Unnice's POV:
Nasa tapat na ako ng West Hospital. Pagkalagpas ko ng gate ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Pakiramdam ko ay may mga paru-paro na lumilipad sa aking tiyan. "The last time I'm here, this was just an ordinary hospital but now." I paused. Stopping beside the glass door. "Everything changed."
Hindi mapagkakaila ang laki at ganda ng hospital sa aking harapan. Tila ba parang 5 star hotel ang disenyo nito. Isang red carpet ang bubungad mula sa gate papasok sa loob. Kitang-kita ko rito ang isang chandelier na kumikinang-kinang sa gitna ng reception. Sa sobrang linis ng salamin ay kita ko na ang aking repleksyon.
"Baka pasukan ng Musca Domestica." Napatalon ako ng very very slight ng sumulpot sa tabi ko si Lhoyd. Dala-dala niya ang mga gamit ko. Inutusan kasi siya ni Doctor Wein upang ihatid ako rito.
"Musca Domestica?" Nakakunot noo kong tanong. Sarap nyang ilublob sa brain cells ko sa dami nyong alam. tsk.
"Duh. Nasa mamahalin tayong hospital. Musca Domestica is a scientific name of langaw or fly. You need to act professional since you're gonna work in this kind of fabulous place." I scowled while he kept ranting. Kahit na gusto kong pakinggan ang nirereklamo ni Lhoyd, hindi ko magawa dahil sa kaba na nararamdaman ko.
Tumigil na siya makalipas ang sampung minuto. Napansin niya kasi ang aking kinikilos kung kaya't naging seryoso na siya. He knows me well. "So you're ready?" tanong ni Lhoyd sa akin. I can sense concern in his voice but I shrugged it off. Ibinigay niya ang bag ko at ang aking coat.
"Ofcourse I am," I confidently answered. Yet and yet, I still can't stop thinking about him. Tumango siya bago tumingin sa paligid.
Binigyan niya ng oras ang sarili niya upang pagmasdan ang kagandahan ng hospital habang binigyan naman niya ako ng oras para makapaghanda. When he already gave me enough time to get ready, he stepped in the front glass door and it automatically opened.
My jaw dropped when I got inside. It's no joke that this place is opulent. The way everything shines while I took a step is breathtaking. Hindi ko na napansing napahinto na si Lhoyd kung kaya't nabunggo ako sa likod niya. "Huwag kang masyadong madistract sa clinic ko. Maliit palang to kumpara sa totoong hospital ko," pagmamayabang pa niya. I chuckled lightly.
Kumatok siya sa isang malaking pintuan na kulay tsokolate. Binuksan ng dalawang men in black ang pintuan at isang lalaki ang bumungad sa amin.
His looks are younger than his age. Ang pagkakaalam ko ay 55 years old na siya pero ang itsura niya ay hindi lalayo sa 30 years old. He was also wearing a blue suit with a red neck tie. His hair was neatly fixed and his fading blue eyes is looking straight at us.
"Goodmorning, Mr. West," Lhoyd greeted Mr. West politely or should I said, Lhoyd greeted SHAN's FATHER politely. Dumoble ang paggalaw ng paru-paro sa aking tiyan. Tila ba masusuka ako ng anumang oras.
"Goodmorning, Mr. Kim and Welcome Doc. Lee." Kahit na labag sa aking kalooban, bilang respeto ay tumingin ako sa mata niya. I respectfully bowed behind Lhoyd.
"I think it's time para bumalik na ako sa Patient Hospital. Nice meeting you, Mr. West," paalam niya. Tumalikod siya at huminto sa gilid ko. "Ikaw na bahala, Doc. Lee. Cheer up! Fighting!" I gave him a small smile then he left the room completely. Pinaalis na rin ni Mr. West ang men in black niya kung kaya't naiwan kaming dalawa rito. Katahimikan naman ang bumalot sa amin habang awkward akong nakatayo sa kanyang harapan.
"Long time no see, Unnice." Nararamdaman ko ang matinding tensyon na nakapaligid sa amin. Hindi ko alam kung bakit nahihiya ako. Naalala ko ang huling nangyari sa aming dalawa. Sa kanya ko unang pinaalam na buntis ako dahil wala na akong ama. Akala ko ay magagalit siya ngunit tinanggap niya ang kanyang apo. Not until that bastard ruined everything.
"Long time no see too, Mr. West." pormal kong saad.
"Don't act formal, Unnice. We already knew each other." He smirked. Kahit sa pagngisi niya ay hindi maitatago ang lungkot sa kanyang mata.
I looked away, and didn't want to feel guilty towards them.
"Sorry, Mr. West. Excuse my words but from all I know, I'm here to take care of a patient. Not to talk about things in the past. Huwag niyo po sanang mamasamain ngunit maaari po bang magpanggap nalang po tayo na hindi tayo magkakilala," hiling ko. Kahit na malaki ang galit ko sa kanila especially sa kanya ay kailangan ko pa ring rumespeto.
Maaari ngang nawasak niya ang perlas ko pero hindi ang aking pagkatao. Ano siya? Alak? Na kapag nasobrahan, nakakatanggal ng damit at nakakapagbunyag ng totoong baho? Never!
"As you wish Unnic- I mean Doc. Lee," sagot nito kung kaya't bumalik ako sa ulirat. Kinuha niya ang telepono at nagsimulang magtipa ng numero. Hindi ko naintindihan ang pinag-uusapan nila ngunit ramdam ko na tinatawagan niya na ang pasyenteng aalagaan ko.
"They will be here in a minute. Take a seat, please," sabi nya at inayos ang kaniyang magarang suit. Umupo ako sa malambot na sofa malapit sa pintuan. Wala akong balak na umupo malapit sa kanya dahil madadagdagan lamang ang tensyon. Wala akong nagawa kundi maghintay habang siya ay may tinitingnan na mga files.
Maya maya pa ay tumunog ang elevator. Diba ang gara, may elevator sa loob ng office. Agad akong napatayo ng dahan-dahan itong bumukas. Ramdam ko ang pag-init ng aking mukha ng iniluwa non ang isang lalaking nasa wheelchair.
*insert slow motion. JOKE*
He was looking at me with his dull eyes. Maingat na tinulak ng nurse ang wheelchair papalapit sa kay Mr. West. Mr. West beckoned me to come closer but my feet were glued in the floor.
"T-teka," bulong ko. Pumikit ako ng dalawang beses, nagbabakasakaling namamalikmata lamang ako. He's not uttering a word but he send chills in my spine.
H-He is..
H-He is my patient?
Shan is my pa-
"Meet Hendry West, your Ex's twin brother. I mean Shan's twin brother."
Tuluyan na akong napako sa kinatatayuan ko habang nakatitig sa lalaking nasa wheelchair. I was not dreaming right?!
Napatingin ako kay Mr. West at bumalik sa lalaking 'yun. Teka? Anong nangyayari?!
HUH?! May kakambal siya?!
BINABASA MO ANG
I'm Pregnant, Shan ✔
RomantizmHighest Rank: Completed #21 in Teenfiction "I-I'm Pregnant,Shan." Kabado kong wika. Tumingin siya sa akin ng walang emosyon. "I don't care," sambit niya. Napahigpit ang pagkakapit ko sa envelope na aking hawak. Hindi ako makapaniwala sa kaniyang s...