Unnice's POV:
'Ringggggg!'
Napatigil kaming dalawa sa pag uusap ng tumunog ang telepono. Pakiramdam ko ay nabunutan ako ng tinik.
"Sino na naman yun? Nagtsitsismisan pa tayo dito. Nakakasira ng beauty." Sabay flip ng imaginary hair niya. I giggled but he just glared at me.
"Sagutin mo na, malay mo importante." Wala naman s'yang nagawa kundi kuhain ang telepono.
"Hello?" bungad nya. Nanatili lang akong tahimik habang pinaglalaruan ang puting kumot. Sumenyales naman siya na lalabas muna siya saglit at tumango ako. Nang maiwan ako rito mag-isa, unti-unti akong nainip kung kaya't uminom muna ako ng tubig bago tumayo. Napagdesisyunan kong maglibot muna tutal lagi nalang akong nakaupo o nakahiga.
Naglalakad lang ako dito sa hallway, 2nd floor ng Hospital. "Unnice!" napalingon ako sa babaeng nakasuot ng mask at gloves. Agad naman akong kumaway at lumapit siya sa akin. "Woah! Chill ka lang bespar," saad niya nang yakapin ko siya ng mahigpit. Kumalas naman ako sa pagkakayakap.
"Teka, nasaan si Manly? At bakit nasa labas ka ng room mo?" Bigla naman akong ngumisi ng tinanong niya yun. "Why? "
"Si Manly? Nasa puso mo!"sigaw ko dahilan para mapatingin ang mga pasyente sa amin. Tinakpan naman ni Jaine ang bibig ko.
"Kadiri ka," saway pa niya. Pinilit ko namang tanggalin ang kamay niya pero mas malakas s'ya.
"Mahal mo naman," sabi ko ng pakawalan niya na ako. "At ayos lang ako, promise. Lagi nalang kasi akong nakahiga, hindi iyon good sa aking kondisyon."
"Tama, tama. Basta huwag ka lang magpapakapagod. Kung gusto mo ng tulong, nandito lang kami ni Manly para sa iyo."
"Manly, ang gwapong mahilig sa talong," ngisi ko. Paniguradong binatukan na ako ni Manly kung naandito iyon.
"Hahahahaha, nice one bespar." We high five.
"Miss na kita." Lalo akong napangiti ng sabihin niya yun. May soft heart din sya kahit minsan lang s'ya magsalita. Sabihin na nating may nakaraan siya na hindi kaaya-aya nung bata pa s'ya.
"Sorry pala kung naabala ko kayo ni Manly, ang gwapong mahilig sa talong," I apologized and lower my head. I felt Jaine hugged me again so I hugged back.
"Don't be sorry. That's what Bespars are for," she said in a soothing tone. Bigla naman siyang kumalas sa pagkakayakap.
"May pasyente pa pala ako," sabi niya sabay tingin sa kaniyang relo.
"Sana all," I pouted. Dream kong maging doctor. duh.
"Don't worry magiging doctor ka rin." She ruffled my hair and gave me two thumbs up. "Bye na, ingat ka. And tell Manly na may pag-uusapan kami bukas." And then she started to walk.
"Oo! Sasabihin ko kay Manly na may date kayo!" Napalingon naman s'ya bigla. Manly Effect.
"Don't you dare!" pabalik niyang sigaw. Umiling lamang ako. Sarap niyang asarin.
"Unnice!" babala niya at unti-unting lumapit sa akin. "I'm just kidding! Wag kang GG!"
"Good. Siguraduhin mo lang." She glared at me.
I laughed as I nodded and wave at her. Nagsimula ulit s'yang maglakad. Nang mawala na s'ya nang tuluyan sa paningin ko ay nagsimula ulit akong maglakad kung saan-saan. As I was walking, my feet stopped in one room. Sumilip ako sa bintana at bumungad sa akin ang mga cute na sanggol.
"Aigoo," I said, admiring their cuteness. Nakuha nung chubby cheeks na baby ang atensyon ko. Napahawak naman ako sa umbok ng t'yan ko at ngumiti.
"Baby ko~ Mas cute ka pa d'yan paglumabas ka," pagmamayabang ko habang hinihimas ang aking tiyan. Bakit? Ganyan naman talaga yung ibang mga nanay ah! *pout*
Napalingon naman ako sa isang room. Doon ko nakita ang mga taong naglalaro ng laruan at may pacifier sa kanilang bibig. "Weird," bulong ko. Sumilip ako sa nasabing room na. Bigla namang bumukas ang pinto.
Isang lalaki ang nagmamadaling lumabas. Hindi niya siguro ako nakita kaya nabangga niya ako. Muntikan pa akong matumba pero yung lalaki ay patuloy lamang sa paglalakad. Aba, walang manners si kuya.
"Hoy!" I shouted. Hindi niya naman ako pinansin.
Wala akong nagawa kundi tingnan siyang umalis. Hindi naman kasi ako pwedeng tumakbo at hindi ako aso para maghabol. Pero bago pa siya makawala sa paningin ko ay bigla siyang lumingon siya sa akin at bumalik sa aking direksyon.
"S-Shan?"
BINABASA MO ANG
I'm Pregnant, Shan ✔
RomantikHighest Rank: Completed #21 in Teenfiction "I-I'm Pregnant,Shan." Kabado kong wika. Tumingin siya sa akin ng walang emosyon. "I don't care," sambit niya. Napahigpit ang pagkakapit ko sa envelope na aking hawak. Hindi ako makapaniwala sa kaniyang s...