Special Chapter

3.8K 51 6
                                    

Unnice's POV:

"Uhmm Unnice?" Natigilan ako sa pagpaplantsa ng tawagin ako ni Shan. Pinatay ko muna yung plantsa at tumingin sa kanya. I can see my reflection in his eyes. Gosh, para akong nag-alaga ng sampung sanggol. Gulo-gulo na ang damit ko at oversized pa. Yung buhok ko parang sinabunutan ng sampung Manly.

Hayst, I missed them....

"I think kailangan na nating dalhin si Kevin sa clinic." He lowered his head while fiddling his fingers. Bakit para siyang bata?

"Akala ko okay na siya. Wait, pinainom mo na ba s'ya ng gamot?" Tumango s'ya ngunit hindi pa rin natingin sa akin. Kung naging doctor lang talaga ako. Kaso nakalimutan ko lahat ng natutunan ko sa panaginip ko. I still didn't tell Shan what happened in my dreams.

Loko-loko siya at alam kong may gagawin s yang pranks pagnakagkataon.

"Ilan na ba ang body temperature n'ya? Napapraning ka lang," aad ko at binuksan ulit yung plantsa. Pinagpatuloy ko ang ginagawa ko pero hindi pa rin siya nagsasalita. "Shan, magsalita ka naman, kinakabahan ako sayo eh," imik ko. Saglit akong tumingin sa kanya and he was just scratching his head.

"I d-dont know how t-to use a thermometer."

"Shit," bulong ko. Muntikan na akong mapaso ng plantsa sa sinabi niya. Agad naman siyang lumapit sa akin.

"Okay ka lang?" nag-aalalang tanong niya habang nakatingin sa kamay ko. Nakatingin naman ako sa ulo niya at gustong gusto ko yun sapukin.

"Ikaw ang dapat na tanungin ko n'yan. Uhmm hello? Tatay ka na, di mo pa rin alam ang paggamit nun?" Napasapo ako ng aking noo.

"Look, I don't have time to learn that thing. Beside hindi ko naman kailangan yun sa buhay ko. May personal doctor ako. At I believe is time is gold which means time is money. You have no rights to judge me because I'm the only heir of the family. Alagang alaga ako to the point na hindi ko na kailangan ng stick na yun para malaman kung may sakit ako. Bes-"

"Shut up, ano ang heir? " tanong ko sa kanya. Tsk, parang nang-iinsulto siya nung sinabi niyang may personal doctor s'ya ah.

"B-Bakit? Kailangan ko pa ba yang sagutin?" Confident niyang sabi.

"Malamang, heir ka diba? Anong ginagawa ng heir?" Tanong ko pa. Basically, nagsasagutan kami gamit ang mga tanong.

"Fine, naririnig ko lang sa usapan nila Dad. Malay ko ba. Basta heir ako," sagot ni Shab.

"A father that soon will be an heir that doesn't know how to use a thermometer," pailing-iling kong sabi.

"Just teach me how to use it," naiinis niyang utos. Wow, ang kapal naman ng face nitong boy.

"Saksak mo sa pwet mo para malaman mo," sarkastiko kong turo. Bigla naman niyang hinawakan ang belt niya dahilan para manlaki ang aking mga mata.

Why is Shan so idiot?!

"Anong ginagawa mo?!" sigaw ko which means bad decision. Hula ko, nagising si Kevin.

"Sabi mo isaksak ko sa pwet ko." Pinigilan ko ang balak niyang gawin..

"Pakikuha nalang ng kutsilyo at pakisaksak sa ulo mo, baka magkaroon ng intelligent cells yang utak mo," utos ko ulit. Tumingin siya sa akin na para bang may pinatay ako.

"No way! Paano na lang kung hindi ako mabuhay sa gagawin kong yun? Marami pa akong pangarap sa buhay na hindi pa natutupad. Marami pang tao ang nagnanasa sa akin. Kawawa naman sila kung hindi sila mabibigyan ng oportunidad na makita at maha-"

"Shan, I don't need your explanation and useless imagination,' bored kong sabi para matigilan siya.

"Mommy? Appa? Bakit ang ingay n'yo po? Gabi na, paniguradong inis na inis na sa atin ang mga tsismosang kapitbahay natin," sabay kaming napalingon kay Kevin na halatang kakagising lang. He was cutely scrubbing his eyes while pouting.

I'm Pregnant, Shan ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon