ko alam pero nakaramdam ako ng di maipaliwanag na kaba nung makita ko sya. tapos, may sinabi sya sa akin na talagang nagpagulo sa isip ko. Days later, my parents set me a blind date at di ko naman alam na sya pala ang makakablind date ko kaya nagulat ako. may sinabi sya ulit sa akin kaya nahimatay ako------"
"What!? nahimatay ka?! bakit di mo sinabi sa akin?!" gulat na tanong pa nya.
I sighed.
"marami akong iniisip kaya nakalimutan ko na."napailing naman sya.
"okay ka na ba?" nag-aalalang tanong pa nya.ngumiti naman ako.
"yeah, I'm fine. don't worry."she sighed.
"tapos?""ayun, kinabukasan ay nagpaalam sya sa mga magulang ko na liligawan nya raw ako. sinabi nya talaga yun sa harapan ko! nakakagulat diba?"
napasinghap naman sya sa sinabi ko.
"oh my gosh! seryoso?! ginawa nya yun?!" I nodded. napahilamos naman sya ng mukha. "oh my gosh! ang lakas naman ng loob nya para gawin yun! nakakahanga ah?! ayieee!!! sabihin mo nga sakin, gwapo ba sya? anong hitsura nya? ipakilala mo nga sa akin! yieee magkakalove life na sya yieee!"maang akong napatingin sa kanya. seriously?! nagdadrama na nga ako dito tapos sya naman kinikilig? ayos ah? kaibigan ko ba to?
"hoy Jimnet pwede ba umayos ka nga muna! nagkukwento ako dito tapos ikaw naman kinikilig na dyan!" sabay nguso ko at umirap.
BINABASA MO ANG
Love Ghost in Mysterious Ways ✔️ (UNDER MAJOR EDITING)
RomanceMeet Allesha Marie Delasen, ang funny, cute, makwela at masayahing multo na walang ibang ginawa kundi ang tumulong sa mga tao at guluhin ang tahimik na buhay ni Emman loyd Fuerva na sya namang sobrang patay na patay sa First love nitong si Almira. ...