Zaffy's POV
"Because I won't let you go."
⊙﹏⊙ ako yan ng minulat ko ang aking mga mata at sabay na bumangon.
Uwaaaah! Hanggang panaginip ba naman hindi ma alis alis yun sa isip ko??? Aaaaahhhh!!!
Teka lang! Bakit asa kwarto ko na ako? Diba kanikanina lang nasa school ako?
"You passed out."
"Ahh.. Kaya pala."
O_O ako.
Sino yun??? Tumingin ako sa paligid ko at sa sofa sa gilid na kama ko, naka upo ang lalaking hanggang sa panaginip ko ay hindi ko maalis alis sa isip ko.
*dubdubdubdubdubdub*
"B-bakit andito ka? At bakit alam mo ang iniisip ko?"
"..." ayun di nanaman sumagot.
Tumayo siya at kinuha ang isang maliit na balde na may lamang tubig sa lamesa malapit sa kama ko at kinuha ang tuwalya na asa kama ko.
"Take your med after eating your breakfast." siya sabay lakad papuntang pintuan at binuksan ito.
"Wui, teka la--" ayun di ko na tinuloy, lumabas na kasi eh.
Pssh.. Bakit nga ba siya andito? At yung mga dala dala niya.. At sinabi niya bang breakfast? Eh lunch na nga kanina ng asa school kami eh.
Matagal akong nag-isip.
At habang nag iisip ako, bigla namang nagring ang telepono dito sa kwarto ko.
"Ah, hello?"
"Oi Zaffy. Kamusta na pakiramdam mo? Sobrang nag-alala ako sayo kahapon ng umuwe kayo ni young master na wala kang malay."
"Ha? Kahapon po?"
"Oo. Kahapon kapa walang malay. Nalaman ko lang na gumising ka na ng may pinakuha si younv master kanikaninaa lang. Ok ka na ba? Ang taas daw ng lagnat mo kagabe kaya humingi ng mainit na tubig at tuwalya sa akin si young master. Hindi naman pwede na ako mag-alaga sayo kasi nga hindi kami pwede pumasok jan."
"Ha???!"
Uwaaaaah! Di ibig sabihin... siya ang nag-alaga sa akin?
"Hoy, Zaffy!"
"Ah-Ha?"
"Ha ka jan. Hindi ka na naimik."
"Ay sorry! May sinabi ka po ba?"
"Sabi ko ang swerte mo girl."
"Ha? Bakit naman po?"
"Eh, buong gabe ka inalagaan at pinuyatan ni young master. Wala pang ginagawan ng ganun si young master, ikaw pa lang. Ayiiiieeeee!!!! Special ka ata sa kanya kaya ganun."
Uwaaaaaaaaah!!!! Umiinit ang mga pisngi ko. May lagnat pa ata ako.
"A-ano ba ang pinagsasabi mo ate Joan. Nakonsensya lang siguro yun kasi ang mean at suplado niya sa akin at kung hindi dahil sa kanya, hindi ako naulanan at nagka sakit."
"Ganun? Mean at suplado din naman yun kahit kanino eh. At madami na nagkasakit dahil sa takot sa kanya pero ni isa sa kanila hindi niya naman inalagaan eh."
"E-eh b-baka-"
"Hahahahahahaha! Uiiiii! Kinikilig oh. Hindi na makapagsalita ng ma ayos eh. Sige na. Kumaen ka na jan at inumin mo na ang gamot mo. Magpahinga ka na din muna para siguradong magaling ka na."
Binaba ko na ang phone at tulala akong naka upo lang sa kama ko.
*dubdubdubdubdubdubdubdubdub*
Uwaaaaaaaaaaaahhhhh!!! Puso, tumigil ka! Nabibingi na ako sa sobrang lakas ng tibok mo.
![](https://img.wattpad.com/cover/19357857-288-k952818.jpg)
BINABASA MO ANG
My Young Master (On-Going But SLOW Update)
Novela Juvenil"I'm Zafia Leanette Santos, 17 years old. Kung ganu ka ganda ng pangngalan ko ganun naman ka pangit ng buhay ko. I'm a college student sa Stark University of Elites. Ang university na to ang pinaka sikat at halos lahat siguro gustong maka pasok dito...