Ghost 67

47 3 0
                                    

ghost 67:







ilang linggo ang lumipas at sa loob ng mga linggong iyon, marami na ang nangyari.

unang-una na dyan ang pagkilala ni Jimnet at Ela sa isa't isa. nung una, gulat na gulat si Jimnet habang tinitignang mabuti si Ela. bawat parte ng mukha ay dini-discribe nya habang papalit-palit ang tingin nya sa akin at kay Ela. masasabi kong mukha syang tangga nung mga araw na yun. buong maghapon kasi kaming magkasama at walang minuto na hindi sya tumitingin kay Ela and that creeps me out. naku kung hindi ko lang sya kilala at kaibigan mapagkakamalan ko syang tibo at may gusto kay Ela. buti nalang din at parang may pagkamanhid tong isa dahil hindi nya napapansin ang panunuri sa kanya ni Jimnet.  sa unang  bonding namin medyo iwas at awkward si Jimnet at Ela sa isat isa. pero makalipas lang ang ilang ang araw ay nagulat nalang ako na mas closed pa silang dalawa kesa sakin. Nakakaselos minsan ah lalo na't madalas na pala silang maghang out ng di man lang sinasabi sakin. at talagang proud pa syang kinukwento kay Ela at pagkagusto nya kay Kel. at mukhang nakakuha na sya ng kakampi sa mga kalandian nya sa lalaki dahil suportang-suporta naman ang inosenteng kambal ko. yes, I called her my kambal.  bad influence talaga tong si Jimnet.

at sa nakalipas rin na linggo na yun ay Marami ng tao ang napagkakamalan kaming magkadugo dahil nga sa magkamukha kami. karamihan sa mga kakilala ko na nakakakita samin ay nagugulat at sinasabihan akong may tinatago pala akong kakambal. yung iba naman napagkamalan si Ela'ng ako. kung di lang dahil sa magkaiba kami ng get up ay talagang akong-ako sya. hays, konti nalang talaga at makukumbinsi ko na ang sarili kong kakambal ko nga si Ela.

madalas ko na rin syang ihatid sa bahay nila ng Amo nya. at may one time pang naabutan ko syang sinisigawan ng Anak ng Amo nya na si Erica. kaya naman sa inis ko ay nakialam na ako. pinagtanggol ko si Ela laban kay Erica. at first, nagulat ang babae nung makita ako. of course, sino ba namang hindi magugulat kung may makita kang taong kamukhang-kamukha mo. kaya naman dahil dun inakusahan nya si Ela ng kung ano-ano tungkol sa kin na talaga namang hindi kaaya-aya sa pandinig ko. at hindi ako nakapagtimpi dun kaya pinatulan ko ang babae. I told her something na hindi nya dapat sinasabi sa kaibigan ko.  I even warned her na kapag hindi nya itinigil ang pang-iinsulto at pagmamaltrato ng mali kay Ela ay ipapatanggal ko ang Napakaliit na Business nila. At talagang matigas ang babae dahil hindi sya naapektohan sa banta ko. ako pa mismo ang Binantaan nya at ininsulto kagaya ng ginawa nya kay Ela. she even questioned my name and my family's Businesses. kaya naman nung binanggit ko ang pangalan ng pamilya ko ay awtomatikong namutla ang buong mukha nya. well, dapat lang syang matakot sakin. dahil hindi naman ata lingid sa kaalaman ng malanding babaeng ito na kayang-kaya kong ipabagsak ang Restaurant nila. Ako palang ang magpapabagsak, pa'no pa kaya kapag nakialam ang magulang ko? siguradong sa kalsada ang pupulutin nila. pero dahil may awa naman ako sa ibang tao ay hindi ko gagawin yun. hindi naman ako ganun kasamang tao.

kaya naman binantaan ko ulit syang wag na wag uulitin ang mga pagmamaltrato nila sa mga katulong, lalo na kay Ela kung ayaw nyang totohanin ko ang pagpapabagsak ng Business nila. well, wala naman talaga akong balak na gawin yun sadyang tinatakot ko lang sya para di na aawayin si Ela.  After that incident, todo Thank you sakin si Ela. at todo iwas naman sakin si Erica, hindi ko narin nababalitaan ang pang aaway nya kay Ela. well, mukhang natakot nga ata sya sa banta ko. aba dapat lang! every sunday rin ay sinasama ko si Ela na magsimba kapag wala ang parents ko. AT! Isa sa mga bagay na hindi ko makakalimutan sa nakalipas ng linggo ang pagbabagong anyo ni Ela. Minake-over ko sya. Pinagamit ng beauty products, Binilhan ng mga classy na damit, at make up kit. I even change her Hair style at tinanggalan sya ng Sobrang kapal na eyeglasses at pinalitan yun ng contact lens.  sobrang saya ko nun at sobra akong namangha nung makita ko ang bagong hitsura ni Ela. Hindi talaga ako makapaniwala sa nakita ko nun. Ang laki talaga ng pinagbago nya. napanganga pa nga ako ng ilang segundo nun bago sya Purihin eh. I felt proud of myself dahil nabago ko ang hitsura ni Ela. miski si Jimnet, natulala sa pagbabagong anyo ni Ela. napagkamalan pa nga nya itong ako eh dahil yung mga suotan ni Ela ay katulad ng sakin. She even said to me mukhang totoong kambal ko si Ela dahil Kahit ang postura naming dalawa, parehong-pareho.  kinulit nya rin akong MAGPA-DNA test baka daw si Ela ang nawawala kong kapatid. kung hindi lang daw sa magkaiba ang ugali namin malilito na sya. Crazy Jimnet. hinayaan ko nalang sya sa mga pinagsasabi nya.

Love Ghost in Mysterious Ways ✔️ (UNDER MAJOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon