Third Person's POV:
"She is in fine condition, you don't have to worry," saad ni Doktora Jaine kay Manly.
"P-pero paano yung baby?" Manly gulped in nervousness.
"The baby is fine too. Paki sabi nga sa bestfriend natin na wag magpakastress. Makakasama yun sa kanya lalong lalo na sa anak nya. Hindi ko s'ya mabantayan dahil marami pa akong inaasikasong pasyente," Doktora Jaine said and sighed. A wave of guilt surrounded Jaine's heart.
"Besides, hindi naman ako ob-gyn. I'm a surgeon." Manly nodded. Well hindi naman niya masisisi si Jaine kung bakit busy s'ya. She have tons of surgeries to do.
"Bakit nga ba stress s'ya? Is this about Shon? Shin? Shawn? Shayn? Teka sino nga ba yun." At hindi rin naman masisisi ni Manly kung bakit hindi niya saulado ang pangalan nung manlolokng iyon.
"It's Shan." Manly said.
"Shantidope?"
"No! Shan darating ang mga salita~ " Jaine chuckled. Hindi dahil sa kanta kung hindi dahil sa boses ni Manly. "Hindi! Shantarat-tarat! Tararat tarat manluluko!" Jaine sang back.
"Magkakantahan na lang ba tayo dito?" Manly asked playfully.
"No thanks, ang ganda ng panahon. Sisirain mo lang," pang-aasar pa ni Jaine. Manly frowns and make a straight face.
"Joke lang!" Jaine protested. A nurse suddenly approaches Doctor Jaine.
"Doc. Sanchez, may schedule po kayo ngayong 2:00 pm. You need to get ready," saad nung nurse at binigay kay Jaine ang records nung pasyente. "Susunod ako. Thanks." Tumango lang ang nurse at umalis. Tumingin naman si Jaine sa orasan malapit sa bleachers. She still have 20 minutes to prepare.
"Pwede ka nang pumasok sa loob. But don't be too loud. I know you, Manly Teodore." Jaine squinted looking at Manly seriously. Manly crossed his heart and made a promise sign.
"And one more thing." Napatigil si Manly nang magsalita ulit si Jaine. "Ano yun?" tanong ni Manly sa kanya.
"Wag mo ngang pairalin ang pagkaseryoso mo. Iisipin ko na straight ka at may gusto ka kay Unnice!" sigaw ni Doktora Jaine na ikinagulat ni Manly.
"Hoy babaita, FYI, talong hanap ko duh," irap ni Manly at pumasok na sa room ni Unnice.
"Kasi naman ang hot mo kapag ganun eh," bulong pa ni Jaine at ngumuso bago tuluyang umalis
***
Unnice's POV:
"Anong nangyari?" tanong ko at umupo. Kumikirot ang aking sintido. Inilibot ko ang aking tingin at napagtantong wala ako sa aking bahay.
"Gising ka na!" Isang matinis na boses ang sumigaw. Lalo lang sumakit ang ulo ko.
"Hindi, tulog ako," sagot ko. "Wag mong pairalin yang kabaklaan mo dito Manly," inis ko pang sambit.
"Salamat ba yung sinabi mo? Naku wala yun, hindi ka naman mabigat eh. Easy modelang iyang weight mo. Kering keri ng beauty ko," sarkastikong banat ni Manly.
"Sorry na," I whined. "Sadyang kumikirot lang talaga ang ulo ko. By the way, thanks again," I apologized sincerely.
Kumuha siya ng isang monoblock na pink. Take note, dala-dala pa niya yan pagpunta ng hospital. How did I know? Sa tuwing sinusugod ako sa hospital, lagi niya yang kasama. Nilalagay niya yun sa tabi ng bed na hinihigaan ko at doon umuupo.
"Nahimatay ka. Buti nalang ayos kayo at ang baby," he explained. "Sabi ni Jaine, Wag ka daw magpakastress."
I hummed in response.
"Bakit ka nga ba stress?" ani Manly. "Obvious naman yung sagot pero gusto ko lang makasigurado. Tungkol na naman ba ito kay Shan? O di kaya papaano mo bubuhayin ang bata ng wala ang kaniyang ama?" dagdag pa nya.
"Hehe, s-sinong shan? Si Shan Mendes?" Sabay ngumiti ng naiilang. Sinamaan niya naman ako ng tingin at sumandal sa kaniyang inuupuan. "Si Shawn Mendes kasi yun. Unnice wag ka ng magma-ang maangan pa," he said, crossing his arms.
"Kasalanan ko ba-"
"Na mahal mo pa rin sya?" Hindi ako sumagot sa tanong nya at inilihis ang ulo ko. I don't want to meet his scrutinizing eyes. Feeling ko ay nababasa niya lahat ng iniisip ko.
"Kung nag-aalala ka sa kinabukasan ng iyong anak, sabihin mo lang sa kanya ang nangyari sa kanyang ama kapag nasa tamang edad na siya," suhestiyon ni Manly. Awtomatiko akong napailing. No! Never!
'Then tell me what's wrong? Pati si Jaine nagi-guilty dahil sa isip niya, napapabayaan ka na niya. Ilang beses ka na bang nasugod dito sa hospital" I feel a pang in my heart when Manly harshly said that. Hindi ko naman gustong mangyari ito. Pero hindi ko hawak ang tadhana,
"S-Sorry," nauutal kong sabi. Hindi naman ako makatingin ng diretso sa mata niya. May dalawang kamay ang humawak sa akin kung kaya't napatingala ako.
"Don't be. I'm sorry kung naging harsh ako kanina. Sadyang nag-aalala lang kami sa iyo. We're families right" Hinayaan ko nalang tumulo ang luha ko.
"Stop crying. Baka may dumating na doctor tapos makitang naiyak ka. Tapos aakalain nilang may gwapong mahilig sa talong ang may balak na kidnappin you. Duh, itong beauty na ito ay hindi bagay behind the bars." Gumana ang kaniyang pagbibiro dahil tumigil ang pagpatak ng aking luha. Napangiti siya ng makitang gumaan papaano ang aking mood.
"T-Thanks,' bulong ko pero tama lang iyon para marinig ni Manly. "Pakisabi na rin kay Jaine na sorry, naaabala ko s'ya."
"No! She should be the one thanking you." Nagulat naman ako nang bigla siyang sumigaw. Luh? "Ayaw niya yun? Major na s'ya sa surgeon. Minor pa s'ya sa ob-gyn.'
Sabagay, baka madiscover si Jaine pagnagkataon. Malay niya, maifeatured pa s'ya sa newspaper. Tas ang nakalagay sa headline.
Doc. Sanchez, malahero ang dating, mabangis ang galing.
"Pero seryoso, anong problema?" Pagbabalik ni Manly sa topic. Hindi ulit ako makapagsalita.
"Sasag-"
'Ringggggg!'
BINABASA MO ANG
I'm Pregnant, Shan ✔
RomanceHighest Rank: Completed #21 in Teenfiction "I-I'm Pregnant,Shan." Kabado kong wika. Tumingin siya sa akin ng walang emosyon. "I don't care," sambit niya. Napahigpit ang pagkakapit ko sa envelope na aking hawak. Hindi ako makapaniwala sa kaniyang s...