Zaffy's POV
"Zaffy!!! Bilisan mo na jan! Lagot ka na naman pag na una yun dun sa dining room." -Ate Joan
"Ready na nga ako ate. Punta na ako dun."
Dali dali akong umakyat ng hagdan papuntang dining room. Mahirap na ma una yun at mapag initan na naman ako. Sinong yun?
"You're late. Again."
Speaking of the devil na naka upo na sa dining table at ang sama ng tingin sa akin. Sino siya?
Before introducing this bastard, magpapakilala muna ako at kung bakit nandito ako sa harap ng pangit na to.
Flashback
I'm Zafia Leanette Santos. Zaffy na lang po. Kakatapos lang ng graduation ko in high school. Masaya ako at sa wakas naka tapos na din ako and with honors pero at the same time labis naman akong nagugulahan kung mag college pa ba ako o mag focus na lang sa paghahanap ng trabaho.
Mahirap lang kami at ang dahilan kung bakit naka abot at nakapag tapos ako ng highschool ay dahil sa scholarship ko at dahil sa konting kita ng mga magulang ko pero hindi na ganun ang mangyayari pag nagcollege na ako. Hindi na sigurado makakaya ng mama at papa ang mga gastusin at madami kasing applicants for college scholarship na siguradong pipiliin kesa sa akin lalo na at limited slots lang ang ibibigay ngayong taon dahil short daw sa funds.
"Oh Zaffy, bakit parang ang lungkot mo? Di ba dapat maging masaya ka dahil graduate ka na ng high school?"
"Ah, wala mama. May iniisip lang po ako."
"Tungkol ba sa pagkokolehiyo mo?"
"H-ha?"
"Wag ka mag-alala Zaffy, sisikapin namin ng papa mo na makapag tapos ka din ng kolehiyo."
"Ah mama? Maghanap na lang muna kaya ako ng trabaho? Saka na lang po ako mag-aaral pag nakapag ipon na ako."
"Ano ba pinagsasabi mo? Mag-aaral ka, okay? Kaya mag-isip ka na ngayon pa lang ng gusto mong kurso."
"Ok po. Mag-aaral ako pero payagan niyo na sana ako na mag trabaho para naman kahit konti maka tulong ako sa inyo."
"Wag na, Zaffy. Ang pag-aaral mo na lang ang isipin mo."
"Pero ma, please?"
"Haai! Oo na. Pero siguradohin mo lang na hindi mo pababayaan ang pag-aaral mo ha at siguradohin mo din na hindi mabigat na trabaho ang papasokan mo."
"Oo naman po hindi ko pababayaan ang aking pag-aaral at sisiguradohin ko din po na makakaya ko ang trabaho na papasokan ko."
Yeei! Pinayagan ako. Noon ko pa kasi gustong magtrabaho habang nag-aaral para kahit konti man lang maka tulong ako kina mama at papa pero ayaw akong payagan nila noon.
--------
"Hoy Zaffy! Halika na nga!"
Si Aelie naman yan, bestfriend ko. Andito kami ngayon sa labas ng isang mall. Eto kasi si Aelie kung gaano ako katipid, siya namang wagas kung gumastos. Napaka hilig niyang mag shopping. May kaya ang pamilya niya kaya wala namang dahilan para hindi siya pwede maging ganun.
"Zaffy! Bilis na!" -Sigaw uli ni Aelie
Sumunod na ako sa kanyang pumasok ng mall. Hindi ako mahilig pumunta dito dahil wala naman akong gagawin at bibilhin pero wala din akong magawa. Lage kasi akong sinasama ni Aelie dahil una nakaka bored daw magshopping mag-isa at pangalawa dahil magaling daw akong pumili ng mga gamit na bagay sa kanya. Magaling agad, kinukuha niya opinyon ko eh at sinasabi ko lang kung anung pumapasok sa isip ko.
BINABASA MO ANG
My Young Master (On-Going But SLOW Update)
Teen Fiction"I'm Zafia Leanette Santos, 17 years old. Kung ganu ka ganda ng pangngalan ko ganun naman ka pangit ng buhay ko. I'm a college student sa Stark University of Elites. Ang university na to ang pinaka sikat at halos lahat siguro gustong maka pasok dito...