42 - Real Truth

54 4 0
                                    

MIRA POV.


"Good morning" 

Marion is already beside my bed, he's smiling at me that's why I tried to smile back. We both go home early yesterday, I can't face kuya Marco, or even our mom.

"Sabay na tayo bumaba" aya niya sakin. Tumayo ako at dumiretso sa banyo, mabilis akong nag-hilamos at nag-ayos ng sarili.

"Let's go"

Sabay kaming bumaba ni Marion sa dining area. I took stop some step mula sa kina-tatayuan ko nakikita ko sila - si kuya, si Mama at si...

Si Warren.

"Good morning" bati niya. Inalalayan na'ko ni Marion maglakad papunta sa seat ko. Umupo agad ako at nakayuko lang habang hinahanda ang sarili kong pagkain.

"Can't you greet Warren too, hija?"

Mariin akong napapikit sa narinig ko. Bakit ko pa siya pormal na babatiin kung siya din naman ang...ang mapapa-ngasawa ko? That's insane! I hate this morning!

"Its okay, Ma?"


What the hell!?

Nakataas ang kilay kong tumingin sakanya. What did he say? Nababaliw na ba siya?

"Don't call her in the way we call her as our Mom" madiin na sabi ko. Mahina lang siyang tumawa at nag-patuloy sa kinakain.


Agad ko nang sinubo nang sinubo ang mga kinuha kong pagkain at inubos narin ang gatas ko.


Nakakainis!


"Mauuna na po ako" paalam ko at kinuha na ang bag ko sa ilalim ng mesa.

"Mira! Hinintay ka ni Warren tapos mag-papauna ka?"

Huminto ako at tumingin kay kuya Marco.

"Parang ikaw, hindi mo hinintay o hiningi ang desisyon ko diba?"

"Mira Jane!"

Mira Jane?


Tumingin ako kay Mama ng walang kahit anong emosyon sa mukha ko.

"Aalis na po ako."

Dire-diretso ako palabas ng bahay, narinig ko pa na tinwag nila ako pero hindi na ko nag-abalang lumingon at dumiretso na papunta sa kanto kung saan pwede sumakay ng taxi. Pinara ko ang unang taxi na paparating at sumakay 

Never kong naisip na magagawa sa'kin ni mama o ni kuya Marco iyon, na ipa-pa engage ako para sa kapakanan ng company namin. For what reason? Dahil ba nalulugi na kami and merging by marriage is the only key?

Siya yung kababata ko.. we're like siblings.

Pero ano? Wala.

Tinanggap ko siya sa pangalawang pag-kakataon kahit nasaktan niya ko nung umalis siya, pero eto pa ang gagawin nila - niya! Nagagalit ako sakanya dahil ginusto niyang---

Ginusto niya? Ginusto nga ba niya na pakasalan ako? 


"Dito nalang po, kuya"

Hininto ni manong driver ang taxi at agad narin akong bumaba. Dire-diretso akong naglakad papasok sa loob ng school.

"Hey"

Huminto ako at hinarap ang tumawag sa'kin.

"Luke? Morning" pilit akong ngumiti sakanya. Ngumiti siya sakin at inakbayan ako.

Love that we only know (COMPLETE)Where stories live. Discover now