Chapter 7

30K 1K 20
                                    

Zaffy's POV

Calling Boss Panget...

Ako: Asan ka?!!!!!

Panget: Sh*t! Ano ba sinisigaw mo jan ha! Mabibingi ako sa ginagawa mo eh!

Ako: Wala akong pakialam kung mabingi ka. Asan ka ba kasi?!!

Panget: Coliseum.

Maikling sagot niya at agad akong binabaan. Napaka rude talaga.

Agad naman akong tumakbo kung saan saan para lang mahanap ang "coliseum" kung asan ang aswang na yun.

Matapos ang isang taong paglalakbay papunta dun, ay mali, 1hr. lang pala... Hehe! Nahanap ko din sa wakas ang lugar na to. Ano ba kasi klaseng paaralan to? Sobrang napaka laki. Wala man lang jeep o kaya kahit bisikleta man lang. Sobrang nakaka pagod kayang maglakad ng napaka tagal.

Papasok na sana ako sa ma ala araneta coliseum na building sa harap ko ng biglang bumukas ang pinto ng entrance nito at nagsilabasan ang mga studyante.

Tumabi na lang muna ako sa gilid at pinagmasdan kung isa sa kanila na lumalabas ay si panget.

Pa tingin tingin lang ako ng nahagilap ng aking mga mata ang pinaka naiinisan kong tao na si panget. Mabilis akong tumakbo papunta sa kanya at kinaladkad ko siya sa gilid ng coliseum.

Hindi ko na inisip kung ano man ang magiging reaksyun niya basta maipaliwanag niya lang kung bakit may lamang ganito ang bag ko.

Humarap ako sa kanya ng hindi siya tinitingnan sa mukha. Siguradong tinitingnan na naman kasi ako nun ng masama.

"Ano to? Bakit may baril sa bag ko?!" ako habang pinasisilip sa kanya ang loob ng bag ko.

Opo, baril lang naman ang nasa bag ko eh.

"Put it in your pocket kung ayaw mo ilagay sa bag mo." siya at agad na tinalikuran ako.

"Haaaaa?!!!! Ano?!!!"

"Tch! Ang ingay mo talagang babae ka! Bingi ka ba? Sabi ko ilagay mo sa bulsa mo kung ayaw mo  na nasa bag mo." humarap uli sa akin.

"Di naman pwedeng ganito ang gawin mo." siya habang pinakita ang loob ng damit niya.

O_O

Nakita ko lang naman kasi na may nakalagay na baril dun sa my belt niya.

"Bakit--"

Hindi man lang ako pinatapos magtanung eh tinalikuran nanaman ako ng panget na to at nagsimulang umalis.

"HOY!!! PANGET!!!! HINDI PA AKO TAPOS MAGSALITA! ANG BASTOS MO KAHIT KAILAN!!!!" inis na sigaw ko.

Sobrang napalakas ata yung sigaw ko dahil napatigil at napatingin ang ibang mga estudyante sa akin pati yung apat na buntot ni panget na naghihintay sa kanya dun sa dulo.

Patay! ~>_<~

"Omg! Sinabihan niya bang panget at bastos si prince?"

"Ang kapal niya naman para sigawan si prince."

"Lagot siya ngayon."

"Walang hiya talaga ng babaeng yan!"

Yan ang mga naririnig ko sa paligid ko.

Agad naman akong tumingin sa kung asan si panget at... Uwaaaah! T_T Tinitingnan nanaman niya ako ng nakakatakot.

Nagsimula siyang lumakad at lumapit sa akin. Gusto kong tumakbo sa takot pero hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan.

Sa kalagitnaan ng kanyang paglalakad, bigla siyang napahinto at umiba ang kanyang mukha. Hindi ko mapaliwanag pero bakit mas lali akong kinabahan.

Nagsimula ng gumalaw si panget at ngaun patakbo na siyang lumapit sa akin. Uwaaah! T_T

My Young Master (On-Going But SLOW Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon