Epilogue:
It's been months simula nang maging kami ni Emman. at sa loob ng buwan na iyon ay maraming nangyari. unang-una na dyan ang pag-announced namin sa mga parents namin na kami na. and as usual, tuwang-tuwa naman sila sa binalita namin at kahit hindi pa kami mag-asawa ay nag-insist na sila Tita at tito na tawagin ko daw silang Mama at Papa. ganun rin ang pinagawa kay Emman ni Mommy and Daddy. si Emily naman ay tinatawag ko nang ate dahil nga mas matanda sya sa akin. nagsimula na rin ang construction para sa charity'ng ipapatayo ko.
pinakilala ko na rin si Emman kay Jimnet na inaaway na ako. at as usual, mas kinilig pa sa akin ang loka nung makilala nya si Emman. kesyo ang swerte ko daw dahil nakapingwit ako ng gwapong nilalang at bagay na bagay daw kami. at sa isang iglap lang ay naging magkaibigan na rin sila. mukhang mas closed na nga ata sila kesa sa akin eh.
at sa wakas ay nakilala at nakita ko na rin si Almira na naging first love ni Emman. maayos naman na ang relasyon nila ni Emman sa isa't isa, magkaibigan na sila kaya magkaibigan na rin kami. well, kaibigan naman na talaga ang turing ko sa kanya kahit nung multo pa lang ako at di nya ako nakikita. mabait si Almira, mahinhin at maalalahanin kaya natutuwa ako sa kanya. mag-asawa na rin sila ni Mark ngayon kaya masaya ako para sa kanila. I can see that they were truly and madly inlove with each other.
Si Janna naman ay ayaw sakin. I can really feel and see it everytime na magkikita kami. pero atleast hindi nya ako inaaaway or something. siguro ayaw nya lang talaga sa akin dahil may feelings din sya kay Emman at naiintindihan ko naman yun. nagiging civil nalang din kami sa isa't isa. gusto ko syang maging kaibigan kapag okay na ako para sa kanya.
noong nakaraan buwan din ay ikinasal na nga si Leo at Yonna. of course, masayang-masaya ako para sa kanila. sino bang hindi eh naging saksi rin ako sa love story ng dalawang iyon. I'm sure masaya na sila Cleiney at Ann ngayon kapag nakita nilang ikinasal ang dalawang OTP nila. and speaking of, dinalaw ko rin sila sa sementeryo at syempre pinasalamatan. I even prayed for their souls. si Emman naman ang bestman kaya natutuwa ako dahil ang gwapo nya nung mga araw na yun.
pinakilala na rin nila ako kay Krisa at Red through VC dahil nasa ibang bansa na nga ito nakatira, and they were happy to meet me.
dinalaw rin namin ni Emman sila Nanay Ally at Rolly sa Carenderia. sobrang saya ko nga dahil sa wakas, nagkaroon na rin ako ng pagkakataon na makausap at makakwentohan sila mag-ina. pinakilala naman ako ni Emman bilang girlfriend and as usual, masaya sila para sa amin. biniro pa nga nila kami tungkol sa kasal eh. napag-alaman ko rin na kasal na rin pala si Rolly at may dalawang anak na. how cuteeee.. sana all haha.
At sa wakas! muli na naman kaming nagkita ni Lola Erlita. nung una hindi nya ako nakilala dahil hindi nya naman talaga alam ang hitsura ko pero nung sinabi ko ang buong pangalan ko ay sobrang nagulat sya. hindi nga sya makapaniwala na buhay ako. ang alam kasi nya ay matagal na akong patay kaya nung sinabi kong nacomatose lang ako ay sobrang natuwa nga nya. hindi sya makapaniwala na ang ganda ko pala sa personal. haha. so ayun, inabot kaming dalawa ng gabi sa pagkukwentohan. sinabi nya rin sa akin na talagang bagay ba bagay kami ni Emman. kinilig naman ako dun. binalikan rin namin yung mga alaala na kasama pa namin si Jino at di ko maiwasang malungkot kapag naaalala ko ang pagsasakripisyo nya ng kanyang nararamdaman para lang makitang masaya si Emily sa piling ng ibang lalaki. what a love! at hanggang ngayon ay di parin nawawala ang kakayahan ni lola na makarinig ng boses ng patay pero binabalewala nya nalang.
nalaman na rin ni Emily na ako yung babaeng Allesha na iniyakan daw ni Emman dati. and as usual, sobrang nagulat sya pero di naman sya nagalit. natuwa pa nga sya eh.
noong nakaraang linggo lang din ay nakita ko si Boboy at Mimi. Nasa mall ako nun para sana dalawin si Ate Emily pero nakita ko silang dalawa na may binibili. at first ay di ko sila namukhaan pero nung matitigan ko silang mabuti ay napagtanto kong sila nga iyon. sa sobrang tuwa ko ay agad ko silang inapproach. sa simula ay di rin nila ako namukhaan pero nung magpakilala ako ay dun lang nila ako naalala. tuwang-tuwa rin silang dalawa na makita akong muli pagkatapos ng mahabang panahon.
BINABASA MO ANG
Love Ghost in Mysterious Ways ✔️ (UNDER MAJOR EDITING)
Roman d'amourMeet Allesha Marie Delasen, ang funny, cute, makwela at masayahing multo na walang ibang ginawa kundi ang tumulong sa mga tao at guluhin ang tahimik na buhay ni Emman loyd Fuerva na sya namang sobrang patay na patay sa First love nitong si Almira. ...