Ghost 74

39 4 0
                                    

ghost 74:

Isang buwan ang lumipas matapos ang huling pag-uusap namin ni Mr. Agilar. at nakakahinga narin ako ng Maayos dahil hindi ko na ulit nakikita yung taong laging sumusunod sakin.

bakit kaya? Naglong vacation ba sya at sa susunod na buwan nalang ulit babalik sa trabaho? napailing nalang ako sa mga naisip ko.

Pero sa nakalipas na buwan ay hindi ako tuluyang masaya. Unang-una na dyan ang pagiging broken Hearted ko Mula kay Emman. I guess nalove at first sight ata ako sa kanya dahil masyado akong nabaliw to the point na halos lahat ng info tungkol sa kanya inalam ko. Nagiging stalker nga ako eh. pero one time, habang naglalakad ako papasok sa Flower shop ay nagulat ako nung madatnan ko syang namimili ng mga bulaklak.
masaya na sana ako. Sa sobrang saya ko ay Muntik ko na syang lapitan at yakapin kaso natigilan ako nung makita ang babaeng Katabi nya.

They were happily looking for flowers. tinitigan ko ang babae. Base sa Observation ko ay mabait ito. Maganda saka mukhang Mahinhin. Nagtatawanan silang dalawa ni Emman na para bang sila lang ang nandito at walang ibang nakakakita sa kanila. Nakahawak sa bewang ng babae ang kamay niya at they na tumingin sya dito ay kakaiba. its like he's into her. yung ngiti sa labi nya ay kakaiba.  Napahawak ako sa dibdib ko nung maramdaman ang paninikip nito. Shems, Ang lakas ng tibok ng puso ko pero pakiramdam ko sinasaksak ako ng ilang daang kutsilyo sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. I'm Hurting and Jealous at the same time. Hindi ko kilala ang babaeng kasama nya pero the Way na tingnan ito ni Emman ay Alam ko na. Alam ko na ito ang tinutukoy nilang napupusuan nya. Si Almira. 

nakaramdam ako ng inggit dahil dun. I wish na sana ako ang kasama ni Emman. na sana ganyan sya tumingin sakin at ganyan ang trato nya kapag magkasama kami. but who Am I kidding? Ni hindi nga nya ako kilala eh. hindi nya kilala ang babaeng hinalikan nya. shems! He just stole my first kiss pero ngayon malalaman ko na iba ang napupusuan nya.

Nagulat ako nung Biglang halikan ni  Emman ang pisngi ni Almira. Sa pisngi palang yun pero pakiramdam ko tumigil sa pagtibok ang puso ko. Dali-dali akong tumalikod at kinagat ng mariin ang nanginginig kong labi.

dumiretso ako sa opisinan ko at napaupo sa swivel chair. Napahawak ako sa aking dibdib. pinipigilan ko rin ang mga luhang gustong kumawal sa aking mata. bakit ganito? gusto ko lang naman sya at hindi naman kami Magkakilala talaga pero pakiramdam ko pinagtaksilan ako. Dinaig ko pa ang babaeng iniwan ng jowa sa sakit na nararamdaman ko. Ohmen! hindi pa ako nainlove pero hindi naman ako tanga para di malaman tong ganitong pakiramdam. Napangiti ako ng mapakla. Ganito pala ang pakiramdam ng nasasaktan dahil sa love. lintik ang weird naman ng ganito sakin.

at talagang sa Shop ko pa nilang napiling magdate huh? aww.

Akala ko nga hanggang dun lang ang selos na nararamdaman ko kaso mali pala ako. Dahil Sa pangalawang beses ay muli ko na naman silang nakita sa isang Park na dinaanan ko. ang sweet nila tignan habang bumibili ng Cotton Candy. abot hanggang tenga ang ngiti ni Emman at halata ang kislap sa kanyang mga mata habang nakatingin kay Almira. mukha silang magjowa tignan. Nakaakbay pa talaga si Emman sa balikat nito na akala mo boyfriend. ito namang si Almira Hinayaan lang ang ginagawa ng isa.

Napapikit ako ng mariin at pilit pinapakalma ang puso kong abnormal na. Takte naman po, Di naman kasi kami nagkaroon ng conversation ni Emman saka Madalang ko lang sya makita and For him I'm just a stranger. Hindi nya ako kilala mula ulo hanggang paa. Kumbaga sa showbiz, sya ang Artista at ako naman ay Isang Silent fan nya. How sad.

Thats why I Choose to forget him. itinuon ko nalang sa ibang bagay ang atensyon ko para di na maging Adik sa kanya. Besides, hindi lang naman sya ang lalaki sa mundo at alam ko namang hindi kami ang itinadhana. pero at the back of my mind I'm still hoping na sya ang makatuluyan ko. Hays I'm so assumerang babae.

Love Ghost in Mysterious Ways ✔️ (UNDER MAJOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon