Unnice's POV:
"Mommy!" Kevin immediately greeted me as I opened the door. I'm still tense from what happened earlier. I'm not gonna lie, right when I saw his face again, memories of the past flashed through my mind. It pained me but I'm not gonna show it to him.
Ipaparandam ko sa kanya ang depinisyon ng pagsisisi.
"Hello baby, how was school?" tanong ko. I crouched and put him in my arms. Kinarga ko siya at dahan-dahan kaming umupo sa kama, with Kevin sitting on my lap while smilling genuinely.
"Binigyan ako ni Teacher Kim ng stars dahil natapos ko po agad yung pinapagawa at perfect score po ang nakuha ko," he said, showing his arms marked with five stars. Agad akong napangiti at saglit na nakalimutan ang isyu kaninang umaga.
"Very good! Dahil diyan, may award kang cookies and milk bago matulog." By that announcement, he started to squeak and jump in excitement. "Thank you po hihihi."
"Just for my baby." I tickled him and he started to burst into laughter. Tumigil agad ako ng alam kong mawawalan na siya ng hininga. Napataas naman ang kilay ko nang biglang nagbago ang ekspresyon niya at ngumuso.
"Anong problema? May iba ka pa bang gusto bukod sa cookies and milk?" I asked, voice laced with worried. I don't usually spoil him but he did a very good job so it's a reward after all. Ngunit umiling siya at lalo pang tumaas ang aking kilay.
"May nagsabi po sa akin na sa iba ka na daw pong hospital nagtatrabaho." Hindi pa rin nawala ang pout nya. Kumalma naman ako at bumuntong-hininga.
"Sino nagsabi sa iyo yan?" I asked.
"Si Tito Manly po. Balak ko po kasing puntahan kayo pagkatapos ng school kaso sabi po ni Tito Manly ay magiging busy ka dahil kakatransfer niyo lang po ng Hospital," he explains, playing the hem of his t-shirt. "Anong pangalan nung hospital Mommy?" He suddenly asked. Bumalik naman ang tensyon sa katawan ko. Hindi ko mapigilan ang pagdadalawang-isip.
"Ah eh s-sa." I started to find the right word. I mean what's the point of lying? And besides, hindi naman niya kilala si Erhm si S. "Saan po?" Alam ko na hindi siya susuko at alam ko rin na pupunta rin naman siya sa lugar na iyon. Pero kahit na, hahanap ako ng dahilan para hindi pumunta si Kevin sa lugar na iyon.
"Sa West Hospital." Pinilit kong itinago ang pagiging tense ko sa pamamagitan ng aking pagngiti. Binuhat ko muli si Kevin at pumunta sa kusina para magluto.
"Momm, talaga po? West din po ang apilyedo nung may ari ng Taiga School!" Napatigil ako saglit dahil dun. I've never known the school yet. Sadyang dun lang namin pinaenroll si Kevin dahil base kay Manly, maganda ang edukasyon doon.
"Huh? Sino?" I asked, hoping he wouldn't say that bastard's name. Afterall, baka kasing apilyedo lang nila iyon. Ibinaba ko si Kevin at inupo sa stool. I started to prepare our dinner.
"Si Mr. Shan West po! Binanggit po samin yun ni Teacher Kim. Bumalik na daw po yung may ari ng school galing ibang bansa at bibisita po sa amin si Mr. Shan." Half of me expected na siya ang babanggitin ni Kevin ngunit bakit nagulat pa rin ako ng banggitin talaga ni Kevin ang pangalan na iyon..
Shit, paano kung magkita yung dalawa?
"It can't be," bulong ko sa aking sarili. Sinusubukan kong kumbinsihin ang sarili ko na imposibleng magkita ang dalawa dahil malaki ang school na iyon at maraming bata ang nasa paligid. Right, imposible. "Mommy, nasusunog na po yung niluluto n'yo!" I jumped slightly in surprised. Napunta ang atensyon ko sa kawali at isdang malapit ng masunog. Agad kong pinatay ang apoy at huminga ng malalim.
Unnice! Get your shits together.
"Mommy, may problema po ba?"
"I'm fine, baby," sagot ko agad ng may ngiti. Hindi naman kumbinsido si Kevin ngunit bago pa siya magtanong ay biglang tumunog ang aking cellphone.
"Wait ka lang dito, okay? Sasagutin ko lang to." Tumango si Kevin at lumayo ako sa kusina.
"Hello?"
"Beshy!"
"Ano?" mahina kong tanong ngunit ramdam pa rin ang inis sa tono ko.
"Luh, sungit naman nito. Nagkita na kayo ng destiny mo noh?" pang-aasar pa ni Manly na lalong nagdagdag ng inis ko.
"Destiny, Destiny. Matitigok din naman."
"Bitter mo besh, I heard that may kambal si Shannie at ayun ang aalagaan mo."
"At saang lupalop ng mundo mo naman iyan nakuha? Chismoso mo. At bakit hindi mo sinabi na ang halimaw na yun ang may ari rin ng Taiga School?" bulong ko, ayaw kong marinig ito ni Kevin at magtanong muli.
Kevin is a curious child.
"Well, hindi ko alam yun nung una. Nalaman ko lang nung nakapasok na si Kevin. Hindi ko na rin sinabi sayo para hindi ka mastress sa paghahanap ng bagong school." He pointed out. Napairap naman ako. Great, mukhang wala akong magagawa.
"Bakit ka nga pala tumawag?"
"Y'know, since alam ko na stress ka dahil sa halimaw mo. Why not loosen up? Sa Sunday, gala tayong apat nila Kevin," Manly suggested. Napaisip naman ako.
I sighed and closed my eyes.
"Sure."
***
–1 week later–
Third Person's POV:
"Are you in a little patootie now?" tanong ni Shan sa kanyang kapatid dahilan para tingnan siya ng masama ni Hendry. Kasalukuyan silang nasa office ni Shan sa Taiga School. Ang office niya ay sa pagitan ng guidance office at principal's office.
"Shut up, malalaman mo naman na nasa little patootie space na ako kapag nauutal at nagpapa-cute ako," inis na usal ni Hendry.
"Swerte mo," Shan said, then pouted.
"Bakit? Atsaka wag ka ngang ngumuso. Mukha kang bibe," pang-aasar ni Hendry dahilan para batuhin siya ni Shan ng ballpen. "Isipin mo, doktor mo yung pinakamaganda at pinakamabait na doktor sa buong mundo," Shan said shamelessly.
"Sino? Si Doc. Lee? Mas maganda pa rin si Doc. Jaine," pagmamayabang naman nung isa. Matapos nilang magbangayan ay lumabas muna si Shan para magpahangin. It's been 6 years since nakapamasyal siya dito and he can say there has been a lot of improvement ever since.
Alam na rin ni Shan na sa kaniya mapupunta ang school dahil hindi makakapagmanage si Hendry due to his condition. May program namang magaganap bukas upang icelebrate ang pagbabalik niya at magset na rin ng activities sa mga bata. Habang distracted si Shan sa paligid ay hindi niya napansin ang isang batang natakbo sa kanyang direction. Nagulat ang lalaki ng maramdaman niyang may nabangga siya. More like, may nakabangga sa kanya.
"Sorry po Mr!" Humingi agad ng tawad ang bata. "Its okay." Usually, Shan will dismissed it pero naintriga siya ng mapansing may pagkakahawig ang bata sa kanya.
"Anong pangalan mo, little boy?" Shan asked curiously. He kneeled down and now they are on the same level.
"I'm Kevin Cryster," he introduces himself. Shan was about to ask his surname pero naputol iyon ng may dumating na isang lalaki. There is only one question running through Shan's mind.
'Who is he?'
BINABASA MO ANG
I'm Pregnant, Shan ✔
Любовные романыHighest Rank: Completed #21 in Teenfiction "I-I'm Pregnant,Shan." Kabado kong wika. Tumingin siya sa akin ng walang emosyon. "I don't care," sambit niya. Napahigpit ang pagkakapit ko sa envelope na aking hawak. Hindi ako makapaniwala sa kaniyang s...