ghost 72:
Ilang linggo ang lumipas at naging masaya naman ang buhay namin ni Ela. madalas kaming magbonding ni Maria at Papa. naging komportable narin si Maria kaya okay na. Ganun din ako kay Papa, nakikipagbiruan na ako sa kanya, kinukwento ko narin sa kanya ang mga ginagawa ko araw-araw. He's not that bad naman pala. malambot rin naman pala ang puso ni Papa. He even gave me adviced about sa mga dapat at di dapat na ginagawa ko and I appreciate and acknowledge it.
madalas rin kaming magshopping nila Maria at Ela, minsan naman sinasama ko sya kapag may Outreach program kami. you see, ang dami ko ngang sinalihang charity and foundations. Tinawag na nga akong Hero ni Maria eh sa dami daw ng ginagawa ko. Syempre ganun talaga ang mga social workers. Pero nag-ienjoy naman sya lalo na sa mga batang nakakasalamuha namin. At gusto na nyang dalhin ko sya kahit saan ako magpunta. Niyaya rin namin si Ela kaso Hindi sya pwede dahil busy sya sa School. and By the way, Lumipat narin pala sya sa Mansyon nila Papa. Umalis na sya sa pagiging Maid sa bahay ng Amo nyang matapobre. binayaran nya narin ang kung ano mang pagkakautang nya dito. Nagulat pa nga ang mga ito nang malaman na anak pala sya ng mayaman edi Pahiya sila kay Papa.
sinabi na rin namin kay Jimnet ang tungkol sa nangyari and She was so shocked about it. talagang hindi sya makapaniwala sa nangyari. Well, sino ba namang hindi magugulat lalo na kapag nalaman mo na ang taong kinatatakutan mo pala ay syang Ama mo diba? muntik ngang mahimatay si Jimnet nung makita si Papa. adik talaga.
pero up until now, hindi ko parin nasasabi sa mga parents ko ang tungkol dito. I'm just afraid kung ano ang magiging reaksyon nila. I love them so much kaya naman nahihirapan akong umamin. Hays life. Idagdag mo pa ang palihim kong pag-imbestiga sa mga ginagawa ni Papa kasi nga para maging aware ako sa mga nangyayari.
gusto narin sana ni Papa na lumipat ako sa bahay nila para magkasama na daw kami kaso tumanggi ako. I can't just leave my parents yet. Saka wala pa silang alam tungkol sa ginawa ko kaya mas lalong hindi pwede. Papa said eh will talk to them pero hinarangan ko agad sya dahil ayoko pang malaman nila Mommy ito. I even told him the reason and he understand naman kaya hinayaan nya na ako, saka nasa kanila naman na si Ela eh. Enough na yun para maging kompleto.
Oh and one more thing, Sinagot na pala ni Jimnet si Kel. like O to the M to the G! talagang nagulat kami sa binalita nya. napahampas tuloy ako kay Joe dahil sa kilig, at nahiya naman agad ako dahil nabugbog sarado sya dahil sakin. Hays, poor him. hindi ko akalain na mukha pala akong baliw kiligin. Kasalanan kasi ito ni Jimnet eh. di man lang agad sinabi sakin na mag-on na pala sila ni Kel. Isang linggo nya yung itinago sakin ah. Jusmiyo sya marimar!
one time nagsabay kaming Apat na kumain sa canteen kasama si Joe at halos langgamin kaming dalawa dahil sa kasweetan ng dalawang couple na kaharap namin. Aba naman, magsubuan ba daw sa harap namin? ano, wala silang kamay? kailangan talaga magsubuan? Binato ko nga ng mga tissue, nagpapainggit kasi eh. saka ang awkward ng ginagawa nila eh kitang may kasama silang single.
pero natutuwa parin ako para sa kanila pero minsan naiinis rin ako dahil mukha silang tangang dalawa minsan. Kinukwento kasi sakin ni Kel ang mga ginagawa nila ng jowa nya at ganun din sakin si Jimnet. heto naman akong single nagtitiis makinig sa mga kwento nila para lang wala silang masabi sakin. pero minsan gusto ko silang batukan pareho dahil laging nag-aaway. tapos ako ito, tagapayo slash taga sermon ng mga dapat gawin. Minsan pa, ako na ang nagiging tulay ng dalawa para lang magkaayos. Ako na rin ang taga-isip ng mga plano ni Kel para lang suyuin ang girlfriend. eh kung ako nalang kaya ang manligaw diba?
lagi akong nadadamay sa LQ nilang dalawa. hays, Ang bait ko talagang kaibigan.Ngayong araw, pumunta ako sa bahay ng kaibigan ni Mommy na si Tita Pia, She invited me to Sing there since it was Her Daughter's birthday. 18th birthday kumbaga. sa madaling salita, debut. kasing Edad ko lang ang anak nya pero ang bongga rin ng birthday party. Akalain mong kailangan pa nila ng vocalist para lang magpresent? nice one.. eh nung nagdebut nga ako wala namang vocalist keme. pero atleast masaya ako dahil si daddy ang last dance ko.
BINABASA MO ANG
Love Ghost in Mysterious Ways ✔️ (UNDER MAJOR EDITING)
RomantizmMeet Allesha Marie Delasen, ang funny, cute, makwela at masayahing multo na walang ibang ginawa kundi ang tumulong sa mga tao at guluhin ang tahimik na buhay ni Emman loyd Fuerva na sya namang sobrang patay na patay sa First love nitong si Almira. ...