MIRA POV.
"Ihahatid na kita sainyo" Sean said. Nandito na kami sa kotse ni Sean, nakabalik na kami ng pilipinas at kagaya ng sabi niya ay binalik niya din ako agad.
"Wag na kaya, baka kasi magkita kayo ni kuya Marco" sabi ko. Kinakabahan talaga ako ngayon dahil hindi ko alam kung paano mag-papaliwanag sakanila.
"I can handle" mahinahong sabi niya. Grrr. Paano naman ako? I can't handle! Buti kung siya ang magpapaliwanag kung bakit kailangan niya ako isama sa London.
"Sean?" I called him. Diretso lang ang tingin niya sa daan kaya hindi ko na tinuloy ang sasabihin ko at tumingin nalang sa bintana.
"Why?"
Mas bumilis ang kabog ng dibdib ko ng hawakan niya ang kaliwang kamay ko, tinignan ko siya pero diretso pa din ang tingin niya sa dinadaanan namin.
"May itatanong lang sana ako.." mahina kong sabi
"Go on"
Huminga ako ng malalim at pinakalma muna ang sarili ko.
"A-asawa na ba kita?"
"Ano ka ba naman Sean?!" bulalas ko sakanya. Bigla siyang pumreno at buti nalang ay walang ibang sasakyan.
"Sorry, we're almost here" sabi niya at tinanggal na ang seatbelt. Tumingin ako sa labas ng bintana at nakita ko ang gate namin kaya nagtanggal narin ako ng seatbelt.
"Ano nga ulit yung tinatanong mo?" he asked. Napahinto ako dahil hindi ko alam kung bakit natanong ko sa'kanya yun. Aish! Ang boba ko talaga!
"W-wala, mauna na a-ako" utal na sabi ko at akmang bubuksan na ang pinto ng hinila niya ako at niyakap.
"Wait" he said at hinimas ang buhok. Gah! mas lalong bumilis ang kabog ng dibdib ko sa ginawa niya. Why are you doing this to me?
"Yeah. You're my wife and I'm your husband" sabi niya at nanatili parin sa pag-kakayakap sakin.
"S-sean, baka l-lumabas si kuya"
My gad! kumalma ka Mira
"I know, take care of your self. I'll be away to fix such things" sabi niya at naramdaman ko ang halik niya sa ulo ko at saka ako binitawan.
"T-tara na"
Agad na akong lumabas ng kotse niya dahil parang mahihimatay ako sa sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko. Nakita kong lumabas na si Sean kaya nag-umpisa na ako maglakad papunta sa loob. Nang marating ko ang pinto ay agad ko itong binuksan at kung minamalas ako ay si kuya Marco ang unang nahagip ng paningin ko, agad siyang tumayo at lumakad palapit sa akin. Naglakad din ako palapit sa kanya, pero imbis na ako ang salubugin niya ay---
"Kuya!"
Agad kong nilapitan si Sean na hawak-hawak ang labi niya na may dugo dahil sa pagkasapak sa'kanya ni kuya Marco.
"Where the hell did you bring my sister?!" galit na tanong niya. Tumayo si Sean at hinawi ang dugo na nasa labi niya. Ba't ba pa-cool pa rin siya kahit nag-liliyab na sa galit ang kapatid ko?
"I'll brought her to the place where no one can disturb us" he said then smirk. Siniko ko siya at pinigilan naman ni mama si kuya sa muli nitong pagsugod.
"Tama na yan!" kalmadong sabi ni mama at humarap kay Sean "Sean, hijo, Thank you for bringing Mira back, but you should go now"
"Ma? I'm not done with that bastard!" bulalas ni kuya pero tinignan siya ng masama ni Mama kaya inayos niya ang sarili niya.
YOU ARE READING
Love that we only know (COMPLETE)
Fiksi RemajaHer name is Mira Jane Lopez. Raise by a loving family and environment, believing that love is all around. But who will thought that behind those love are lies? That after the happy times are the painful reality? There are a lot of people we met in l...
