Zaffy's POV
"Uwaaaaah!" ako yan at mabilis na tumayo.
Bigla lang naman kasi dumilit ang panget na to.
Tinalikoran ko siya at tatakbo na sana dahil baka kung ano pa ang isipin niya pero may biglang humila sa likod ng damit ko.
Lumingon ako at nakita si panget.
"What are you doing?" siya at binitawan ang aking damit.
"Ha? Eh, hinahanap ko kasi ang room ng first subject ko at my nakita akong aswang na nakahiga dito kaya pinuntahan ko para ma confirm na hindi ako namamalik mata."
"Aswang?" siya.
Uwaaah! Ang sama na naman ng tingin niya sa akin.
"A-ah, sinabi ko ba aswang? Ang gusto kong sabihin talaga ay prinsipe. Nanaginip kasi ako tungkol sa aswang kagabe at bigla kong naalala kanina kaya yun ang nasabi ko. He-he!"
Nagfake smile ako sa kanya at bigla niya namang kinuha sa kamay ko ang schedule at rooms ng mga class ko.
Tiningnan niya ito at nag umpisang maglakad.
"Uii! Saan ka pupunta? Ibalik mo naman muna ang schedule ko bago ka umalis."
"Shut up and just follow me." siya.
Napaka suplado talaga kaya ayun wala na akong nagawa kundi sumunod sa kanya.
"Saan ba tayo pupunta?"
"..." siya.
"Huuuy!"
"..."
Hindi pa din siya sumasagot hanggang sa nakarating kami sa isang building.
Naglalakad kami sa hallway at yung mga andun walang tigil sa kakatingin sa amin.
Yung ibang mga babae sobra sobra ang tilian na meron ngang iba sa kanila ay halos mahimatay na.
Di ko naman sila masisisi eh. Ang supladong lalake na to kasi ata ang pinaka gwapong lalakeng nakilala ko. Kung ganun din siguro ka ganda ng ugali niya, siguradong isa din ako sa mga babaeng to na nagtitilian.
Madami ang nagtitilian pero madami din ang naka tingin sa akin ng masama at nagbubulongan ng kung anu ano tungkol sa akin.
Uwaaah!
Tumigil si panget sa paglalakad sa tapat ng isang room. Ito siguro ang room niya. Akala ko pa naman dadalhin niya ako sa room ko eh B1-4 to eh, B2-7 yung room ko. psh!
Pero ok na din to, atleast alam ko na kung saan makikitang building ang mga B na rooms.
"Ah, young master? Punta na po ako sa room ko. Maiwan na kita dito sa room mo ha." ako at nag fake smile.
Aalis na sana ako ng bigla niyang buksan ang pintuan ng room. Napatigil sa pagtuturo ang professor at agad namang tumayo ang mga studyante.
Wow! Ganun ba talaga ka respetado ng bakulaw na to?
"See that chair over there? Get it and bring it inside." utos ni panget.
"At b--"
"I'm your master and you'll do everything that I say."
Grrrrrrr!!!!
"Yes, young MONSTER." ako at padabog na umalis para kunin yung 'chair' daw. Bahala na kung narinig niya ang sinabi ko.
Pumasok na kami ng room dala dala ko ang upuan. Agad naman kaming sinalubong nina Spencer, Blaine, Allen at Warlen. Tutulungan na sana ako ng apat pero itong si panget sinabi na pabayaan daw ako. Psh! Kaya eto ako dala dala pa din ang upuan na to. Ok lang naman mejo magaan naman eh.
BINABASA MO ANG
My Young Master (On-Going But SLOW Update)
Genç Kurgu"I'm Zafia Leanette Santos, 17 years old. Kung ganu ka ganda ng pangngalan ko ganun naman ka pangit ng buhay ko. I'm a college student sa Stark University of Elites. Ang university na to ang pinaka sikat at halos lahat siguro gustong maka pasok dito...