Chapter 2

15.3K 294 3
                                    

Unnice's POV:

"Mhmm," Umupo ako. Pagkamulat ng aking mata ay biglang kumulo at sumakit ang tyan ko. Dali dali akong pumunta sa c.r at doon sumuka. "Ahh! I hate it when I wake up every morning!" I complained.

It's been 6 months at wala kahit isang anino ni Shan ang sumulpot. At first I thought nabigla lang sya pero seryoso pala siya nung sinabi niyang ipalaglag ang baby. But! Di ko hahayaan na makilala niya ang anak ko.

"Sakit ng tiyan ko," daing ko pa habang hinihimas ito. Biglang tumunog ang doorbell at unti unti akong tumayo.

"Saglit lang po!" sigaw ko dahil sunod-sunod ang pagdo-doorbell ng taong iyon. Dahan-dahan akong bumaba sa hagdanan. I can't even stand any longer. Nakarating na ako sa pintuan ng apartment ko. Pagkabukas ko ng pinto ay bumungad sa akin si Manly.

"Hello!" masiglang bungad nya. Manly is my bestfriend. I met him at the school field 2 months ago. Yes, pumasok ako sa school kahit na buntis ako tutal kaya ko pa naman.

Until rumors started to spread. May isang babae na ex ni Shan ang nagpakalat na buntis ako. And from that day, people started looking at me with a disgust look. They always bully. They treated me like I'm not normal.

Calling me, dalagang ina, p*kp*k and many nicknames. At first, hindi ko sila pinansin dahil yun lang naman ang kaya nilang gawin. Manghusga ng maaga. Minsan nasagot ko ang mga bullies ko. Wala eh, hindi ko napigilan.

"Lahat ng tao nagkakamali. If I were you, I wouldn't call myself a human. Why? Feeling perpekto kasi kayo. You always notice someone's mistake but you don't even have time to notice someone's greatness."

I know na hindi na ako minor de edad ng mabuntis ako but it's still wrong since I'm not ready to be a mother, let alone be a single mom. I have to admit, nagkamali ako kung kaya't sinusubukan kong makabawi. Ngunit wala pa rin silang karapatan na tratuhin ako ng ganito. Two wrongs does not make it right. Gusto ko lang naman ay tantanan ako ng mga taong hindi naman ako kilala. Ang buong akala ko ay titigilan na nila ako. Akala ko lang pala.

Until dumating na sa punto na sinasaktan na ako ng pisikal. Lagi akong umuuwi ng bahay na may bagong sugat. Wala namang gumagamot sa akin dahil wala na sila mama at papa. It's another story about that and I'm not ready to talk about it.

Isang araw, habang nasa restroom ako ng school ay isang grupo ng babae ang pumasok sa restroom na iyon. Hindi ko sila pinansin dahil alam kong ako ang pakay nila.

I recognized one of the girls. Samantha, ex din ni Shan.

I was done washing my hands. Aalis na sana ako ng hatakin nila ang buhok ko pabalik.

Bigla nilang binitawan ang buhok ko dahilan para matumba ako at mauntog sa isang sink. Ramdam ko naman ang dugo na tumutulo sa ulo ko. Hindi pa sila nakuntento at pinagsisipa pa ako. Ang tanging nasa isip ko lamang ng mga panahong iyon ay ang anak ko. Unti-unting lumabo ang paningin ko. But an unfamiliar shadow started to protect me.

And that's how Manly and I met.

'Musta ang baby?" tanong pa niya habang nakatingin sa t'yan ko.

"Okay lang siya," proud na sabi ko and I gave him two thumbs up. He chuckled but soon turned into a frown.

"Eh ikaw?" He worriedly asked.

"Still suffering from my morning sickness." Bumuntong hininga ako at pinapasok sya. Agad naman s'yang umupo sa sofa. Nagtimpla naman ako ng kape. I gave him the coffee which he gladly accepted. Tumabi naman ako sa kanya.

"Manly, I have a question." I said while fiddling my fingers.

"Ano yun?" He placed the mug on the coffee table while looking at me.

'4 months ago, you still remember that right?" halos pabulong ko tanong. Alam kong masakit balikan yung nakaraan pero curious ako. Napatigil naman s'ya sa tanong ko. Kita ko naman na unti-unti s'yang tumango.

"Yeah, fresh pa sa utak ko yung pangyayaring yun. Halos mamatay ang baby mo dahil sa mga babaeng yun. Hindi lang pala ang baby mo, pati ikaw," he said in an annoyed tone. Hindi naman mapinta ang mukha niya habang sinasabi nya yun. "Teka nga, bakit? Anong meron? "

"I was curious, why did you help me? Lahat halos ng estudyante sa school na yun ay kinamumuhian ako pero bakit mo ko tinulungan?" I eagerly asked. I really thought na wala ng tao sa school ang kakampi at tutulungan ako.

Because they are all Shan's slaves.

"Ikaw na ang nagsabi na lahat halos ng estudyante, ayaw sayo, it means hindi lahat. Duh, may anghel pa rin sa panahon ngayon, hindi lang halata," pagbibiro pa niya pero hindi pa rin ako kumbinsido. "Manly..." I warned. Nanliit ang mata ko and my lips turned into a thin line.

"Okay fine." He surrendered. "I was following you when the rumor started."

"Like a stalker?"I asked.

"Like a stalker." agot niya. Pero bakit? "Okay don't give me that look, I'll answer why..."

"Like I've said earlier, sinusundan kita nung kumalat ang balita. At first balak sana kitang tulungan but I was scared of the consequences. Nabully na ako dati, ayoko ng mangyari ulit yun. Hanggang sa nagulat ako ng saktan ka na nila ng pisikal. And as I saw what the girls did to you 4 months ago in the restroom, may isang pangyayari ang nagflash sa isipan ko...

Yung pangyayaring iyon ang nagtulak sa akin para tulungan ka...

Why? Kasi yun yung nangyari sa nanay ko nung pinagdadalang tao niya ako. Nung araw na pinanganak niya ako ay ang araw na nawala s'ya sa mundo. Sabi ng doctor, dahil daw sa mga sugat na natamo ng nanay ko. Kaya yun, tinulangan kita dahil ayokong may mangyari ulit na ganon, I know na ex ka niya at I know na hindi ka tatantanan ng iba pang ex niya..."

"I'm so sorry," tanging sabi ko lamang. Ngayon ay malinaw na sa akin ang lahat. Binalot naman kami ng katahimikan. Nakokonsensiya ako na binalikan pa namin ang nakaraan niya. He grabbed the mug of coffee and sighed.

"By the way, kaya pala hindi ko na nakikita si Shan sa School, nasa ibang bansa na pala s'ya." Sabay higop niya ng kape. I frosted when he mentioned that jerk's name.

Nasa ibang bansa na s'ya?

As if I care.

"Are you sure na hindi mo sya ipapakilala sa ama nya?" He asked, pointing at my belly. Tiningnan nya ako ng seryoso.

"Manly, wala siyang karapatan para makilala ang anak KO. Matapos nya akong iwan. No thanks. All boys are the same," I said bitterly. Totoo naman eh. I'm not bitter, I'm just stating the fact.

"Kapag ang babae nasaktan, lahat ng lalaki pinagbibintangan."

"At kapag ang lalake nasaktan, lahat ng babae paglalaruan," sagot ko sa kanya. Napairap naman s'ya sa sinabi ko. "Why? Truth hurts right?"

"Shut up, at least the truth is the truth." Anudaw? Umiling nalang ako at tumayo.

"Where are you going?" He asked, confused.

"To my bedroom.," I answered.

"Where are you going?"Tanong ulit niya. Nakakainis s'ya. Hindi ko sasabihing minsan lang. "Really? Ginagaya mo na si Dora?" I said while crossing my arms. He just shrugged. Nagsimula na akong maglakad. Maya maya pa ay bigla akong nahilo, natumba ako at napakapit ako sa damit ni Manly.

"H-hoy anong problema?" He held my arms tightly.

"I-I cant breathe," I said between my pants. Kumikirot ang ulo ko.

"Hey! Be strong! Hindi ko alam na allergic ka sa kanta ni dora!" Nakuha pa niyang magbiro sa kalagayan k-

"Aray!" daing ko pa.

And the last thing I knew,everything went black.

I'm Pregnant, Shan ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon