Chapter 24

7.8K 175 5
                                    

Unnice's POV:

"Great, another day of dealing with a monster," I mumbled as I entered the hospital. At this point ay hindi ko na tinanong kung nandito na ba si Hendry at dumiretso na lamang sa cubicle ko. I changed into my uniform and head my way to Hendry's room. This time, I have a scalpel in me. And no! Hindi ko ito gagamitin sa kanya. For emergency purposes lang.

Kumatok ako sa kulay baby blue na pintuan at naghintay. Nang walang sumagot ay napagdesisyunan ko na lamang na pumasok na sa loob. Surprisingly, hindi ito nakalock kung kaya't binuksan ko na ang pinto. I peeked inside and saw the bed was empty.

I entered the room and closed the door. Tiningnan ko na rin yung c.r sa room ngunit wala si Hendry. The place gave a peaceful vibe and the decor was so pleasing. Umupo ako sa kama at tiningnan ang aking cellphone. I sent a quick text to Hendry, informing him I was here. Hopefully, bumalik na s'ya sa katinuan niya.

Here's the thing about LPD. The person having it can either control it or not. Sa case ni Hendry ay hindi niya kaya kung kaya't kapag sinumpong siya ay may posibilidad na magtagal ito ng ilang minuto lamang o di kaya oras. Maaari rin itong magtagal ng ilang araw o di kaya naman kapag malala na ay ilang buwan.

"Oh, you're already here." Napatingala ako nang may marinig akong boses mula sa pintuan. Our eyes met for a second before he looked away.

"Yeah. I informed you 8 minutes ago," sagot ko at tumayo. Nakahinga naman ako ng maluwag nang mapansing bumalik na siya sa normal self niya.

"I forgot my phone somewhere. Sorry," he mumbled, blushing slightly in embarassment.

"No, that's okay. You're already here so..." I bit my bottom lip.

Great, now we're stuck in an awkward silence. "I'm sorry," he said again. Napataas naman ang mga kilay ko. He's apologizing for what?

"Para saan?" mahina kong tanong. Napakamot siya ng kanyang leeg bago saglit na tingnan ako. "Kahapon. Nung hindi kita na tulungan kay Shan. At para na rin sa pagiging coward ko dahil mas pinili ko ang side ng kambal ko." Napangiti naman ako because of how genuine he is.

"I understand. You were in your LPD. Pero paano mo natandaan iyon?" naguguluhang tanong ko. I know that he won't remember anything but the last even happened to him before turning back to his real self.

"I already turned back to my normal self when I yelled at both of you to shut up. Pinanatili ko na lamang ang akto ko at alam kong kapag pinili ko si Shan ay matatapos na yung away niyo at makakaalis ka na mula sa kanya. And that will give me the opportunity to talk to my twin about something important," paliwanag n'ya pa at nalinawan na ako. I hummed and nodded slowly.

"He didn't hurt you, did he?" Hindi ko maiwasang maitanong dahil naalala kong naiwan silang dalawa.

"Nope. Hindi n'ya ako magagawang saktan lalong lalo na kapag nasa pace ako ng LPD ko. But that doesn't mean na wala akong natanggap na few inappropriate words mula sa kanya," he said and walked towards me. Tiningnan ko naman ng palihim ang katawan n'ya, sinisiguradong wala itong mga pasa o sugat. "But thankfully, bumalik na ako sa sarili ko nung time na iyon kung hindi ay magmumukha akong asong pinapagalitan ng amo pagnagkataon."

"Glad to hear that," I replied. He sat up on his bed and I turned around to look at him.

"And Hazel said she wants to talk to you," dagdag niya. Huh? What does that girl want from me? "Really? By her past treatment towards me, mukhang hindi siya magtatagal kasama ako sa iisang lugar," I sarcastically retorted. He looked up and spared me a glance before he heave sigh.

"That's because ganun lang talaga siya. But I have to say, mukha ngang malaki ang galit niya sa iyo. Hindi ko lang mapinpoint kung bakit," he agreed and I rolled my eyes. "At isa pa, I don't know why but there's always a tension whenever the two of you meet."

"That's not my fault. Hindi ako yung tumitingin ng masama na sa iba na para bang pinapatay na n'ya ako sa isip n'ya. Hazel st-"

'No, I'm not talking about you and Hazel anymore," bigla niyang saad dahilan para mapatigil ang bunganga ko.

"Huh?"

"I'm talking about you and Shan," seryoso niyang sabi. Napaiwas naman ako ng tingin. "I don't know kung nagkita na ba kayo noon pero parang sa tuwing nagsasama kayo ay ramdam ko na parang masama ang loob niyo sa isa't isa. I already felt that when the three of us met for the first time."

So, Hendry doesn't know a thing. Hindi niya alam kung gaano kasama ang kambal niya para iwanan ang pamilya niya. Hindi niya alam na may anak na yung kambal niya at hindi niya alam na gusto pa itong ipapatay ng halimaw na iyon.

Hendry doesn't know a thing and I should keep it that way.

"Duh. Kung love at first sight exists. May hate at first sight din noh. Para fair," pagbibiro ko sa kaniya but clearly, he wasn't pleased by my answer.

"Anyways, let's set aside our personal life and talk about your condition," pag-iiba ko at walang pag-aalinlangan na sumang-ayon si Hendry.

***

"Kevin," tawag ko pagkabukas ng pintuan ng bahay. Bumungad naman sa akin sila Kevin at Manly na nakaupo sa sofa, nanonood ng Kdrama.

"Hello po Mommy!" He greeted me once he saw me. Bumaba naman ito sa sofa at tumakbo papunta sa akin. Lumuhod ako at agad niya akong yinakap at hinalikan sa pisngi.

"Hey," pagbati ko kay Manly na tutok na tutok sa panunuod. Saglit niya akong tiningnan at ngumiti bago ibinalik ang atensyon sa t.v. "Guess you two didn't cross paths today," sambit n'ya. Umupo ako sa tabi ni Manly habang nasa lap ko naman si Kevin.

"Yup, and it's a relief," mahinang sagot ko.

"Good for you at hindi ka bad mood ngayon," he teasingly said. Bigla namang humikab si Kevin at sumandal sa akin. Slowly, he closed his eyes. Sampung minuto ang nakalipas ng marinig ko ang soft snores mula sa anak ko.

"I'm gonna tuck Kevin in his bed," pagpapaalam ko kay Manly at tumango lamang siya. Dahan-dahan kong binuhat si Kevin at tinahak ang daan papunta sa kwarto. I put him in his bed carefully and put a blanket around him. He cuddled his stitch plushie and I smiled softly. Hinalikan ko ang kanyang noo.

"Goodnight," bulong ko at bumalik kay Manly.

"You know, may nakita akong hindi maganda kanina," panimula niya nang makarating ako sa sofa.

"Repleksyon mo?" pang-aasar ko. Napairap naman s'ya. "Hindi, ikaw," balik n'ya at tumawa ako ng mahina.

"Ano ba yun?"

"Well, nakita kong may tatlong bata ang kausap ni Kevin kanina." Bigla akong naging seryoso. "And what happened?" I angrily asked.

"Narinig ko ang pinag-uusapan nila," Manly sadly said. "Inaasar nila si Kevin na hindi kumpleto ang kanyang pamilya."

"What do they mean hindi kumpleto?! Meron s'yang ina, tito, at ate Jaine niya!" pagdadahilan ko.

"Pero wala siyang ama." I frozed in my spot. Biglang nanikip ang dibdib ko at tila ba nawalan ako ng boses.

"Sabi pa ng mga bata na ang isang pamilya ay may anak, ina, at ama. Pinapamukha nila kay Kevin na iba siya sa mga bata. Don't worry, agad ko silang inawat. Pinagsabihan ko na rin yung mga bata. Sinabi naman sa akin ni Kevin na ayos lang sya kahit ramdam ko na hindi. His smile and eyes says otherwise. Just that, hindi natin maiiwasan na isang araw, kahit na may galit ang anak mo kay Shan. Kahit nagpapanggap yung anak mo na ayos lang sIya. Hahanapin nIya pa rin yung kalinga ng isang ama." I bit my lip and I can feel my eyes stings. Itinuon ko ang aking mata sa telebisyon ngunit ang atensyon ko ay nasa sinabi ni Manly pa rin.

"The thing is, kahit na alam kong parte ako sa pagtatago kay Kevin mula kay Shan, this hide and seek won't last forever. Malalaman at malalaman din ni Shan dahil maliit lang ang mundo, nagtagpo na sila ng isang beses. Walang makakapagsabi na mauulit ba iyon o hindi na."

I'm Pregnant, Shan ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon