Unnice's POV:
Nakatitig ako kay Hendry habang pinoproseso ko ang mga nangyayari. Biglang sumakit ang lalamunan ko habang umiinit ang aking mga mata. Tumahimik ang kuwarto. Tumango ang nurse na tumulak sa wheelchair ni Hendry at umalis. Umubo naman si Mr. West upang maibsan ang onting ka-awkwardan.
"Wait, I know you," sabi ni Hendry habang nakaturo sa akin. Bigla namang kumunot ang noo niya, sinusubukang tandaan ang nakaraan kung saan ako'y labis na nasaktan. Charowt lang. "Ikaw yung babaeng tumawag sa akin ng Shan, tama ba?" tanong pa nito. Biglang uminit ang ulo ko nang ngumisi s'ya sa akin ng nakakaloko. But ofcourse, I kept my posture straight.
"I don't know. It's either ako nga 'yun o kamukha ko lamang," I answered. "O di kaya, kakambal ko." I gritted my teeth when he looked at me like he knew that I'm lying. Magsasalita pa sana siya ng sumabat si Mr. West.
"Enough with the chit chat. Doc. Lee, Hendry will be your patient. Son, this is Unnice Lee. You can call her Doc. Lee. S'ya na ang iyong permanenteng doctor hanggang sa gumaling ka," paliwanag ni Mr. West. May halong diin sa kanyang mga salita. Halata na gusto niyang bantayan at alagaan ko si Hendry.
"Noted," tanging sagot ko lamang bago ituon ang aking atensyon kay Hendry. Hindi pa rin nawawala ang nakakaloko niyang ngisi kung kaya't sikreto akong napairap.
"Then you don't mind if you start now, right?" I slightly flinched in his sharp voice. Hindi ko alam kung bakit biglang nagbago ang pakikitungo niya ng dumating si Hendry.
Maybe Hendry doesn't know about me and that bastard's past together with this old man in front of me. I nodded respectfully. He gave me one last glance before entering a room inside his office. Unti-unti akong lumapit sa kanya. His elbow rested on the arm of the wheelchair while leaning against the back of his palm.
I secretly started to sulk when I got near him. Tumaas naman ang kilay niya ng mapansin niya iyon. "Mr. Hendry, pilay ka ba?" Out of the blue kong tanong. Hindi ko naman inaasahan ang kanyang pagsinghap.
"Me? No! Bakit mo natanong iyan?!" Bigla niyang pagsigaw at tumayo ng tuwid. Nadanggi niya ang wheelchair dahilan para umandar ito patalikod.
Nanlaki ang mata ko ng pumunta ito sa isang mamahaling vase kung kaya't agad akong tumakbo at pinigilan ito. He looked, confusion was visible in his face. Tumingin naman ako sa kanya ng masama bago ilagay sa gilid ng kwarto ang wheelchair.
"Just curious. Hindi naman pwedeng maupo ka diyan at itulak ng isang nurse ng walang dahilan. Isa pa, hindi ba't may sakit ka kaya nandito ako?" Kahit anong pilit ko na hindi maging mataray ay hindi ko magawa.
Masyadong magkamukha sila ng bastard na yun kaya hindi ko maiwasan.
"Tinatamad akong maglakad eh. My cuteness will get tired if I started to walk duh." Sa sagot niyang iyon ay hindi mapagkakailang magkambal nga sila. Hinawi ko ang mga buhok na humaharang sa aking paningin at bumuntong-hininga. Parehas naman kaming lumingon ng may tumunog na ringtone.
"Hello?" Ayun lamang ang narinig ko dahil napagdesisyonan ko na lamang maglinis ng gamit ko kesa makinig sa pag-uusapan nila. Nang matapos ako ay hindi pa rin tapos si Hendry sa pakikipag-usap sa telepono. Umupo ako sa sofa, naglagay ng headset at naghintay ng ilang minuto. Nang maibaba na ang telepono ay inalis ko ang headset at tumayong muli.
"Huwag mo sanang mamasamain ngunit, ano ba ang sakit mo?" nagtatakang tanong ko. Mukha siyang normal para sa akin. Well, mukha lang. Hindi sa akin nakatakas ang pag-iba ng kanyang mood. Nawala ang ngisi niya at lumungkot ang mga mata. Hindi niya na rin kayang tumingin sa akin ng diretso.
"You can tell me," I said in a soothing tone kahit na labag sa aking kalooban. "Since magsasama naman tayo ng matagal." Halata ang pag-aalinlangan sa kanyang galaw ngunit wala na siyang nagawa. He sighed then sat at his father's glass table.
"L-Little patootie."
Hendry suddenly giggled. Nais ko mang magsalita ngunit hinahanap ko pa kung anong mga salita ang aking gagamitin. Napaatras ako ng kaunti at napakagat naman siya ng labi dahil doon.
"Teka! Dapat caregiver kinuha niyo!" Hindi ko intensyon na sumigaw. Dahil sa ginawa kong iyon ay lalong napalala ang sitwasyon.
Do you know what is Little Patootie Disease? No? Let me tell you what it is. Isa siyang sakit na kaparehas sa term ng 'Little Space'. Ito yung sakit kung saan bumabalik ang isipan ng isang tao at nagiging 4 years old o sa bata ang pag-iisip nito kapag sinusumpong.
"B-bwaket? D-di Bwa ko kyut?" Nataranta ako ng biglang mag-iba at manginig ang kanyang boses. Nagtutubig na rin ang gilid ng mga mata niya. He held the hem of his blue oversized sweater tightly.
"Omg!" Bago lamang ako sa sitwasyon na ito kaya hindi ko alam kung anong gagawin. Halos mahimatay na ako sa kinatatayuan ko ng may tumulong luha sa kanyang kanang pisnge.
"No, no, shhh," I tried to calm him down, still had a good distance between us but it didn't work. Lumingon-lingon ako hanggang sa nahagilap ko ang isang pacifier sa taas ng wooden cabinet. Bigla akong napamura sa aking sarili dahil sa aking height? Seriously? Makicooperate ka naman height! Dali-dali akong tumakbo sa cabinet na yun at tumalon-talon, umaasang maabot ko siya. Charowt. Umaasang mahawakan ko siya. Charowt part 2.
Bumalik ang atensyon ko sa aking ginagawa ng marinig ko ang mahinang paghikbi niya. Ni hindi ko man lang mahawakan ang dulo nung pacifier.
Sa sobrang focus ko ay hindi ko na napansin na bumukas ang pintuan ng office.
"How come you made my twin brother cry?" Isang pamilyar na boses ang nagsalita dahilan para matigilan ako.
That familiar voice...
BINABASA MO ANG
I'm Pregnant, Shan ✔
RomanceHighest Rank: Completed #21 in Teenfiction "I-I'm Pregnant,Shan." Kabado kong wika. Tumingin siya sa akin ng walang emosyon. "I don't care," sambit niya. Napahigpit ang pagkakapit ko sa envelope na aking hawak. Hindi ako makapaniwala sa kaniyang s...