Unnice's POV:
"Besh, sorry na~," pagmamakaawa ni Manly. Isang araw na magmula ng nalaman ko na nagkita na sila Kevin at Shan. It makes my stomach twist whenever I imagined the two, seeing each other.
"Bakit hindi niyo na lang sinabi sa akin? I can handle it alone," inis kong saad. Nasa labas kami ng bahay ngayon. Tulog na si Kevin at si Jaine naman ay may operasyon pang gagawin.
That leaves me with a Manly, asking for forgiveness.
"Alam naman namin iyon. Alam naming mala-Strong Woman Do Bong Soon physically at emotionally ka. Pero besh naman, ayaw lang namin madagdagan yang stress mo. Nahandle naman namin ni Jaine ng maayos eh," he explained. Wala akong magawa kundi ang tanggapin na lamang dahil alam kong gusto lang nilang tumulong.
"Fine. But atleast next time, iinform nyo ako. Anak ko si Kevin at gusto kong malaman kung anong nangyayari sa kanya. Maliit man o malaki," I sadly said before turning around and looking at him. His face was screaming the word guilt. Nang magkatinginan kami ay binigyan niya ako ng matamis na ngiti. Hindi ko naman maiwasang mapangiti rin. We both suddenly hugged. Tinaas naman niya ang pinky finger niya.
"I promise," he said. I did the same and our pinky fingers intertwined with each other. We were having a beshy moment when his phone suddenly rang. Naghiwalay kami sa pagkakayakap at kinuha niya ang kanyang cellphone sa bulsa ng kanyang pantalon. Nang makita niya ang caller I.D ay napatingin siya sa akin. Hindi ko naman maiwasang kabahan.
"Good evening," panimula ni Manly. Sinenyasan ko naman siyang i-loud speaker ito.
"Ah yes, is this Manly Theodore?" Isang boses ng babae ang biglang sumagot.
"Yes, Ms. Lockdown. Ah eh, may problema po ba?" I looked at him and noticed that his hand was trembling. Naalala ko naman ang pangalang Lockdown at siya ang principal ng Taiga School.
"I just wanna inform you that Mr. Hendry went here earlier." Parang nawala bigla ang kaluluwa ko nang marinig iyon. Ang hindi ko lang maintindihan ay nang dumating siya sa Hospital ay sinumpong na siya ng sakit niya.
–5 hours ago–
"Nandito na po ba si Mr. Hendry?" Tanong ko kaagad pagkadating na pagkadating ko sa Hospital. Umiling naman yung babae and great, maghihintay na naman ako. I was about to go to my cubicle when I heard someone loudly crying outside.
"Hendry?" My feet automatically went outside and were greeted by a crying Hendry. Pinapalibutan naman siya ng ibang mga tauhan ng West Family at pinapakalma. "Let me handle this," saad ko. Napatingin naman sila sa akin. Halata naman ang pagdadalawang-isip nila. "I'm Hendry's caregiver."
At dahil doon, binitawan nila si Hendry.
"NWO! GWUSTO KO SI KOYAH SHWAN!!!" He started to punch the air. Pumunta naman ako sa likod niya and quickly wrapped my arms around him. Muntikan ko pa siyang mabitawan dahil galaw siya ng galaw.
"Shhh, shhh. I'm here. I'm here," I said using my soothing voice. I also pat his messy hair gently to help the situation. "Everything's fine. I'm here."
Mahihiya na sana ako sa oras na ito. We were at the front of the hospital and was sitting in the middle. Pinagtitinginan na rin kami ng mga tao ngayon. But surprisingly, my mind focused on calming Hendry.
"Nwo! Pwease! Gwusto ko kay kuya Shwan!" Humina na ng kaunti ang kanyang boses at tumigil na siya sa paggalaw which is a good thing. Ngunit hindi lang nabawasan sa kanya ay ang pag-iyak. "Where is Shan?" Tanong ko sa isa sa mga tauhan nila. He mouthed 'He's resting right now' which I gave a nod in response. Hindi ko naman puwedeng gisingin si Shan dahil nagpapahinga siya. Shit.
BINABASA MO ANG
I'm Pregnant, Shan ✔
RomanceHighest Rank: Completed #21 in Teenfiction "I-I'm Pregnant,Shan." Kabado kong wika. Tumingin siya sa akin ng walang emosyon. "I don't care," sambit niya. Napahigpit ang pagkakapit ko sa envelope na aking hawak. Hindi ako makapaniwala sa kaniyang s...