Chapter 17

33.6K 1.1K 139
                                    

Chelly's POV

Yun oh, pinapanuod ko ngayun si Zaffy paalis habang hinihila siya ni prince sa wrist niya. Yung loka loka kasi bigla na lang natulala ng kinausap siya ni prince eh.

Kaya eto ako ngayun, naiwan kasama ng apat na "buntot" ni prince ayun kay Zaffy.

"Hey!" sabi ni Blaine.

Ayyyy!!!! My gaaaahhhhd! Ang gwapo talaga!

Oho, crush ko si Blaine. Kung d lang siya sana playboy, hindi ako magdadalawang isip na manligaw sa kanya. Waaaaah!

"Hey?" ako na super nagttrying hard na kumalma.

"Friend ka ba ni Zaffy?"

"Oo, bakit?"

"Ahh... Hmmm, you're cute."

OMG! OMG! OMG! Parang sasabog ang puso ko sa sinabi niya kahit na alam ko na ilang babae na ang nasabihan niya ng ganun.

"Want to ha---"

Ayun, hindi na siya natapos sa pagsasalita dahil hinila na siya sa likod ng damit niya ng isa sa kanila.

"Hey! Spenz, wait lang. I'm still talking to her." si Blaine.

"Kung ayaw mo mabawasan ang mga babae na umaaligid sayo, wag ka ng umangal. Baka nakakalimutan mo na puno ng polka dots pa yang pinakakaingatan mung mukha. Kung gusto mung madagdagan yan, d maiwan ka, madali namang kausap pagdating jan si boss eh." yung si Spencer habang hinihila pa din si Blaine.

"P*ta! Oo nga pala noh!"

"Sorry ha, sa susunod na lang natin ipag patuloy ang pag-uusapan natin." siya habang naka tingin sa akin.

"Bye, Ms. Cutie!" si Blaine sabay wave at wink sa akin.

OOOOoooohhhmmmmmmgggggg!!!! Aaaaaaaahhhh!!!! Diyos ko po!!!! Para akong matutunaw sa kgwapohan niya kahit na may mga pasa pa siya.

Eh, bakit nga ba ganun ang mukha niya pati na yung tatlo? Hindi naman kasi ako sinagot ni Zaffy kanina eh.

Umalis na ako dun sa library at pumunta sa resto kung asan kami kanina ni Zaffy. Hindi ako masyado nakakaen kanina eh. Bigla ka ba namang kaladkarin patakbo.

Napatingin ako sa field kung saan ko nakita sina prince kanina. At nabigla naman ako dahil nakita ko dun si Zaffy na nakaupo.

Akala ko ba inuwe na ang loka lokang yun ni prince eh bakit andito pa siya? Hindi kaya tumakas na naman?

Pupuntahan ko na sana siya pero ilang sandali lang nakita ko si prince na nakatayo sa gilid niya at nilapat sa kanyang kamay yung parang towel ata yun na kinabigla naman ni Zaffy.

Umupo si prince sa tabi niya at inabot sa kanya ang dala dala niyang bottled water at sandwich ata yun.

kyaaaaaaaaaah!!!! Bakit ako nakikilig habang pinapanuod sila at kahit na mukhang nagtatalo pa ata sila?

Eh ibang klase kasing spark ang nakikita ko sa kanila.

Nakatingin lang ako sa kanila at napansin ko na ngumiti si prince.

Ooohlalalala!! Si prince ngumiti? Ngayun ko lang siya nakitang ngumiti. Lage kasi naka simangot at seryoso ang mukha. Mas lalo siyang gumwapo ng ngumiti siya pero syempre mas gwapo pa din si Blaine my love para sa akin.

"Look girls!!! Si prince yun, d ba? My gosssshhh!! Ang hot talaga niya." biglang narinig ko mula sa apat na babae sa kabilang table.

"Always namang hot si prince noh. Hindi nagbabago yun." sabi pa ng isa.

My Young Master (On-Going But SLOW Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon