53 - Truth behind Lies

28 4 0
                                    

MIRA POV.

Sa buhay ng tao hindi maiiwasan na magsikreto, pero hindi mo ito matatago habang buhay, darating ka sa punto na hindi mo na kakayanin, gabi-gabi mo iniisip kung bakit mo nagagawa ang bagay na 'yun. Araw-araw ka kino-konsensya hanggang sa hindi mo na ito makayanan...

Hanggang sa maiisip mo na 'hindi tama ito, tama na, gustuhin mo man aminin o hindi, kakailanganin mo itong sabihin, dahil ayun lang ang natatanging paraan upang mawala ang bara sa dibdib mo, para maging malaya ka na walang sinisikreto...at para mapagpatuloy mo ang buhay mo ng maligaya.

In this world full of secrets, you must trust your self first before others.


"That's the truth, Mira"

Nilingon ko siya at matapang na nakipagtitigan.

"Sa sobrang dami niyong kasinungalingan hindi ko na alam kung dapat pa ba akong makinig sainyo"

Sinundo ako ni kuya kagabi mula sa Maiden's Cafe, isinama niya na din si Alissa dito sa bahay dahil 12 am narin nun.

"Wala na bang mas masakit na kasinungalingan ang hindi ko pa nalalaman?" sabi ko at tumawa ng peke. Kaharap ko sila mama at papa. Kinumpronta ko sila tungkol sa nalaman ko, at hindi sila nag-dalawang isip na sabihing totoo nga ang nalaman ko.

Lahat ng sinabi sa akin ni Alissa ay totoo, sinabi niya lahat sa'kin..

Ngayon malinaw na sa akin lahat... yung gabi na narinig ko sila mama na nag-tatalo at sinabi ni papa na tunay kong kapatid si Alissa, totoo nga, ayaw lang ni mama na masaktan ako kaya hindi niya hinayaan na sabihin sa akin ni papa ang totoo.

Yung araw na ime-meet namin nila Sean sila Warren at tita Wilma, yung araw na iyon ay pumunta kami sa bahay nila Sean, kaya pala nakita ko ang picture ni Warren sa mga pictures ay dahil magkakaibigan sila..


Great!

My life is full of lies.



***


"Sis?"

It's been 1 month...

Ibinaba ko ang hawak kong libro at tinignan si Trisha. Nandito kami sa bahay nila at nag-rereview para sa finals namin, nagjoin kasi kami ni Trisha sa advance finals exam.

"Bukas na ang field trip"

What?

"Huh?"

"Argh! Sabi na at hindi ka ready eh, wala ka ba talagang balak sumama?" she asked me. Hindi ko na napansin at first week na pala ng December at saturday na bukas.

"I'm busy, gusto ko kasing pumasa sa advance exam na kukunin natin dahil gusto ko na muna magbakasyon after" sabi ko. Gusto ko sana magbakasyon sa Baguio, I want some peace for myself.

"Don't worry, hindi problema yan" tumayo siya at binuksan ang closet niya at kinuha ang dalawang backpack at binato sa'kin ang kulay blue na bag "There, I already packed your things"

Binuksan ko ang bag na binigay niya sa'kin na may laman na dalawang t-shirt, isang shorts at pants at may kasama narin na pares na pantulog, kumpleto narin ang stuffs ko. Hays sabi kong hindi ako sasama eh.

"Trish?"

"Hmm? Hindi ka na pwedeng tumanggi, Aba at pinilit ko pa si Joshua kahapon para lang samahan akong bumili ng mga yan huh!"malditang sabi niya .Inirapan ko siya at sinarado ang bag.

Love that we only know (COMPLETE)Where stories live. Discover now