Chapter 33

5.4K 100 0
                                    

Unnice's POV:

Gumising ako ng masakit ang aking ulo at mga mata. Dahil lang naman sa mga nangyari kagabi. Agad akong naghilamos at humahanap ng irarason kay Kevin pagnakita nyang namumula ang mata ko.

Nang makababa ako ay bumungad sa akin si Kevin na tahimik na nanonood ng spongebob habang nakahiga sa sofa. Balak ko sanang tumabi sa kaniya nang may kumatok sa pinto. Napaupo naman si Kevin at napatingin sa pintuan. He was about to jump off of the sofa and run towards the door when he noticed my presence.

"Goodmorning Mommy!" bati niya sa akin at ibinalik ko iyon. Hindi na siya nag-abalang tumayo at humiga muli bago ituon ang atensyon kay spongebob. Ako naman ay tinahak ang daan papuntang pintuan. Nang buksan ko ito ay bumungad sa akin si Manly at Jaine na malapad na nakangiti.

"So, narinig kong nagbonding ang West family kahapon," Manly teasingly said while wiggling his eyebrows.

"Huh? So what kung nagbonding sila Hendry at ang pamilya n'ya?" I asked, fully confused. Sabay namang napairap yung dalawa. Nagtaka naman ako sa inaasta nila. May nasabi ba akong mali?

"We meant you, Shan and Kevin, idiot."

Napaiwas ako ng tingin at nanahimik. Sari-saring emosyon ang nararamdaman ko simula pa kahapon. I don't know how to respond anymore. Napansin naman ni Jaine ang pag-aalinlangan ko. She coughs awkwardly before walking inside the door.

"Kevin, may pasalubong ako," bungad Manly. Agad namang sumulpot ang anak ko sa harapan niya.

"Yay!" Habang nililibang ni Manly si Kevin, hinila ako ni Jaine papuntang kusina. Base sa pagbabago ng mukha niya ay may seryoso kaming pag-uusapan. Sumilip siya kung tanaw ba kami nila Manly mula dito at nang malamang hindi, hinarap niya na ako.

"Alam kong alam mo na ang kalagayan ni Shan kaya binigyan mo siya ng isa pang tyansa kahapon," mahinang saad niya. Huh, anong ibig niyang sabihin?

"Teka, sinong may sabing binigyan ko siya ng tyansa?" I left the boquet of tulips on the road last night. There's no second chance in my book.

"Hindi ba't nagbonding kayo kasama ng anak niyo? Alam kong ginawa mo iyon dahil sa kalagayan ni Shan at kapakanan ni Kevin, I'm p–"

"Jaine, hindi kita maintindihan. Napilitan lang ako kahapon kaya nangyari iyon. Nalate ako sa performance ni Kevin at pagkarating ko, kasama na niya si Shan sa stage. Gusto ko man umuwi ngunit pinangakuan niya si Kevin at hindi ako makatanggi sa aking anak kaya nangyari ang kahapon," pagkaklaro ko.

"Ibig sabihin, hindi mo alam ang tungkol kay Shan?" Umiling ako dahilan ng pagbuntong hininga niya.

"Anong meron kay Shan?" bulong ko. Hindi na ako makahabol sa mga pangyayari.

"Wala ako sa lugar para sabihin sa iyo iyon. Akala ko ay alam mo na kaya...." Sasabihin ko pa sana kay Jaine na ituloy ang gusto niyang iparating ngunit sumulpot si Kevin, mata ay umiiyak.

"Mommy, totoo po bang si Mr. Shan ang tunay kong papa?"

Nagkatinginan kami ni Jaine. "Saan mo iyan nakuha Kevin?"

"Kay Tito Manly po." Saktong pagkasagot ni Kevin ay paglitaw ni Manly na nakagat sa labi. "Akala ko alam na niya kaya magkakasama kayong tatlo kahapon."

Give me a break.

***

Matapos ang dalawang araw ng kaguluhan at masinsinang usapan, napagdesisyunan kong subukan muli. Ngayong alam na ni Kevin ang lahat at nais din ng anak ko ang suporta mula sa kanyang ama, pumayag na akong bigyan ulit si Shan ng isa pang tyansa. A second chance for him to be a father and not a husband to be clear.

Katahimikan.

Isang salita na mailalarawan ko sa pagitan namin ni Shan sa loob ng kotse habang papunta sila sa Taiga School. Ni isa ay walang nagsasalita kung kaya't pinindot ko ang radyo. Nang ibunyag ko kay Shan kahapon na bibigyan ko siya ng isa pang pagkakataon, labis ang tuwa niya na hindi niya naiwasang hagkan ako. Ngunit agad kong nilinaw na wala na kami. Na ginagawa ko lamang ito ayon sa kahilingan ni Kevin. Kahit halatang gusto niyang magprotesta ay tinanggap niya na lang.

"Magandang magandang aftie sa inyo, mga listeners! Talaga nga namang maraming tao ang nagkakamali sa panahon na ito. Ngunit paano naman ang iba na deserve ang second chance? Ayun naman oh! Let's all hear the song 'Maybe This Time' by Michael Martin Murphey dito lang sa 4.13 radyo fm!

Bago pa man umabot sa chorus ng kanta ay agad kong pinatay ang radyo. Saglit akong tiningnan ni Shan. "Is there something wrong?" tanong niya

"Ah w-wala," sagot ko.Mukhang nagdalawang isip pa si Shan kung tatanungin pa ba niya ulit ako ngunit sa huli ay nanatili na lamang siyang nanahimik. Ang dahilan kung kaya't pinatay ko ang radyo sapagkat ang kantang tumugtog ay dati naming ginagawang biro. Lagi kaming gumagawa ng senaryo na kapag nagkahiwalay kami ay magkakabalikan muli at ayun ang magiging theme song namin. Nakakatawa, tsk.

"Nandito na tayo," Shan announced. Bumaba si Shan at dali-daling binuksan ang pinto at inalalayan ako kahit hindi kinakailangan. Tinanggap ko na lamang ang pagiging gentleman niya at pumasok kami sa loob ng office.

"Hindi pa nila uwian. Magpahinga ka muna if you want. Tatapusin ko lang ito," paliwanag ni Shan at umupo ng prente sa kanyang upuan at sinimulan ang trabaho niya.Tumayo ako at pumunta sa isang kwarto ng office kung saan naglalaman ng higaan at isang cute na cabinet. Pumasok ako sa loob at sinarado ng marahan ang pinto. Ako'y umupo sa malambot na kama at tinitigan ang cabinet na nasa aking harapan. It's like a siren luring a clueless pirate.

"Ano kayang laman nito?" bulong ko sa aking sarili. Alam kong wala akong karapatan na mangielam ngunit umiral ang aking kausiyo-sohan. Lumapit ako sa cabinet at dahan-dahang binuksan ito. Isang brown folder lamang ang laman nito. Kinuha ko iyon at binuksan.

Kumunot ang aking noo.

"Teka, certificate ito ng health problem ah. Hindi naman ito kay Hendry."

I'm Pregnant, Shan ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon